HINDI alam ni Jason kung gaano katagal na niyang kinukutinting ang electric guitar niya. Nasa ibang bagay kasi ang isip niya.
Mabigat ang loob niya dahil hanggang ngayon, marami pa siyang inililihim kay Yoomi tungkol sa pagkatao niya at sa nakaraan niya. Nang magtanong ito kanina tungkol sa pamilya niya, bigla siyang sinuntok ng konsensiya. Asawa na niya ito kaya may karapatan itong malaman kung sino at ano’ng klase ng lalaki ang pinakasalan nito.
“Dude, you should tell your wife about your family,” payo ni Aleksander sa kanya, bago nito tinungga ang laman ng hawak nitong bote ng alak. Ito ang gitarista ng Violet Rage at ito rin ang matalik niyang kaibigan.
Naroon sila ngayon ng mga kabanda niya sa bahay ni Aleksander dahil may music room ito na soundproof kung saan sila nag-re-rehearse. Kasosyo rin niya ito sa Dine&Drink. Actually, lahat silang apat na miyembro ng Violet Rage ay magkakasosyo sa resto-bar na may tatlong branch sa Maynila. Noong nasa kolehiyo pa lang sila ay magkakasama na sila sa banda na “Rakista” pa ang tawag dati, hanggang sa mapalitan iyon ng kasalukuyang pangalan ng banda nila. Pare-pareho sila ng hilig kaya hanggang sa pagnenegosyo ay hindi na sila nag-iwanan.
Huminto siya sa pagkalabit ng gitara. “'Yon naman ang balak ko.”
“Bakit hindi mo pa gawin?” nakataas na kilay na tanong naman ni Henri, ang drummer nila. Kasalukuyan nitong mahinang tinatambol ng drumsticks nito ang ulo ng pianista nilang si Vivo na nakayukyok ang ulo sa keyboard habang natutulog.
Napapiksi siya. Hindi niya aaminin sa mga kaibigan niya na naduduwag siya. Ayaw niyang magbago ang tingin ni Yoomi sa kanya dahil lang sa kung sino siya noon.
“Never lie. Get in the habit of telling the truth. Ask yourself how you would feel if you found out your wife was keeping anything but a birthday secret from you…”
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang mga pamilyar na salitang iyon. Nalingunan niya si Aleksander na hawak ang pamilyar na papel habang binabasa ang nakasulat sa mga iyon. Inagaw niya 'yon mula rito at mabilis binulsa. “Paano mo 'to nakuha?”
“Nalaglag mula sa pantalon mo kanina nang dukutin mo 'yong wallet mo. Buti nga pinulot ko pa,” ngingisi-ngising sabi ni Aleksander na halatang pinagtatawanan siya. “Seriously, dude? W-i-n-iki How mo kung paano maging “good husband”?”
Si Henri na madalas ay walang reaksyon sa mga nangyayari ay biglang natawa. Maging si Vivo na natutulog kanina ay mukhang gumising lang para pagtawanan din siya.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Wala siyang ideya kung paano maging mabuting asawa, kaya umasa siya kay Pareng Google. Pina-print niya ang article sa Wiki-How tungkol sa kung paano maging mabuting asawa. He knew it was pathetic, but he couldn’t help it.
Marahang sinipa ni Vivo ang silya niya para marahil kuhanin ang atensiyon niya. Nagkukusot ito ng mga mata nang lingunin niya. “Marriage is not a responsibility, Jason. It’s a commitment out of free will.”
“Ha?”
Bago pa makasagot si Vivo ay hinawakan ito sa ulo ni Aleksander. Pagkatapos ay niyukyok ni Aleksander ang ulo ni Vivo sa keyboard. “Matulog ka na lang uli, Vivo,” sabi nito sa kaibigan nila, bago siya binalingan. “Dude, naka-leave ka ngayon, 'di ba? Kami na munang bahala sa Dine&Drink. Sa ngayon, umuwi ka muna sa asawa mo at maghanda para sa honeymoon niyo.”
Pumito si Henri.
Naramdaman niya ang muling pag-iinit ng mga pisngi niya. It wasn’t like he was a virgin, so he didn’t know why he was blusing like a schoolboy. “I should really go. Nakakasuya na ang mga pagmumukha niyo.”
“We fucking love you, too, dude,” natatawang sagot ni Aleksander sa pang-aasar niya.
Henri and Vivo – who was supposed to be asleep – gave him a friendly middle finger.
Tatawa lang siyang umalis ng bahay ni Aleksander. Being with his friends lighten up his mood. Pero wala iyon kompara sa gaang ng loob na nararamdaman niya kapag nakikita pa lang niya si Yoomi.
Dahil nasabik siyang makita ang asawa niya, binilisan niya ang pagmamaneho. Mabuti na lang at magaang lang ang traffic. Mabilis na kasi ang biyahe pagdating sa NLEX. Gayunman, inabot pa rin siya ng mahigit isang oras bago siya nakauwi ng Malolos mula Maynila.
Pagdating niya sa bahay ay naabutan niya si Yoomi na nakatulog habang nanonood ng TV. Nakahiga ito sa sofa. Napabuntong-hininga siya nang makita ang suot nito – maluwag na T-shirt at napakaiksing shorts.
Of course, seeing his lovely wife’s shapely legs turned him on instantly. Hindi madaling matulog sa tabi ni Yoomi nang wala silang ibang ginagawa kundi ang magyakapan, lalo na’t napakabango nito parati. Alam niyang isa sa mga araw na 'to ay hindi na siya makakapagtimpi. But he would hold it in until he could.
Isa pa, kapag nakatingin siya sa maamong mukha ni Yoomi, may kakaibang init siya na nararamdaman. His lust was always being replaced by a warm, fuzzy feeling he couldn’t name.
Umupo siya sa gilid ng sofa at marahang niyugyog ang balikat ni Yoomi. “Honey, wake up.”
Umungol lang si Yoomi, pero hindi ito nagmulat. She looked so cute he wasn’t able to stop himself from kissing the tip of her nose. Do’n ito unti-unting nagmulat ng mga mata.
Napakurap-kurap si Yoomi. “Jason…” Bumangon ito at nag-inat. “Kanina ka pa dumating?”
Napako ang tingin niya sa dibdib ni Yoomi na na-emphasize habang naka-arko ang likod nito sa pag-iinat nito. God, he missed the feeling of those round breasts filling his palms. Napalunok siya at lalong nag-init ang katawan niya. Pinuwersa niya ang mga mata niya sa mukha ng asawa niya para kumalma siya. “Kararating ko lang. Hinihintay mo ba ko?”
Tumango ito. Napaka-inosente talaga ng mukha nito. “Ang sabi mo, naka-leave ka. Pero umalis ka pa rin kanina.”
Nakonsensiya naman siya. Pakiramdam niya ay kailangan niyang bumawi kay Yoomi kaya ginawa niya ang unang pumasok sa isip niya. Tumayo siya at dinukot ang piraso ng papel sa bulsa niya. Lumuhod siya sa harap ni Yoomi habang nakayuko at itinataas dito ang hawak niyang papel na parang alipin siya nito.
“Ano 'yan, Jason?” nagtatakang tanong ni Yoomi.
“I am serving you, Queen Ponkan,” sabi niya na pinipigilan ang matawa sa sarili niya. Mahilig kasi sa ponkan si Yoomi kaya 'yon ang naisip niyang itawag dito. “At bilang paghingi ng dispensa sa pang-iiwan ko sa’yo rito sa bahay, puwede mong isulat sa papel na 'yan kung saan mo gustong magbakasyon. Pupunta agad tayo ro’n bukas na bukas. Well, kung sa ibang bansa 'yan, mag-aayos muna tayo ng papeles.”
Hindi niya agad napaghandaan ang honeymoon nila dahil hindi niya natanong si Yoomi kung saan nito gustong pumunta. Gusto niyang ito ang mamili ng destinasyon nila.
He heard Yoomi’s soft chuckle. Nag-angat siya ng tingin dito. Nabiyayaan na naman siya ng maganda nitong ngiti. It took him all he had not to kiss her torridly.
Kinuha ni Yoomi ang papel mula sa kanya. “Salamat, Mr. Grapes. Sigurado ka bang pupunta tayo sa kahit saan ko gustuhin?”
Kahit saan, kahit pa maubos na ang travelling expenses niya. “Oo naman. May gusto ka bang puntahan?”
Nag-isip ito, saka umiling. “Inaatok pa ko. Bukas ko na lang pag-iisipan.”
Binuhat niya si Yoomi na ikinatili nito. Pinalupot nito ang mga braso nito sa leeg niya. As she hugged him, her breasts was pressed really nicely against his chest.
Ah, kill me now…
Yoomi sighed, then pressed her cheek on his neck, then she closed her eyes.
Siya naman ang bumuntong-hininga. Every night with her was both peaceful and painful. He loved being near her. But not near enough to touch her.
BINABASA MO ANG
I Married The Wrong Guy
RomanceYoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong gu...