MULA sa screen ng cell phone niya ay tiningnan ni Chess ang stitch sa noo niya. Gaya ng sinabi ng doktor, hindi nga iyon nakikita.
Naaksidente sila ni Jason kanina. May van na nawalan ng preno at para makaiwas dito, inatras niya ang kotse. Pero imbis na malayo sa disgrasya ay lalo pa silang napahamak ng kapatid niya. Naatrasan niya ang kotse sa likuran nila, at nahagip pa rin sila ng van kaya nga napuruhan si Jason dahil sa gawing kanan nito nanggaling ang van na sumalubong sa kanila.
Tinawagan niya ang asawa ni Jason kanina, pero halos hindi niya ito nakausap dahil pinagbabaan agad siya nito nang malaman nito kung nasaang ospital sila.
At ang mga magulang naman niya, binisita si Jason. Hindi siya agad nakasunod sa kanya dahil sa mga test na pinagawa ng mommy niya para masigurong wala siyang internal injury. His mother was really good at overreacting.
Papunta siya sa hospital room ni Jason para iligtas ang kapatid niya mula sa galit ng mommy niya. His mother hated Jason’s mom, so she always took out her anger on his poor little brother. Kahit siya ang mali, si Jason pa rin ang siguradong sisisihin ng ina niya.
Natigilan siya nang mapadaan siya sa emergency exit. Pamilyar sa kanya ang babaeng iyon na nakaupo sa hagdan. Napangiti siya nang makumpirma niya ang hinala niya.
“Ponkan Girl!”
Nag-angat ng tingin si Yoomi sa kanya. Halatang nagulat ito nang makita siya, pero bumalik din agad sa pagiging blangko ang emosyon sa mukha nito. “Gameboard.”
Lumuwang ang pagkakangiti niya. Umupo siya sa tabi nito, pinatong ang mga braso niya sa binti nito at nilingon ito. “'Buti naman naaalala mo na ko.”
Nangalumbaba lang ito habang nakatukod ang mga siko nito sa mga binti nito.
Binunggo niya ito. “Why do always look sad whenever I see you?”
Binigyan siya nito ng nayayamot na tingin. “Bakit ba lagi akong nagkakaproblema kapag nagkikita tayo?”
Natawa siya. Nakakapagbiro pa talaga ito ng seryoso. “Baka sign na 'yon na ako ang sagot sa mga problema mo. Maybe I can make you happy.”
Bumuga ito ng hangin, saka tumayo. “Sinabi ko na sa’yong kasal na ko kaya huwag mo na kong binibiro ng ganyan.”
Tumayo rin siya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naging seryoso. “Hindi kita binibiro. Kaya kong solusyunan ang lahat ng problema mo. I can give you anything that can make you happy, Yoomi.”
Naglakad na ito palayo.
“I’m Chester Javier,” pagpapakilala niya na nagpahinto kay Yoomi. “The only heir to Javier Corporation, owner of the biggest shopping malls in the Philippines.”
Gaya ng sinabi ni Jason, iyon ang paborito niyang laro. Makikipaglapit siya sa isang simpleng babae. Ipapakita niya rito na wala itong mapapala sa kanya, pero susubukan niya itong paibigin. Lahat ng babaeng napaglaruan niya ay tinatanggihan siya sa una, maging ang pamilya ng mga ito, dahil wala raw siyang kinabukasan. Pero kapag nagpakilala na siya sa mga ito, siya na ang hahabulin ng mga ito. Lalabas na pera lang ang habol ng mga ito sa kanya, at mawawalan na siya ng interes. Game over.
Hindi niya intensiyon na paglaruan si Yoomi, pero gusto na niyang mawala ito sa isip niya. He developed an unhealthy infatuation with her. He wanted it to end.
Prove to me that you’re just like everyone else, Yoomi. So I can this stop this craziness.
Pumihit paharap sa kanya si Yoomi. Bakas ang gulat sa mukha nito.
Napangiti siya.
Game over.
“Kuya?” gulat na bulalas ni Yoomi.
Nawala ang ngiti niya. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Jason kanina tungkol sa asawa nito: “Well... she’s beautiful. Very beautiful. Everything about her is. And the cutest thing about her is that she loves ponkans. She once told me that ponkans fix everything.”
“Ikaw ang asawa ni Jason?”
BINABASA MO ANG
I Married The Wrong Guy
RomanceYoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong gu...
