“ANG PANGIT mong umiyak, Jason! Nakakasuka!” sigaw ni Aleksander kay Jason.
“Fuck you.”
Natawa ng mahina si Yoomi habang pinapanood magharutan sina Jason at Aleksander. Samantalang ang drummer ng banda na si Henri, ngumangata na ng ice cream sa sulok. Si Vivo naman, padapang nakahiga sa bench at natutulog.
Naroon sila ngayon sa Rooftop Park ng Hanson Mall. Para talaga iyong malaking parke na napapalibutan ng mga artipisyal na puno at ang nakakatuwa pa, may pambatang carousel sa gitna ng parke.
Iyon ang ikatlong araw ng shooting ng music video ng Violet Rage. Siya ang scriptwriter at director niyon. May cameraman sila – si Koko, ang official errand boy ng Violet Rage ayon kay Aleksander. Guwapo rin si Koko, pero mainitin ang ulo nito at mahilig magmura ng hard sa Tagalog kahit na mukhang ito ang pinakabata sa grupo.
“'Tang ina naman, o. Umayos nga kayo,” reklamo ni Koko habang kinakalikot ang SLR camera na nakakabit sa tripod. Pagkatapos ay nilingon siya nito. “Mrs. J, turuan mo namang um-acting 'yang asawa mo.”
Tiningnan niya si Jason na pinepeke ang pag-iyak nito na dahilan ng pagkalukot ng mukha nito na ikinatawa ni Aleksander. Napangiti siya.
Kinukuhanan ang eksena kung saan iiyak dapat si Jason pagkatapos niya itong talikuran. Pero hindi nila matapos iyon dahil kahit ano’ng gawin ng asawa niya, ayaw pumatak ng mga luha nito.
Tumayo siya mula sa kinauupuan niyang bench at lumapit siya kay Jason na umaliwalas agad ang mukha nang makita siya. “Mr. Grapes, ayusin mo naman ang pag-iyak.”
“Makinig ka kay Mrs. J,” sabad ni Aleksander na may hawak na namang bote ng alak. “Dahil kapag hindi ka pa umiyak, ibebenta ko ang puri mo sa mga bakla mong fans.”
“Gaya-gaya,” reklamo ni Jason.
Sinaway niya ito kaya tumigil din ito ng pakikipag-asaran kay Aleksander na naglakad palayo para mag-yosi raw.
Humalukipkip siya. “Mr. Grapes, mag-isip ka ng nakakaiyak.”
“Wala akong maisip na makakapagpaiyak pa sa’kin.”
Gusto sana niyang banggitin si Kiana, pero alam niyang magiging below-the-belt ang banat niyang 'yon. “Paano kung simula mamaya, ipagbawal ko na ang pagkain mo ng ubas? Kahit grape-flavored juice, bawal na rin.”
Biglang nalungkot si Jason. Nagpaawa ito ng mukha. “Wala namang ganyanan, Yoomi.”
Kinurot niya ng mariin sa tagiliran si Jason. Humiyaw ito sa sakit pero hindi ito umiyak.
“Hey!” reklamo ni Jason.
“Sorry. Bakit ba kasi hindi ka maiyak?” naiinis na tanong niya rito.
Nakangising nagkibit-balikat lang ito.
Mukhang napakasaya ni Jason ngayon. Bigla niyang naisip, makakangiti pa kaya ito ng gano’n kapag iniwan niya ito?
Hindi lang minsan dumaan sa isip niya na iwan si Jason para hindi ito mapahamak sa kuya niya. Pagkatapos ay magpapakalayo-layo siya. Kung saan siya pupunta, hindi pa niya alam. Pero sigurado siyang nalalapit na ang araw na 'yon.
Natatakot siya na baka kung ano’ng gawin nito para lang mailigtas siya. Pero higit sa lahat, natatakot siya sa magiging tingin nito sa kanya.
Pero gusto na niyang maging tapat kay Jason.
“Jason, paano kung sabihin ko sa’yong hindi naman kita mahal at pinakasalan lang kita dahil akala ko, ikaw ang tagapagmana ng mga Javier?” halos pabulong na tanong niya.
Halatang nagulat si Jason dahil sa sinabi niya. “Yoomi...”
“Nadismaya ako nang malaman kong hindi ikaw ang tagapagmana ng pamilya mo,” pagpapatuloy niya. Pinilit niyang maging malamig ang tinig niya. Ginawa rin niyang mas malulupit kaysa sa katotohanan ang mga sunod niyang sinabi. “Hindi sapat sa’kin ang pera na natitira sa bank account mo. Gusto ko ng mas malaki pa sa dalawang milyon. Natatakot din ako na baka bumagsak na ang negosyo niyo at maghirap tayo, lalo’t mukhang mas importante sa’yo ang paggawa ng kanta kaysa sa kumita ng pera.”
Gumuhit na ang matinding sakit sa mga mata ni Jason, pero pinilit pa rin nitong ngumiti. “Tama na, Yoomi. Hindi nakakatawang biro 'yan.”
Umiling siya. Sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. “Dahil hindi ako kuntento sa pera na meron ka, iiwanan na kita at maghahanap ako ng lalaking mas mayaman kaysa sa’yo.”
Inasahan niyang sisigawan siya ni Jason dahil sa galit na nakita niya sa mga mata nito. Pero bigla-bigla ay napalitan iyon nang matinding pagmamakaawa at sakit. At sa kanyang pagkagulat, mabilis at sunud-sunod na pumatak ang mga luha ni Jason.
Nadurog ang puso niya habang pinapanood ang tahimik na pag-iyak ni Jason sa harap niya. Ang mas masakit pa, hindi galit ang nakikita niya sa mga mata nito. Para bang nagmamakaawa pa ito sa kanya na huwag niya itong iiwan.
Tinalikuran niya si Jason dahil hindi niya kinayang makita ang pagkadurog nito nang dahil lang sa kanya.
“Yoomi, don’t go,” pigil ni Jason sa kanya sa basag na boses.
Napahikbi siya sa bigat ng emosyong nahimigan niya sa tinig ni Jason. Hindi niya kaya. Hindi pala niya kayang saktan ang lalaking mahal niya para lang hayaan na siya nitong umalis, nang sa gano’n ay maprotektahan niya ito.
Hangga’t nasa tabi siya ni Jason, malapit ito sa kapahamakan sa katauhan ni Xaver.
Pero hindi niya kayang lumayo.
Pumihit siya paharap kay Jason. Nang makita niya na patuloy pa rin ito sa pag-iyak, lumambot ang puso niya. Binalikan niya ito at pinalupot niya ang mga braso niya sa leeg nito. Niyakap naman siya nito sa baywang at sinubsob ang mukha nito sa leeg niya habang patuloy ito sa pag-iyak.
Sinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok ni Jason. “Tahan na, Jason. Hindi totoo ang lahat ng sinabi ko. Sorry. Sorry talaga. Pinaiyak lang naman kita para sa music video niyo...”
Humigpit ang pagkakayakap ni Jason sa kanya. Naramdaman niya ang mga labi nito sa leeg niya. “Huwag mo na uli gagawi 'yon, Yoomi. You scared the shit out of me. Don’t you ever say again that you’re going to leave me for another guy, okay?”
Tumango siya. “Sorry.”
“Good take!” sigaw ni Koko na mukhang kinuhanan ng video ang eksenang naganap. “Cut!”
Sana ay bahagi lang ng isang pelikula ang lahat ng masasamang bagay na paparating na puwedeng putulin.NAPASIMANGOT si Yoomi nang paglabas niya ng grocery store na pinanggalingan niya ay nakita niyang umuulan ng malakas. Isang jeep lang naman ang sasakyan niya pauwi, pero dahil mabigat ang dalawang supot na dala niya, tiyak na mahihirapan siyang sumakay.
Hindi niya kasama si Jason dahil abala ang asawa niya sa shooting ng music video nito. Hindi na siya sumama dahil tapos naman nang kuhanan ang mga eksena niya. Isa pa, kailangan niyang asikasuhin ang bahay nila na hindi na niya gaanong nalilinis simula nang gawin ng Violet Rage ang amateur music video ng mga ito.
Akmang susugod siya sa ulan nang may kung sinong pumigil sa kanya sa braso. Nalingunan niya si Chess na pinapayungan pa siya.
“Kuya Chess,” gulat na bati niya rito. Nagulat din siya sa suot nito ngayon. Naka-Amerikana ito. Marahil ay galing ito sa opisina nito.
Ngumiti ito. “Bakit parang nagulat ka?”
“Natural na magulat ako. Ano’ng ginagawa mo rito sa Bulacan?”
Nagkibit-balikat ito. “Dumaan ako sa Hanson Mall kanina para silipin si Jason. Napansin kong wala ka ro’n, kaya naisip kong nasa bahay ka. Hindi ko naman sana balak magpakita sa’yo, pero nakita kita rito sa labas ng grocery store habang nakahinto ang kotse ko dahil sa traffic light. Hindi ko na natiis na hindi ka lapitan,” mahabang paliwanag nito.
Marahang binawi niya ang braso niya mula kay Chess, saka siya tumingin sa malalaking patak ng ulan sa harap nila. “Kuya Chess, baka kung ano’ng isipin ni Jason.”
“Inamin ko na sa kanya na gusto kita.”
Gulat na nilingon niya ito. “Kuya Chess.”
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. “Hindi ko naman gustong sirain ang relasyon ni Jason. It’s just that... I didn’t notice that I was looking at you differently now. No’ng una naman, naaaliw lang ako sa’yo dahil sa pakikitungo mo sa’kin. Natuwa ako sa’yo kasi naglakas-loob ka na sabihin sa’kin 'yong mga bagay na naririnig ko lang kapag nakatalikod ako. At masaya ako na kahit nalaman mo na kung sino ako, hindi pa rin nagbabago ang turing mo sa’kin. I’m a Javier, Yoomi. The people around me make me feel like I’m the center of the universe. But when I’m with you, I feel normal. The rest of my world see me as the important heir to the Javier family. You see me as an ordinary man. And that’s what I like most about you. You’re special.”
“Hindi ako espesyal, Kuya Chess,” tanggi niya. “Mas tama yatang sabihing ignorante ako. Hindi ako lumaki sa mundo mo. Hindi kita kilala. Hindi ako maapektuhan kahit tratuhin kita ng hindi naaayon sa estado mo. Pero siguro, kung nagkataon na empleyado mo ko, titingnan kita gaya ng pagtingin sa’yo ng mga tao sa mundo mo.”
Matagal bago muling nagsalita si Chess. “I like you, Yoomi. So much that I wasn’t able to contain it around my brother. Alam kong kasal ka na sa kapatid ko, but I can’t stop myself from wanting you.”
“Pasensiya ka na, Kuya Chess. Pero bayaw lang ang tingin ko sa’yo,” matapat na sabi niya.
“You’re a first.”
Nilingon niya ito. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Ikaw ang unang babaeng tumanggi sa’kin kahit alam mong ako ang tagapagmana ng mga Javier at hindi si Jason.” Binigyan siya nito ng tipid na ngiti. “Lahat ng babae ni Jason noon na napag-iinteresan ko, ako ang pinipili kaysa sa kapatid ko dahil ako ang tunay na Javier. Lalo mong pinataas ang respeto ko sa’yo, Yoomi. I envy my brother even more now.”
Ngayong nakatitig siya kay Chess, saka lang niya napansin na namumutla ito. Hindi niya napigilan ang sarili niyang salatin ang noo nito. Nanlaki ang mga mata niya. “Nilalagnat ka, Kuya Chess!” Kaya naman pala kakaiba ang ikinikilos nito.
“I’m fine.”
Bumuga siya ng hangin. Kahit naiilang siya dahil sa mga ipinagtapat nito, hindi naman niya ito puwedeng iwan na lang. “Umuwi ka muna sa bahay at magpahinga, Kuya Chess. Tatawagan ko si Jason para malaman niya ang kalagayan mo.”
“Okay.” Kinuha nito mula sa kanya ang mga bitbit niya sa kabila ng pagtutol niya. “Payungan mo na lang ako habang nilalagay ko sa compartment ang mga 'to.”
Tumalima siya. Alam niyang magiging sanhi iyon nang pagtatampo ni Jason, pero naniniwala siyang malaki ang tiwala nito sa kanya.
Pinauna niyang sumakay si Chess sa driver’s side ng sasakyan nito habang pinapayungan ito dahil may sakit ito. Lumigid siya sa kotse at pasakay na sana siya sa passenger’s side nang may kung sino’ng umakbay sa kanya, kasabay ng pagtusok ng matulis na bagay sa tagiliran niya.
“Huwag kang magkakamaling gumawa ng eksena,” bulong sa kanya ni Xaver.
Tumayo ang balahibo niya sa takot. Si Xaver nga iyon, pero mas mapanganib ang boses nito. Nagsalubong ang tingin nila ni Chess na nakakunot ang noo pero pilit lang siyang ngumiti at umiling para hindi ito mag-alala.
“Lakad,” utos ni Xaver sa kanya.
Sumunod siya sa utos ng kapatid niya. Nakatago sa suot nitong jacket ang patalim na nagbabantang bumutas sa tagiliran niya kaya marahil walang nakakapansin na may kakaiba sa nangyayari. Maliban sa isang tao.
“Yoomi!” sigaw ni Chess pagkababa nito sa sasakyan nito.
Napamura ang kapatid niya, saka siya hinawakan sa siko at inakay papasok sa itim na sasakyan na hindi niya alam kung saan nakuha ng kuya niya. Tinulak siya ni Xaver papasok sa loob ng van kung saan may lalaking humawak sa kanya.
“Kuya Chess!” sigaw niya nang makitang inakbayan ni Xaver ang bayaw niya at alam niyang gaya ng ginawa sa kanya ng kuya niya, tinutukan din nito ng patalim si Chess.
![](https://img.wattpad.com/cover/124183624-288-k597538.jpg)
BINABASA MO ANG
I Married The Wrong Guy
RomanceYoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong gu...