Chapter 8

4.7K 118 1
                                    

NAGTAKA si Yoomi nang hindi pa rin pumapasok sa kuwarto si Jason. Nakapag-shower na siya at nakapagpalit ng pantulog pero wala pa rin ang binata. Habang nasa adjacent bathroom ng silid siya kanina, narinig niyang pumasok ng kuwarto si Jason. Pero paglabas niya ay wala na ito. Nakita niyang naiwang bahagyang nakabukas ang damitan nila, kaya naisip niyang marahil ay kumuha lang ito ng pamalit nitong damit.
Alas-nuebe na ng gabi dumating si Jason sa bahay. Galing ito sa Dine&Drink dahil may emergency daw sa resto-bar na pag-aari nito, pero mukhang hindi naman ito tumugtog dahil maaga itong nakauwi.
Nahalata ba ni Jason na naiilang pa siya na magkasama sila?
Bigla naman siyang sinipa ng konsensiya.
Nag-iisip pa rin siya nang kung ano ang dapat niyang gawin nang marinig niya ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Agad-agad siyang humiga at nagpanggap na natutulog.
Mayamaya ay naramdaman niya ang paglundo ng kama. Pagkatapos ay naramdaman na lang niya ang maiinit at malalambot na labi sa noo niya.
“Good night, Yoomi,” masuyong bulong ni Jason sa kanya.
Ang akala niya ay hihiga na sa tabi niya si Jason, kaya nagulat siya nang maramdamang nawala na ito sa tabi niya, at narinig din niyang ang mahihinang yabag nito papalayo. Hindi ba ito matutulog do’n?
Napabalikwas siya ng bangon. Naabutan niya si Jason na palabas na ng kuwarto. “Jason!”
Pumihit paharap sa kanya si Jason. Kahit ang ilaw lang sa lampshade sa tabi niya ang nagbibigaw liwanag sa kuwarto, kitang-kita pa rin niya ang kaguwapuhan ng binata.
Simpleng puting T-shirt lang ang suot ni Jason at pajama buttom. Mukhang bagong paligo ito dahil basa pa ang buhok nito at amoy-baby ito, dahil marahil sa ginamit nitong shampoo o sabon na hindi niya alam kung ano dahil mukhang 'yong banyo sa sala ang pinaliguan nito.
“Ooops,” sabi ni Jason. “Pasensiya ka na kung nagising kita, Yoomi. Palabas na ko, so you can go back to sleep.”
“Saan ka matutulog?”
“Sa guest room. Sama ka?” nakangising biro nito.
Umiling siya, saka tinapik ang espasyo sa tabi niya. “Bakit kailangan sa guest room pa tayo matulog kung mas malaki naman ang kama dito sa kuwarto natin?”
Nawala ang ngiti nito. “Sigurado ka, Yoomi?”
Tumango siya. “Kasal na tayo, Jason. Walang dahilan para hindi tayo magtabi sa pagtulog. Pero siyempre, ibang usapan na kung ayaw mo kong katabi.”
“Heck, no,” mabilis na tanggi nito, at mabilis din itong naglakad pabalik sa kama. Pagkatapos ay humiga ito sa tabi niya. Ngumisi ito. “Naks. Na-experience ko rin ang kama natin. Akala ko, next year mo pa ko papayagang tumabi sa’yo.”
Kahit alam niyang nagbibiro lang ito, napahiya pa rin siya. “Sorry, Jason. Hindi natin na-experience ang maging mag-boyfriend-girlfriend muna, kaya hindi ko alam ang gagawin ngayong mag-asawa na tayo. Saka hindi talaga normal ang relasyon natin. Nauna pa nga ang honeymoon natin bago ang kasal, 'di ba?”
Tiningnan siya ni Jason, pagkatapos ay bigla itong natawa. “Yoomi, how can you tell a joke with a straight face?”
Wala sa ugali niya ang magbiro, pero gusto niyang bumawi kay Jason. “Kuwarto natin 'to, kaya dapat dito ka natutulog sa tabi ko.”
Pumikit si Jason at ngumiti. “Ah... that sounds so good to be true, pero walang bawian, ha?”
Gumaang ang pakiramdam niya ngayong nakikita niyang nakangiti si Jason. Marahang hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mga mata nito. Unti-unti itong nagmulat ng mga mata at tumingin ng diretso sa kanya. Hayun na naman ang kakaibang sigla at saya na nakikita niya sa mukha nito kapag nakatingin ito sa kanya.
“Can I cuddle my wife?” paglalambing nito.
Kiming tumango lang siya.
Nagulat siya nang bumangon si Jason at niyakap siya, pagkatapos ay pinabigat nito ang katawan nito kaya sabay silang napahiga sa kama.
Nabigla siya sa posisyon nila. Nakapatong kasi siya kay Jason at nakasubsob ang mukha sa dibdib nito habang yakap-yakap siya nito ng mahigpit sa baywang. Ng mahigpit. Hindi naman pala ito kasing payat ng iniisip niya. Malalakas ang mga brasong nakayakap sa kanya.
Masarap pala makulong sa mga bisig ng lalaking alam niyang kung hindi man siya mahal ay may totoong malasakit sa kanya. Gano’n pala ang pakiramdam na maging ligtas sa piling ng iba. Sigurado siyang makakatulog siya ng mahimbing sa tabi ng estranghero niyang asawa.
Tumingala siya kay Jason. Nakangiti ito sa kanya habang marahang hinahaplos ang buhok niya. “Jason... alam mo naman na gusto ko lang takasan si Kuya kaya ako pumayag magpakasal sa’yo, 'di ba?”
Hindi nawala ang ngiti nito. “Oo.”
“Kung gano’n, bakit tinanggap mo pa rin ang dahilan ko?”
Kumunot ang noo nito na tila ba nag-iisip, hanggang sa muling umaliwalas ang mukha nito. “Remember the night you said this: “Sa bawat pitong araw sa bawat linggo ko, 'yong araw lang na binibisita mo ako ang pinakagusto ko”? Nang marinig ko 'yan mula sa’yo, nagkaroon ako ng pag-asa na puwede mo rin akong magustuhan. Hindi naman por que hindi mo pa ko mahal ngayon ay hindi mo na ko puwedeng mahalin bukas. Naniniwala pa rin ako na hindi mahalaga kung gaano mo kamahal ang isang tao sa umpisa ng relasyon. Mas mahalaga 'yong kung gaano mo siya kamahal sa huli. Love grows, Yoomi. It grows faster more than we know.”
Hindi siya makasabay sa mga sinasabi ni Jason. Hindi pa niya naranasang magmahal ng lalaki, at ayaw pa niya. Pero nakapagtatakang natagpuan niya ang sarili niyang ninanamnam ang bawat salitang binitawan ng asawa niya. Pakiramdam niya, bata siya na sabik matuto sa lahat ng ituturo ng guro nito.
Huminto si Jason sa paglalaro sa buhok niya. Gumuhit din ang pangamba sa mukha nito. “Yoomi?”
“Hmm?”
“I’m sorry,” sinserong sabi nito.’
“Para saan?”
“I realized that I probably took advantage of your situation,” malungkot na sabi nito. “I just want to take care of you, Yoomi. At wala na kong ibang maisip na pinakamabisang paraan para gawin 'yon kundi ang pakasalan ka. Now that you are married to me, everything that is mine is yours. Gamitin mo 'yon para maprotektahan mo ang sarili mo kapag wala ako sa tabi mo. You’re Mrs. Jason Javier now. Wala nang puwedeng manakit sa’yo.”
Nakahanap siya ng tuwa sa mga sinabi ni Jason. Bigla ay hinila na siya ng antok. Ipinatong niya ang pisngi niya sa dibdib ni Jason. Ang sarap pakinggan ng tibok ng puso nito. Para siyang hinehele. “Kahit pala mali ang rason nating magpakasal, puwede pa rin tayong maging... okay.”
Narinig at naramdaman niya itong tumawa. Muli nitong pinaglaruan sa mga daliri nito ang buhok niya. “Yoomi, do you know what people get from making bad decisions and mistakes?”
Umiling siya. Pumikit na rin siya sa paghikab niya. “Ano?”
“Opportunities and new chances,” tila naaaliw na sagot nito. “Sa bawat pagkakamali na nagagawa ng isang tao, may iba na nakikinabang no’n. Halimbawa, kapag nagkamali ang isang empleyado sa malaking proyekto ng kompanya niya, matatanggal siya sa trabaho. At kapag natanggal siya, may ibang mabibigyan ng pagkakataong makuha ang posisyon niya.”
Umungol siya. “Ang sama no’n.”
“That’s life, Yoomi,” natatawang sagot ni Jason. “But it’s not always that bad. I made a huge mistake in my past, but it led me to you now.”
“Ano’ng moral lesson ng kuwento?” biro niya.
Pabirong kinurot nito ang tagiliran niya na ikinareklamo niya, na tinawanan lang ni Jason. “Ang galing mo palang mambara, ha?”
Hinayaan niyang ngumiti siya dahil hindi naman siya nakikita ni Jason. Hanggang sa pagtulog niya ay hindi niya naalis sa isip niya ang mga sinabi ni Jason na nagpataba sa puso niya: “You’re Mrs. Jason Javier now. Wala nang puwedeng manakit sa’yo.”

I Married The Wrong GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon