Chapter 25

4.1K 105 3
                                    

HINDI na natutuwa si Jason. No’ng una ay balewala sa kanya ang pagiging malapit nina Yoomi at Chess sa isa’t isa at masaya pa nga siya na magkasundo ang dalawang pinakapaboritong tao niya sa mundo. Pero habang tumatagal, hindi na siya komportable.
“Gagamitin niyang shooting location ang Rooftop Park ng Hanson Mall?” tanong ni Chess na ang tiutukoy ay ang rooftop deck ng pinakamalaking branch ng Hanson Mall kung saan may parke at may overviewing ng buong Maynila.
Naroon siya, si Yoomi at si Aleksander ngayon sa opisina ni Chess para hingin ang permiso nito na gamitin nila ang pamosong Rooftop Park.
Iyon ang napiling lokasyon ni Yoomi para sa gagawing music video ng Violet Rage para sa kantang ‘Countdown to Breaking-up’ na isinulat ni Aleksander. At bilang bokalista ng banda, siya ang magiging pangunahing artista.
“Hindi ka magsisisi kapag pumayag ka, Chester Javier,” Aleksander said confidently. “Mrs. J wrote a brilliant scipt for the music video.”
Dumako ang tingin ni Chess kay Yoomi. Bakas ang pagkaaliw sa mga mata ng kapatid niya. “Wow. May iba ka palang talent bukod sa paghampas ng baseball bat sa ulo ng may ulo.”
Eksaheradong sumimangot lang si Yoomi na ikinatawa ni Chess.
Tiningnan siya ng kuya niya. “Kung ikaw ang lead actor sa music video, sino’ng kapareha mo? It’s a love song, right?”
Pilit siyang ngumiti sa kabila ng pagkailang na nararamdaman niya dahil sa pagiging komportable ng kapatid niya sa asawa niya. He wrapped a protective arm around Yoomi’s waist and pulled her closer to him. Just in case his brother forgot that this lovely woman was his wife.
“Of course, it’s Yoomi,” nakangiting sagot niya. “Hindi ko kayang magpanggap na in love sa ibang babae, kahit arte lang 'yon.”
“Nakakasuka kayo, Mr. and Mrs. J,” bulong ni Aleksander na ikinatawa ni Yoomi.
“But it’s a break-up song, right?” inosenteng tanong ni Chess.
Biglang tumabang ang pakiramdam ni Jason. Kilala niya ang kapatid niya kaya alam niyang may ibang kahulugan ang sinabi nito.
Tumikhim si Aleksander. “Bibili lang ako ng canned beer.”
Nakaalis na’t lahat si Aleksander pero tahimik pa rin silang tatlo.
Lumigid si Chess pabalik sa mesa nito, may pinirmahang papel at inabot iyon sa kanya. “Papupuntahin ko ang sekretarya ko sa araw ng shooting niyo at siya nang bahala sa inyo. Ipakita niyo lang ang permit na 'yan sa mga guwardiya sa Rooftop Park. Ipapasara ko 'yon para magamit niyo.”
“Thank you, Kuya Chess,” sabi niya, walang gana.
Ngumiti lang si Chess sa kanya. Umupo ito sa mesa at humalukipkip habang matamang pinagmamasdan si Yoomi. “Kung hindi lang ako busy sa trabaho, dadalawin ko kayo sa araw ng shooting niyo. Gusto pa naman kita makitang umarte, Ponkan Girl.”
Ponkan Girl. His brother’s pet name for his wife irked him. ‘Queen Ponkan’ na ang tawag niya sa asawa niya, at pakiramdam niya ay variation niyon ang Ponkan Girl ng kapatid niya. And for Pete’s sake, his Yoomi was a queen, not a little girl.
“Wala naman akong masyadong papel sa music video,” katwiran naman ni Yoomi.
“I think mas bagay sa’yo ang maging action star,” nakangising sabi ni Chess. “Ang lakas mong manghampas eh.”
Namula ang mukha ni Yoomi. “Bakit ba hindi ka maka-get over, Gameboard?”
At no’n nakita ni Jason ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Chess habang titig na titig kay Yoomi.
Adoration and tenderness were written in Chess’ eyes as he looked lovingly at Yoomi. Ngayon niya lang nakita na maging gano’n ang kapatid niya sa isang babae. Ni hindi nag-abala ang kuya niya na itago ang paghanga nito sa asawa niya.
He felt an unfamiliar but painful fear shot through his system.
Pinunit niya ang binigay na permit letter ni Chess sa kanya kanina. Sabay napatingin sina Yoomi at Chess sa kanya na halatang nagulat sa ginawa niya.
“Jason,” saway ni Chess sa kanya.
“Jason...” sambit naman ni Yoomi sa pangalan niya.
Hinawakan niya ang kamay ni Yoomi. Binigyan niya ng masamang tingin si Chess nang dumako ang tingin sa kanya ng kapatid niya. “Aalis na kami. Kalimutan mo na rin ang paggamit namin sa Hanson Mall mo.”
Bago pa makasagot si Chess ay hinila na niya si Yoomi palabas ng opisina ng kuya niya. Nakasalubong nila si Aleksander na may hawak nang lata ng alak pero nilagpasan lang niya ito. Sumakay sila ng elevator ni Yoomi nang hindi nag-uusap, hanggang sa makarating sila sa parking lot.
“Jason, ano ba’ng problema mo?” tanong ni Yoomi nang binubuhay na niya ang makina ng kotse.
He glared at her. “Are you that dense, Yoomi? My brother is obviously flirting with you in front of me!”
“Ha?”
Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Hindi niya masisisi si Yoomi kung wala itong napapansing kakaiba sa kuya niya. Pero kilala niya si Chess. His brother had unfortunately taken a liking on his wife.
May galit na namuo sa dibdib niya nang maalala ang paboriting motto ni Chess no’ng mga bata pa sila: What Chester Javier wants, Chester Javier gets.
At ilang beses na niyang napatunayan iyon. The look Chess gave Yoomi was one that said his brother would get her no matter what.
“Nagseselos ka ba kay Kuya Chess, Jason?” tanong ni Yoomi.
Hindi niya sinagot si Yoomi. Higit pa sa selos ang nararamdaman niya.
It was fear of losing her to his goddamned half-brother.

YAKAP-YAKAP ni Yoomi ang “Angry Mallet” niya nang pumasok siya sa kuwarto nila ni Jason. Nakatagilid ng higa ang asawa niya patalikod sa kanya. Sumampa siya sa kama at paluhod na umupo. “Jason.”
“O?” Mahinahon na ang boses nito, pero may himig pagtatampo pa rin.
“Puwede mo ba kong harapin?”
Hindi sumagot si Jason, pero mayamaya ay bumangon din ito. Sumandal ito sa headboard ng kama habang nakatingin sa kanya. “Bakit dala mo 'yang laruang martilyo mo?”
Inabot niya iyon sa asawa niya. “Nasaktan kita nang hindi ko sinasadya. Hindi ba sabi ko sa’yo noon, dumidikit ang Angry Mallet na 'to sa ulo ng taong may kasalanan?”
“You want me to hit you with that as a punishment for being oblivious to my brother’s flirting?” tila hindi makapaniwalang tanong nito.
Tumango siya. “Ayokong sumasama ang loob mo, lalo na sa’kin.”
Matamang pinagmasdan siya ni Jason, saka nito kinuha mula sa kanya ang laruang martilyo. Pumikit siya at hinanda ang sarili niya sa pagpukpok nito sa ulo niya. Pero imbis na 'yon ay ang malalambot at maiinit na mga labi ng asawa niya sa mga labi niya ang naramdaman niya.
Nang magmulat siya, nakita niyang pinukpok ni Jason ng laruang martilyo ang sarili nito. “Jason...”
“I will never hurt you, Yoomi. At ako ang may kasalanan sa’tin,” pag-amin nito. “Tama ka. Nagseselos ako kay Kuya Chess. Halata naman kasing may gusto siya sa’yo.”
Nag-init ang mga pisngi niya. “Jason...”
Pinisil niya ang baba nito. “Hindi mo kailangang magpaliwanag, Yoomi. Hindi mo kasalanan na na-attract sa’yo ang kapatid ko. I can’t even blame him. You’re gorgeous, honey.”
Inalis niya ang kunot sa noo nito. “Bakit malungkot ka pa rin?”
“I feel guilty dahil sa’yo ko nabuntong ang galit ko kay Kuya Chess. I’m sorry if I got mad at you for something stupid,” sinserong paghingi nito ng tawad sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. “Jason, hayan ka na naman. Hindi mo kailangan maging perpekto. Kapag nagkamali ka, hindi iyon malaking kasalanan. Maiintindihan ko 'yon dahil tao ka lang. Pero bakit may pakiramdam ako na sobra-sobrang pagsisikap ang nilalaan mo sa relasyon natin? Pakiramdam ko tuloy, nahihirapan ka imbis na maging masaya.”
Namula ang mukha ni Jason. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. “Tama ka, Yoomi. I’m striving hard to be a good husband to you. Natatakot akong magkamali uli, at natatakot na baka dahil sa maling desisyon na puwede kong gawin, mawala ka sa’kin. I don’t want to be left alone again because of a bad decision I might make. I want to be a better man this time.”
Naguluhan siya sa sinabi nito. “Jason... may ibang babae ka ba na tinutukoy?”
Hinarap siya nito. May kakaibang kalungkutan at sakit sa mga mata nito. “Yoomi, when I was eighteen, I got my Kiana, my then-girlfriend, pregnant.”
Napasinghap siya. Bigla-bigla ay nanlamig ang buong katawan niya.
Pinatong ni Jason ang braso nito sa mga mata nito. Mukhang ayaw nitong ipakita sa kanya ang nararamdaman nito ng mga sandaling iyon. “Tinakbuhan ko si Kiana. Bata pa ko no’n kaya natakot akong panagutan siya. At dahil naman sa takot niya sa mga magulang niya, ipinaglaglag niya ang bata sa sinapupunan niya.”
Ngayon naman ay hindi siya makahinga dala ng matinding gulat.
“Hindi pa ro’n natatapos ang lahat,” pagpapatuloy ni Jason sa basag na boses. “Nagkaroon ng komplikasyon ang pagpapalaglag ni Kiana dahil hindi lehitimong doktor ang gumawa ng proseso. She died because of the complication of her abortion. She died because of my cowardice and being irresponsible.”
Pakiramdam ni Yoomi ay huminto sa pagtibok ang puso niya. Naramdaman niya ang matinding sakit at pagsisisi sa boses ni Jason.
“'Yong puntod na binisita mo nang nagkita tayo sa sementeryo... si Kiana 'yon?” maingat na tanong niya.
“Oo. Mahigit sampung taon na, pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang kasalanan ko sa kanya at sa anak namin na hindi naisilang.” Tiningnan siya ni Jason. Makadurog-puso ang sakit sa mga mata nito. “Kiana told me never to run away again. Kaya sigurado ako naging ganito.”
“Naging sobrang responsable ka dahil natatakot kang maulit ang nagawa mong pagkakamali noon. Naging responsable ka ngayon dahil umaasa ka na mapagbabayaran mo ang kasalanan mo kung magiging mabuting tao ka,” hinuha niya. Iyon ang nababasa niya sa mukha ng asawa niya.
Tumango si Jason. “Everything you said was right.”
Namanhid na yata ang puso niya sa sakit na dulot ng realisasyong nabuo niya. Nangilid ang mga luha niya. “Hindi pala pagmamahal ang naramdaman mo sa’kin, Jason. Simpatya lang.”
Gumuhit ang gulat sa mukha nito. “Yoomi...”
“Responsibilidad lang ang tingin mo sa’kin, Jason,” kongklusyon niya sa baga na boses. Napahikbi na siya. “Gusto mong bumawi kay Kiana kaya mo ko kinupkop at tinulungan.”
Tuluyan na siyang napaiyak. Hindi nagsalita si Jason at sa halip ay niyakap lang siya nito. Pero walang nagawa iyon upang ibsan ang sakit na nararamdaman niya.

I Married The Wrong GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon