SINUKLAY ni Jason ng mga daliri niya ang magulo niyang buhok, at inayos din niya ang suot niyang T-shirt. Kauuwi lang niya mula sa gigi ng banda niya at patulog na sana siya nang tumawag sa kanya si Yoomi at tinanong nito kung puwede siya nitong makausap. Alam niyang importante 'yon dahil hindi naman ito pupunta sa condo niya ng alas-dos ng madaling-araw kung wala lang iyon.
Nang tumunog ang doorbell ng unit niya ay napakidiretso siya ng tayo. Kinalma niya muna ang sarili niya bago binuksan ang pinto. Pero bale-wala rin iyon dahil pagkakita pa lang niya sa magandang mukha ni Yoomi ay bumalik ang mabilis na tibok ng puso niya.
“Hi, Yoomi,” nakangiting bati ni Yoomi sa kanya.
Binigyan siya ni Yoomi ng tipid na ngiti. “Hello, Jason.”
“Hi, Jason. Nandito rin ako,” sabi naman ni Issa.
Ngumiti lang siya. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Tuloy kayo.”
Tumuloy sa loob ng unit niya sina Yoomi at Issa. Pinaupo niya ang mga ito sa sofa sa sala niya. Nagpaalam siya sa mga ito para sana magtimpla ng kape pero pinigilan siya ni Issa.
“Aalis din ako agad dahil hindi puwedeng may makakita sa’kin dito,” sabi ni Issa na nauunawaan naman niya dahil asawa ito ng politiko. “Jason, makikiusap sana kami kung puwedeng dito muna mag-stay si Yoomi sa unit mo.”
Nagkamali ba siya ng rinig? Dumako ang tingin niya kay Yoomi para kumpirmahin nito ang sinabi ni Issa.
Tila nahihiyang tumango si Yoomi. “May nangyari kasi... pero kung may girlfriend ka na magagalit, puwede nama –”
“Wala akong girlfriend,” mabilis na tanggi niya. Hindi niya kukulitin ng isang taon si Yoomi kung may karelasyon siya. “Ano ba’ng nangyari?”
Nagtinginan muna sina Issa at Yoomi, bago nagsimulang magkuwento si Yoomi. Matapos marinig ang buong pangyayari mula sa dalaga ay naramdaman na lang niyang namamanhid na pala ang mga kamay niya sa higpit ng pagkakakuyom ng mga iyon. Alam niyang gago si Xaver, pero ngayon lang niya naramdaman na gusto niyang patayin ang walanghiyang lalaki.
Pinipilit ni Xaver na magbigay ng pera si Yoomi rito at sasaktan nito ang dalaga kapag hindi? Nagmura siya sa isipan.
“Dito ka muna sa bahay ko, Yoomi,” mabilis na desisyon niya.
Ngumiti ng tipid si Yoomi. “Malaki ang tiwala ko sa’yo, Jason, kaya nga ikaw ang nilapitan ko. Kapag okay na ang lahat, aalis agad ako.”
“Huwag mo munang isipin 'yon. Ang mahalaga, ligtas ka na ngayon.”
Gusto niyang yakapin si Yoomi para iparamdam dito na walang masamang mangyayari dito habang nasa poder niya ito. Malamang ay natakot ito sa pagbabanta ni Xaver. Pero baka sa kanya naman matakot ang dalaga kapag kinulong niya ito sa mga bisig niya.
Tumayo na si Issa. “Aalis na ko. Magagalit na ang asawa ko kapag nagtagal pa ko. Jason, maraming salamat uli sa pagtulong sa kaibigan ko.”
Tumango lang siya at hinatid niya si Issa hanggang sa pintuan. Hindi na niya ito kailangang ihatid hanggang sa lobby dahil may mga kasama naman itong bodyguard.
Nang bumalik siya sa sala ay isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila ni Yoomi. Nakaupo lang ang dalaga sa sofa habang nakatingala sa kanya. Pero kahit nakatingin ito sa kanya, hindi pa rin niya mabasa ang nasa isipan nito.
Pero masaya siya na sa oras ng kagipitan, siya ang nilapitan ni Yoomi. Magtatampo siya kung hindi siya nito hiningan ng tulong.
Dumako ang tingin niya sa malaking bag na dala ni Yoomi. Naroon marahil ang mga gamit nito. “Magpalit ka muna ng pantulog mo habang inaayos ko ang kuwarto mo.” Iminuwestra niya ang pinto ng banyo. “Kung tapos ka na, katukin mo lang ako.”
Tumayo si Yoomi at nilibot ang tingin sa kabuuan ng unit niya, bago siya muling binalingan. “Iisa lang ang kuwarto mo rito. Okay lang ba na gamitin ko 'yon?”
His unit was a bachelor’s pad. Isa lang talaga ang master’s bedroom do’n, pero hindi siya magdadalawang-isip na ipahiram 'yon kay Yoomi. “Huwag mo nang intindihin 'yon. Malaki naman 'yang sofa dito sa sala. Sige na, magbihis ka na nang makapagpahinga ka na rin.”
May pag-aalinlangan pa rin sa mukha ni Yoomi, pero tumango na rin ito sa huli. “Jason?”
“Hmm?”
“Salamat. Pasensiya na rin sa istorbo,” sinserong sabi ni Yoomi. Hindi ito ngumiti, pero nangislap naman ang mga mata nito.
He was stunned. Iyon ang unang pagkakataon na nakakitaan niya ng buhay ang mga mata ni Yoomi. Something hit him hard in the gut. Also, something stirred up inside his heart.
“Jason?” untag ni Yoomi sa kanya.
Tumikhim siya at nagkamot ng batok. Hindi niya alam kung ano’ng nangyari sa kanya. “Sige na. Mabilis lang 'to.”
Dumiretso siya sa kuwarto niya nang hindi tinatapunan ng tingin si Yoomi dahil baka kung ano na naman ang maisip niya. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla ay natutuliro siya dahil lang sa buhay na nakita sa mga mata ng dalaga.
Nawala lang ang lahat ng iniisip niya nang maalala niya kung ano’ng meron sa kuwarto niya. Napamura siya, sabay lundag sa kama niya. Kinuha niya mula sa ilalim ng mga unan, sa night table, at sa sahig ang nagkalat na mga kopya niya ng FHM magazine. Halos baligtarin na rin niya ang buong silid kahahanap sa porn CD na naalala niyang pinanood noon ng mga kabanda niya, na iniwan sa kanya. Nakita niya iyon sa ilalim ng cabinet niya.
Mayamaya ay narinig niya ang mahinang katok ni Yoomi sa pinto. “Jason, puwede na ba kong pumasok?”
Napamura siya sa isipan niya. “Sandali lang, Yoomi.”
Inangat niya ang foam ng kama niya at inilagay sa ilalim niyon ang mga men’s magazine niya at CD. Sakto naman na pagkatapos niyang gawin 'yon ay bumukas ang pinto ng kuwarto niya at iniluwa niyon ang napakagandang si Yoomi.
Na napaka-seksi sa suot nitong damit.
Nakasuot si Yoomi ng halatang luma ng maluwag na PE T-shirt na umabot hanggang sa gitna ng mga hita nito. Her exposed creamy, long legs made him hard in an instant.
Nag-iwas siya ng tingin kay Yoomi bago pa nito mahalata kung ano’ng iniisip niya ng mga sandaling iyon. “Magpahinga ka na.”
Nilagpasan siya ni Yoomi habang nagpapasalamat ito sa kanya. He closed his eyes when he caught a whiff of her fragrance. Parati namang mabango ang dalaga kahit mainit sa pinagta-trabauhan nito, pero ng gabing 'yon, tila mas naging kaakit-akit ang amoy nito.
Gustong-gusto niyang dambahin si Yoomi at isubsob ang mukha niya sa leeg nito. He wanted to breath in her.
You’re a gentleman, Jason, parang mantra na paalala niya sa sarili niya.
Natauhan lang siya nang may marinig siyang tunog. It sounded like a small laugh.
Nagmulat siya ng mga mata at pumihit paharap. Muli ay naubusan na naman siya ng hininga nang makita niya si Yoomi na nakaupo sa gilid ng kama niya habang binabasa ang isang FHM magazine na malamang ay hindi niya naitago.
“Mahilig ka pala sa ganitong babasahin,” panunukso ni Yoomi.
“Hindi sa’kin 'yan!” natatarantang kaila niya. “'Yong mga kabanda ko kasi, minsana ay nag-i-stay sila overnight...”
Nang nag-angat ng tingin sa kanya si Yoomi ay naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi at batok niya. At nang ngumiti ito ng pilya, pakiramdam niya ay huminto na sa pagtibok ang puso niya.
“Hindi mo kailangang mahiya,” bawi naman ni Yoomi. “Natural lang sa mga lalaki ang magkaroon ng ganito.”
Hindi! Hindi! Hindi! Walang lalaki ang gustong makita ng babaeng gusto niya ang mga ganyang bagay!
Abala pa rin siya sa pag-iisip kung paano lulusutan iyon nang hindi siya gaanong napapahiya kay Yoomi nang may ginawa ang dalaga na tuluyang nagpainit sa buo niyang katawan.
Hindi inalis ni Yoomi ang tingin sa kanya nang itakip nito ang magazine sa kalahati ng mukha nito na tila ba nahihiya ito. She then looked up at him with those gentle eyes while giving him an adorable shy smile. “Jason, malaki naman 'tong kama mo. Puwede namang... puwede namang tabi tayong matulog.”
Inaakit ba siya ni Yoomi? Imposible 'yon. Sa isang taon na pagkakakilala niya rito, ni minsan ay hindi nito pinatulan ang pagpapapansin niya rito kahit alam nito kung sino siya. And he therefore conclude, he was just being horny.
Ikinuyom niya ang mga kamay habang kinakalma ang sarili. Hindi niya sisirain ang tiwala ni Yoomi sa kanya. He completely ignored the pain he felt in his groin. Inagaw niya ang magazine na binabasa ng dalaga at pasimple iyong tinakip sa ibabang bahagi ng katawan niya na hindi nito dapat makita. “Kung may kailangan ka, nasa sala lang ako. Good night, Yoomi.”
Mabilis na kumuha siya ng damit sa cabinet niya bago siya nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Pagkatapos ay dumiretso siya sa banyo at naligo ng malamig na tubig kahit madaling-araw na.
But he still couldn’t get Yoomi’s creamy legs out of his mind, so was her fragrance that drove him crazy.
BINABASA MO ANG
I Married The Wrong Guy
Roman d'amourYoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong gu...