Chapter 30

6.9K 118 31
                                        

DUMOBLE ang takot ni Yoomi ngayong kasama na niya sa sasakyan si Chess. Nasa tabi ng bayaw niya si Xaver, habang may isa namag  mukhang manyak na kanina pa malagkit ang tingin sa kanya sa tabi niya para marahil masiguro ng mga ito na hindi sila makakalabas ng sasakyan.
Hindi siya nagsisisigaw o ano dahil alam niyang bale-wala iyon. Isa pa, kapag nagpakita siya ng takot, tiyak na gagawa ng paraan si Chess para makatakas siya, kahit ikapahamak pa nito 'yon. Ayaw niyang may masaktan dahil sa kanya.
“Kuya, 'wag niyo nang idamay si Kuya Chess dito,” pakiusap niya sa kapatid niya.
Gulat na nilingon siya ni Chess. “Kapatid mo 'tong kriminal na 'to?”
Nahihiyang tumango siya.
“Hoy, pogi, kung ako sa’yo, iingatan ko 'yang lalabas sa bibig mo kung ayaw mong malintikan sa’kin,” banta ni Xaver kay Chess.
Alam niyang may isasagot pa si Chess kaya hinawakan niya ito sa braso. Nang tumingin ito sa kanya, umiling siya. Kilala niya si Xaver. Madali itong mapikon.
Napatili siya nang himasin ng lalaking katabi niya ang hita niya. Shorts kasi ang suot niya no’n kaya nakalantad ang mga hita niya.
“Fuck you, pervert!” galit na sigaw ni Chess, saka dumukwang para suntukin ang lalaki na nanghipo sa kanya.
Akmang gaganti ang manyak na lalaki sa tabi niya pero sinaway ito ni Xaver. Akala niya ay nag-aalala kahit paano sa kanya ang kapatid niya, pero sinabi lang ng kuya niya na pag-aari na siya ng iba.
Walanghiya talaga!
Hinubad ni Chess ang suit nito at ipinatong iyon sa mga hita niya. Inakbayan siya nito at kinabig palapit dito, palayo kahit paano sa manyak na katabi niya. Kung ibang pagkakataon iyon, baka natulak na niya si Chess, pero ngayon ay sumiksik siya sa katawan nito. Akala niya matapang na siya. Pero gaya pala ng ibang babae, malaki rin ang takot niyang magahasa.
“Touch Yoomi again and I will kill you with my bare hands,” galit na banta ni Chess sa manyak na tumawa lang.
“Tahimik!” sigaw naman ng isa pang lalaki na nasa passenger’s seat. Dumukwang ito at tinutukan ng baril si Chess. Binalingan ng gunman si Xaver. “'Tol, dispatsahin na kaya natin 'tong si Tisoy? Kilala ka niya, baka ma-trobol pa tayo niyan.”
Hinimas-himas ni Xaver ang baba nito habang nakatingin kay Chess. “Iniisip ko rin 'yan tutal ay wala naman 'yang pakinabang sa’tin. Hindi ko rin gusto ang tabas ng dila nito.”
Natakot siya para kay Chess kaya nasabi niya ang bagay na hindi niya dapat sabihin. “Hindi niyo siya puwedeng saktan.”
“At bakit?” tanong ni Xaver.
Lumunok siya. Hindi niya dapat sabihin 'yon pero iyon na lang ang tanging makakapagsalba sa buhay ni Chess. “Siya si Chester Javier, ang nag-iisang tagapagmana ng mga Javier, Kuya.”

I Married The Wrong GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon