Chapter 27

4K 98 4
                                    

HINDI alam ni Yoomi ang iniisip ni Jason habang nasa harap sila ng puntod ni Kiana. Binisita niya ang puntod ng kapatid niyang si Maricel kanina at sinamahan siya ng asawa niya. Pagkatapos ay dinala siya nito sa puntod ni Kiana na nasa loob ng museleo.
“Kilala ako ng caretaker museleong ito ng pamilya ni Kiana,” basag ni Jason sa katahimikan nila. “Taon-taon, miserable ako sa tuwing bumibisita ako kay Kiana. Naawa yata sa’kin si Tata Marlon kaya ipinapahiram niya sa’kin ang susi nito, kahit delikado iyon para sa kanya.”
Hindi siya nagkomento.
“Yoomi...” tila nahihirapang anas ni Jason. “Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ang tungkol kay Kiana. Pero natakot na baka isipin mong ako pa rin 'yong duwag na lalaking tumakbo sa responsibilidad niya noon. Natakot ako na baka hindi mo ko pagkatiwalaan na kaya kitang protektahan, kung malalaman mo kung gaano ako kahina noon.”
Sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. “Inisip mo ba talaga na huhusgahan kita dahil sa nagawa mong pagkakamali noong bata ka pa?”
Tumango ito. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. “Nang mamatay si Kiana, sinisi ako ng buong pamilya niya. Nagalit ang pamilya niya sa mga Javier, at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin naghihilom ang ang alitan ng dalawang angkan. My dad held me responsible for what happened. Iyon ang dahilan kung bakit pinalayas niya ko sa mansiyon.”
Hindi siya bahagi ng kabanatang iyon ng buhay ni Jason, pero nadudurog ang puso niya sa sakit na nahihimigan niya sa boses nito.
“Huwag na daw uli akong tatakbo, sabi ni Kiana bago siya bawian ng buhay. Siguro nga tama ka sa sinabi mo. Inisip ko na kung magiging mabuting tao ako ngayon, makakalimutan ko 'yong naging kasalanan ko. Umasa ako na sa pag-aalaga ko sa’yo, mababawasan 'yong guilt na dala-dala ko sa dibdib ko. I’m using as a salvation, Yoomi.”
Tahimik na naglandas ang mga luha niya. Nasaktan siya sa mga sinabi nito.
“Pero mali ka nang sabihin mong responsibilidad lang ang tingin ko sa’yo.” Nilingon siya ni Jason. May sakit at paghingi ng tawad sa mga mata nito. “Yoomi, siguro nga isa sa mga dahilan ko kung bakit kita pinakasalan ay para tulungan mo kong alisin 'yong guilt ko. Pero sa una lang 'yon. Hindi kasama sa responsibilidad ang mahalin ang taong pinoprotektahan mo. But I did. I fell in love with you. Don’t get me wrong. Mahal na kita bago pa kita ayaing magpakasal. Pero ngayon, mas malalim ang nararamdaman ko para sa’yo. Mas buo. Mas totoo.
I was a fool to realize it only now. Nang araw na ipinagtanggol mo ko sa stepmom ko ay ang araw na nalunod ako sa sobrang pagmamahal ko sa’yo. Alam kong matagal na kitang mahal, pero nang mga sandaling iyon, nalaman ko kung bakit. At kung gaano na kalalim.”
Napahikbi siya. “Talaga?”
Nakangiting hinaplos nito ang pisngi niya. “I believe in true love, Yoomi. I learned to believe in it because you loved me. Because you fixed me.”
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang papalakas niyang paghikbi, pero hindi siya nagtagumpay. Sasabog na yata ang puso niya sa sobrang saya.
“Living means never having to question God why you still woke up,” pagpapatuloy ni Jason sa masuyong boses. “Ever since the morning I woke up with you beside me, I stopped asking why He has to give me another day to suffer. And at that moment, I realize I am alive again. He gave me another reason to fight. He gave me you. Yoomi, you breathe life into me.”
Sinalubong niya ang tingin ni Jason. Umaasa siyang makikita nito sa mga mata niya ang labis na pagmamahal na nararamdaman niya para rito. “Jason, ikaw 'yong pinakamagandang bagay na nangyari sa’kin na hindi ko alam na kailangan ko pala. Hindi mo na puwedeng bawiin lahat ng sinabi mo dahil hindi ko na alam kung paano mabubuhay ng wala ka.”
“You will never have to live without me, Yoomi.” Inakbayan siya nito at inakay paharap sa puntod ni Kiana. “Kiana, ito si Yoomi, ang babaeng ipinakilala mo sa’kin nang araw na gusto ko nang sumuko. Thank you for guiding me to her. I hope you’re happy wherever you are now.”
Tinitigan ni Yoomi ang litrato ni Kiana sa ibabaw ng puntod nito. Maganda ang dalaga at gano’n din ang ngiti nito sa larawan. Kung totoong ito ang nagdala kay Jason sa kanya, nagpapasalamat siya rito ng husto.
Ipinangako niya kay Kiana na aalagaan niya si Jason kahit ano’ng mangyari.

HINIHINTAY ni Yoomi si Jason na matapos sa pakikipag-usap nito sa puntod ni Kiana. Kung hindi siya nagkakamali, nagpapaalam na ito sa unang pag-ibig nito. Ang sabi sa kanya ng asawa niya kanina, nang dahil sa kanya, lumaya na ito sa pagsisising nararamdaman nito kaya oras na para magpaalam ito kay Kiana.
Binigyan niya ng privacy si Jason dahil alam niya, kailangan nito ng oras mag-isa ngayon.
Umupo siya sa bumper ng kotse ni Jason at niyakap ang sarili niya. Malamig na kasi dahil ala-siete na ng gabi no’n.
Sa totoo lang, natakot talaga siya nang akala niya ay hindi pagmamahal ang nararamdaman ni Jason para sa kanya. Pero nang marinig niya ang mga sinabi nito kanina, nakahinga siya ng maluwag. At ngayon, may nadagdag na naman sa paniniwala niya.
Tumingala siya sa madilim na kalangitan.
May kasalanan ako Sa inyo. Matagal ko nang hininto ang paniniwala Sa inyo dahil Kayo ang sinisi ko sa lahat ng kamalasan ko sa buhay. Pero dahil ibinigay Niyo sa’kin si Jason, puwede na ba kong maniwala na mahal Niyo rin ako?
At alam niyang “oo” ang sagot. Dahil minahal siya ni Jason, bumalik ang tiwala niya sa pag-ibig, maging ang pag-ibig sa Diyos. Hindi siya Nito iniwan. Siya lang tumalikod dito dahil napanghinaan siya ng loob.
Patawarin Niyo ko.
“Yoomi!”
Natauhan siya nang may humawak sa kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking nakatalukbong ng hood ang ulo. “K-Kuya.”
Lumingon-lingon ito sa paligid na parang sinisigurado na walang ibang tao ro’n. “Mabuti na lang at nakita kita. Hindi ako makapuslit sa subdivision na tinitirhan mo.”
Binawi niya ang braso niya mula rito. “A-ano’ng ginagawa mo rito? P-pa’no mo nalamang nandito ako?”
Nalukot ang mukha nito. “Binisita ko si Maricel. Nagkataon lang na nakita kita. Pero mabuti na rin 'to dahil kailangan na kitang makausap. Bakit nga pala nagpalit ka ng numero? Hindi tuloy kita matawagan.”
Kinagat niya ang ibabang labi niya. “Na-snatch ang cell phone ko sa Divisoria no’ng nakaraan. Binilhan ako ni Jason ng bagong phone kaya iba na rin ang number ko.” Iyon ang dahilan kung bakit pinasara ni Jason ang tindahan niya. Baka daw mas malala pa ang mangyari sa kanya sa susunod.
“Bigatin talaga 'yang asawa mo,” nakangising sabi ni Xaver. “O, ano? Nagatasan mo na ba? Mahigit dalawang buwan na rin ang lumipas. Malapit na ang ultimatum ko, Yoomi. Kailangan ko na 'yong tatlong milyon.”
Nanginig ang katawan niya dala ng matinding takot. Pero nilakasan niya ang loob niya. “H-hindi si Jason ang tagapagmana ng mga Javier...”
Kumunot ang noo ni Xaver. “Ano?”
“Hindi si Javier ang tagapagmana ng mga Javier,” pag-uulit niya sa mas malakas na boses. “Hindi rin sapat ang pera niya sa bangko para sa halagang hinihingi mo, Kuya. Hindi kita matutulungan.”
Nagmura ito ng malakas. “Kung gano’n, bakit nakikisama ka pa rin sa lalaking 'yon?! Kung wala kang mapapala sa tarantadong 'yon, iwan mo na! Sumama ka na lang ang big boss ng sindikatong humahabol sa’kin!”
“Ayoko,” matigas na sagot nito. “Hindi ko iiwan si Jason.”
“Bakit? Buntis ka na ba?!”
Napapiksi siya dahil sa pagsigaw nito. “Mahal ko si Jason, Kuya. Hindi ko siya hihiwalayan.”
Muli itong nagmura ng malakas. Dinutdot nito ang noo niya. “Tanga ka, Yoomi! Tanga! Kapag hindi mo iniwan 'yang asawa mo, malilintikan siya sa’kin! Babawiin kita sa kanya sa kahit ano’ng paraan!”
“Xaver!”
Nagulat siya sa sumunod na eksena: Sinuntok ni Jason si Xaver. Gumanti ang kapatid niya at tinamaan ng suntok sa panga ang asawa niya. Pero lumaban uli si Jason hanggang sa nagbabasagan na ng bungo ang dalawa.
“Tama na!” malakas na sigaw niya. Napaiyak siya nang makitang duguan ang labi ni Jason. “Jason...”
“Hoy, ano 'yan!” sigaw ng guwarding rumoronda.
Nang sipain ni Jason si Xaver sa sikmura, natumba ang kapatid niya. Pero mabilis tumayo ang kuya niya at tumakbo palayo.
“Habulin mo!” utos ni Jason sa guwardiya. “Kriminal 'yon!”
Sumunod naman ang guwardiya.
Akala niya ay susunod si Jason, kaya masaya siya nang nanatili lang ito sa tabi niya. Dinukot nito ang cell phone nito mula sa bulsa ng pantalon nito at may kung sino itong tinawagan. Kung hindi siya nagkakamali, tinawagan nito ang pulis na may hawak sa kaso ng pambubugbog sa kanya ni Xaver noon at ipinagbigay-alam dito ang nangyari ngayon.
Niyakap siya ni Jason. “Were you badly hurt?”
Umiling siya. Niyakap niya ito ng mahigpit at pumikit. Ligtas na siya dahil nasa tabi na niya ito. “Natakot ako, Jason.”
Narinig at naramdaman niya itong bumuga ng hangin. “Huwag ka nang matakot, Yoomi. Magsasampa tayo ng reklamo kay Xaver para makulong siya sa oras na lapitan ka uli niya.”
Hindi siya nakasagot. Sa ngayon kasi, hindi iyon ang nakikita niyang paraan.

I Married The Wrong GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon