Prologo
Parang mababaliw na ako. Hindi lang ako ang nasa katawan ko. Ayy mali!! Baliw na ata talaga ako. Kaninong boses ba yung naririnig ko?
'Hindi ka baliw, ako lang ito. Huwag kang matakot sa'kin. Hindi naman kita kakainin.'
Inumpisahan na naman. Wala ba talaga akong privacy, hanggang sa pagsusulat ko ba dito at pagdedetalye ng buhay ko, umeeksena ka?
'Syempre ako, ikaw eh. Itinadhana ka sa akin. Para sa akin lang talaga ang katawan mo'
Leche. Itutuloy ko na lang ito, wag kang epal.
Back to the main topic, isa lang yan sa maraming narinig ko mula sa kanya. Sa bawat galaw ko, may naririnig akong "Wag mong gawin yan. Mag ingat ka sa pagtawid baka masagasaan ka." o di kaya "Gising na, anong oras na? Magiging maganda pa ang araw mo."
Sino ba siya? Konsensiya ko ba siya? Utak ko lang ba ito? O kaluluwa? O baka multo?
Multo nga ba? Eh di dapat nakita ko?
Bakit boses lang? Sino siya? Ako ba siya? Bakit ko siya naririnig at pati ba naman iniisip ng ibang tao, nahihinuha niya?
Hindi na ata ako ito. May ibang tao ng kumokontrol sa'kin. Magulo! Tama, magulo pero malay ko ba kung makatulong siya sa'kin.
Sinong may alam? "Wala. Kasi ang future nababago, nagagawan ng paraan." ayan na naman siya.
Hindi lahat ng future mababago, meron ding yun at yun ang mangyayari, hindi mo mapipigilan.
Tulad nito, hindi ko alam kung bakit biniyayaan ako ng ganitong kapangyarihan, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang mga taong malapit sa akin ang siyang hindi ko magamitan nitong special powers.
Hays. Wala na nga akong privacy. Madalas ko pang maririnig ang salitang baliw kung hindi ako mag iingat. Huhuhu :(
Subalit kung hindi ko 'to gagawin ay baka mas maraming tao ang mapahamak. Okay na sigurong matawag na baliw basta ang sa'kin lang ay nakatulong ako.
"Ayan, kaya ka napapahamak. Problema ng iba, pinapakelaman mo pa. Tapos yung future ng mga taong mahalaga sa'yo na dapat mong makita ay hindi mo magawa. Pero don't worry. I'm always at your side."
Hays. Marunong din pala maging sweet.
"Syempre, ikaw ako, iisa tayo at walang pwedeng maghiwalay sa'tin. Promise."
______
Author's Note: This story is a work of fiction. Any names, places or events is purely random and doesn't reflect reality.
No part of this book may be reproduced in any means.Isa pong krimen ang mag plagiarize.
© YourHarbinger
Date started Oct. 4, 2017
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Teen FictionSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...