PAGKATAPOS um-order ni Jason ng dalawang Espresso sa Starbucks ay lumabas na siya ng coffee shop na iyon. Saktong paglabas niya ay nakita niya ang kapatid niyang si Chester o mas kilala bilang “Chess” mula sa taxi na sinakyan nito. Mukha ring basahan ang suot nitong sweater shirt at maong na pantalon. Maging ang sapatos nito ay madumi.
If his brother was dressed up like a normal guy, he was probably playing his favorite, cruel game again.
Napapalataktak siya. “Hindi ka pa rin nagbabago, Kuya.”
Ngumiti si Chess nang makita siya. Kinuha nito ang inabot niyang kape rito. “Salamat. Talagang inabangan mo ang pagdating ko, ha.”
Ngumiti siya. Tumawag ito sa kanya kanina kaya um-order na siya ng kape nila dahil hindi naman sila magtatagal do’n. “Nasabi mo ba kila Daddy na sa bahay ako maghahapunan?”
“Oo naman.” Nilibot nito ang tingin nito sa parking lot. “Ano nga uli 'yong kotse mo?”
“Ikaw mag-da-drive?”
“Yep. Baka kasi puyat ka, maaksidente pa tayo. I heard married guys tend to be busy with their wives every fuckin’ night. If you know what I mean,” pilyong biro nito na sinundan pa nito ng halakhak.
Kahit nag-init ang mga pisngi niya, natawa rin siya. His older brother was a sunny person and it was hard not to like him, no matter how arrogant he could get most of the time. Hinagis niya rito ang susi ng kotse niya. “Pajero, black, to your right.”
Sumakay siya sa passenger’s seat, samantalang pumuwesto naman si Chess sa likod ng manibela. Pupunta sila ngayon sa bahay ng magulang nila para ipaalam sa daddy niya at kay Tita Cheska na gusto niyang ipakilala ang asawa niya sa mga ito. Mabuti na 'yong malaman agad niya kung interesado ba ang mga ito, kaysa naman mapahiya pa siya kay Yoomi kapag nagpakita nang hindi maganda ang ama niya, lalo na si Tita Cheska na mahirap pakisamahan.
Si Chess lang naman ang nakasundo niya simula pagkabata. Tinanggap siya nito bilang kapatid at wala itong pakialam kahit anak siya ng kabit ng ama nila. Napalayo lang siya rito nang umalis siya sa bahay nila. Hindi na sila naging sing lapit tulad noon simula nang mangibang-bansa ito, pero madalas ay tumatawag pa rin ito.
“You’re playing that game again,” basag niya sa katahimikan.
Binaba nito ang kape sa cup holder sa dashboard ng kotse niya. Ang luwang ng ngiti nito. “What do you mean?”
“Nagpapanggap kang mahirap, walang trabaho at walang permanenteng tirahan at manliligaw ka ng babaeng tiyak na aayaw sa’yo dahil wala siyang mapapala sa’yo. Then, you will reveal to her that you are a heir to a huge company. At kapag nagbago ang isip ng babaeng 'yon na tumanggi sa’yo, game over.” Bumuga siya ng hangin. “You never changed.”
Chess was friendly and all, but he was cruel to pretentious poor girls. May masakit na nakaraan itong pinaghuhugutan na wala siyang balak ungkatin sa harap ng kapatid niya.
“Oh, shut up,” natatawang saway nito sa kanya.
May sasabihin pa sana siya pero nakatanggap siya ng text mula kay Yoomi. Blangko iyon. Nag-alala agad siya kaya tinawagan niya ang asawa niya.
“Honey, what’s wrong? Why did you send me a blank text message?” bungad agad niya pagsagot nito ng tawag niya.
“Sorry. Napindot ko agad 'yong send button eh. Itetext sana kita at magpapabili ako sa’yo ng ponkan. Ubos na kasi eh.”
Napangiti siya. “Okay, I will.”
“Jason, ha? Baka nagmamaneho ka. Sinabi ko na sa’yong huwag kang tatawag kapag nagmamaneho ka,” sermon nito.
He really liked it whenever she was worried about him. “Si Kuya ang nagmamaneho, honey. Kaya 'wag mo na kong pagalitan. I’ll call you again later, okay?”
Matapos niyang makipag-usap kay Yoomi ay napansin niyang ngingisi-ngisi si Chess.
“Wow. Talaga ngang kasal ka na. And it seems like you’re enjoying your married life,” puna ni Chess.
Ngumiti lang siya. “Magseryoso ka na rin kasi.”
Sinulyapan siya nito. “I might do that soon. I think I found the girl worth my attention.”
“Really? So, kailan mo siya ipapakilala sa’kin?”
“Kapag nakita ko uli siya. Pinagtataguan niya kasi ako,” naaaliw na sagot nito.
Tumaas ang kilay niya. “That’s new. Women usually throw themeselves at you.”
“Exactly. That’s why this girl is special. But enough about me. Ikaw naman ang magkuwento tungkol sa asawa mo.”
Napangiti siya. “Well... she’s beautiful. Very beautiful. Everything about her is. And the cutest thing about her is that she loves ponkans. She once told me that ponkans fix everything.”
Huminto sa pagmamaneho si Chess dahil sa traffic light. Nang lingunin siya nito, tila may malalim itong iniisip. “Strange. May babae rin akong nakilala na nagsabi sa’kin niyan. That ponkans fix everything. Ano’ng pangalan ng asawa mo, Jason?”
Naguguluhan man sa sinabi ni Chess, sinagot pa rin niya ito. “Yoomi. Yoomi Jacinto.”
Biglang nawala ang ngiti ni Chess at naging seryoso ito. “Jason –”
Nawala sa kapatid niya ang atensiyon niya nang tamaan siya sa mukha ng ilaw ng headlight mula sa kotse sa gilid niya. Napasinghap siya nang makita ang napakabilis na takbo ng van na palapit sa kanila. Napamura si Chess at mabilis nitong minaneho ang kotse paatras, pero bumunggo sila ng malakas sa sasakyan sa likuran.
Tumama ang ulo niya sa manibela at naging blangko na ang lahat.NANG makuha ni Yoomi ang room number kung saan naka-confine si Jason, tinakbo agad niya ang pasilyo patungo sa kuwarto. Nakatanggap siya nang tawag mula sa kuya ni Jason kanina gamit ang phone ng asawa niya at sinabing naaksidente si Jason. Agad siyang sumugod sa ospital sa labis na pag-aalala.
Nang marating niya ang hospital room ni Jason, hindi niya inasahan ang sumalubong sa kanya. Hula niya, ama ni Jason ang matandang lalaki na tahimik pero alam niyang makapangyarihan base na rin sa tindig nito. At ang eleganteng matandang babae, sigurado siyang ito stepmom ng asawa niya.
“Do you want to kill my son, you good-for-nothing bastard?” galit na galit na tanong ng stepmom ni Jason.
“I’m sorry, Tita,” nakayukong sabi ni Jason.
Nadurog ang puso niya nang makita si Jason. May benda sa ulo nito at naka-cast din ang kanang braso nito, pero pinagsisisigawan pa rin ito ng impakta nitong stepmom.
“Bakit kasi hindi ka nag-iingat?” pagpapatuloy ng stepmom ni Jason.
Hindi na siya nakatiis manahimik. “Mawalang-galang na ho.” Napatingin sa kanya ang ginang at ang ama ni Jason. Maging ang asawa niya ay nag-angat ng tingin sa kanya. “Ako ho si Yoomi Jacinto, ang asawa ni Jason.”
Tiningnan siya mula ulo hanggang paa ng stepmom ni Jason, samantalang kinamayan naman siya ng ama nito na animo’y aplikante siya sa kompanya nito. Pero hindi iyon ang mahalaga sa kanya ngayon.
“Mrs. Javier, malala ho ba ang naging pinsala ng anak niyo?” direktang tanong niya sa ginang.
Tumikhim ang ginang. “My son still could have died –”
“Ano nga hong natamo niyang pinsala?” sansala niya sa sinasabi nito.
Tiningnan siya ng ginang na tila hindi makapaniwala sa kagaspangan niya. “How dare –”
“Cheska,” saway ng asawa ng ginang dito. Hinarap siya ng ama ni Jason. “Tinahi ang sugat sa noo ni Chester pero maliban do’n, wala nang ibang injury ang anak namin.”
Kung gano’n, ang asawa niya ang napuruhan!
Humugot siya ng malalim na hininga, bago tinuon ang nag-aakusang tingin niya kay Mrs. Javier. “Kung gano’n, bakit niyo ho sinisigawan ang asawa ko? Sa pagkakaalam ko ho kasi, 'yong anak ninyo ang nagmamaneho ng kotse kaya kung muntikan na silang mapahamak, kasalanan niya 'yon.”
Napasinghap ang ginang. Namula ang mukha nito dala marahil ng pagkapahiya. Maging ang ama ni Jason ay mukhang nagulat.
Pero wala siyang nararamdaman ni katiting na pagsisisi. Maiintindihan sana niya ang ginang kung na-comatose ang anak nito. Pero stitch lang ang natamo nitong pinsala samantalang si Jason ay bali ang isang braso! At dahil kausap niya ang asawa niya kanina, alam niyang hindi ito ang nagmamaneho.
“At saka aksidente ho ang nangyari,” pagpapatuloy niya. “Huwag niyo ho sanang sisihin ang asawa ko sa bagay na hindi niya ginusto mangyari.”
“Yoomi,” saway ni Jason sa kanya sa maawtoridad na boses.
Tumahimik siya.
Tumalim ang tingin sa kanya ni Mrs. Javier. “My son is the only heir of our family. Kompara sa asawa mo, higit na importante ang anak ko –”
“Siguro nga ho Javier ang asawa ko,” hindi na naman niya napigilang sagot. Pero mas magalang na ang tono niya. “Pero hindi ho kayo bahagi sa pamilya namin. Kung wala ho kayong pakialam sa anak ko, wala rin ho akong pakialam sa tagapagmana ninyo. Si Jason lang ang importante sa’kin at kung babastusin niyo lang ang asawa ko, puwede na ho kayong umalis.”
Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang tapang niya. Ang alam lang niya, gusto niyang protektahan si Jason gaya ng pagprotekta nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Married The Wrong Guy
RomanceYoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong gu...