Chapter 19 - Efforts
"Bakit ka nandon? Kelan nangyari yun?" tanong niya sa akin pagkatapos punasan ang luha.
'♪Isang himala, kasalanan bang humiling ako sa langit ng isang himala♪' binigyan pa talaga ako ng background music ni Chelsey.
"Witness ako ma, kaibigan ko yung binangga niya eh." simpleng sagot ko.
"Bakit hindi ko alam 'to?" nagtanong pa siya.
"Hindi naman po kayo nagtanong." sabi ko at napakamot na lang sa ulo.
Bigla niya akong yinakap na siyang ikinagulat ko. Ano na namang kadramahan nito?
"Matagal ko ng gustong makulong ang lalaking iyan. Salamat, anak." aniya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap. So all this time kahit alam na niya, di niya sasabihin sa akin na iyon ang tatay ko? Ano ililihim niya na lang lahat. Pwede naman niyang hatiin ang sakit na dala niya at ibigay niya sa akin pero bakit niya sinosolo? Ikayayaman niya ba yon? Ano paulirang ina lang ang peg? Tapos sa akin itatapon yung sisi? "Bakit ma? Kasi siya yung dahilan ng pagkasira ng buhay mo?" lakas loob na tanong ko.
"Teka, pano?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Alam ko na ma, siya ang tatay ko. Siya ang kinamumuhian niyo na maski sa kasalanan niyang ginawa sa inyo, nadadamay ako."
"Patawarin mo ako, Haley." biglang nag-alisan ang mga katulong na abala sa paghahanda ng hapunan at pumasok sa kanilang kwarto.
"Ma, wala naman akong galit sa inyo. Ang hindi ko lang kasi talaga maintindihan ay kung bakit niyo ko kailangang iwan, kung bakit kailangan niyo kong ipasa sa ibang tao. Tanggap ko anak niya ko, nung nang rape sa inyo. Pero ma, anak niyo pa rin naman ako. Ni minsan ba, hindi niyo naisip kung anong kalagayan ko sa puder ng ibang tao. Tapos ngayong may nagawa akong mabuti, sasalubungin niyo ko ng ganyan with open arms na parang walang nangyari?" humagulgol na sa iyak si Mama. Alam kong nasasaktan siya sa mga sinabi ko pero kung may mas nasasaktan dito, ako yun.
"Now, can you please let me understand everything. Why did you do that? Bakit? Kung hindi pa dumating si Tito Gabriel, ano? Wala lang? Wala lang talaga ako para sa inyo?" Minsan sumagi din sa isip ko, huwag ko na lang kaya ituloy yung pagbibigay ng statement at baguhin na lang.
Gusto ko rin naman kasing malaman kung ano bang pakiramdam ng may sariling ama, pero tinatagan ko ang loob ko at mas pinili ang tama at nararapat para sa hustisyang hinihingi ko para sa kaibigan ko.
Pero nang manghingi siya ng tawad sa akin ng may sinsero sa tono ng kanyang pananalita ay halos magunaw ang kalooban ko, pero wala na rin akong magagawa pa. Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan.
"Hindi naman sa ganun, Haley. Nahirapan din naman ako dahil kada nakikita kita ay palagi akong minumulto ng mapait na karanasan ko kay Clark. Oo, pinamigay kita pero sinuportahan din naman kita. Binibigyan ko ng pera ang tita mo." napa-iling ako sa narinig.
"Ma, hindi ko kailangan ng pera mo. Ikaw, ikaw ang kailangan ko ng mga panahong yun. Kung alam mo lang..." wika ko at pinahid ang luhang lumandas sa aking mukha nang bumalik sa akin ang alaala sa puder ng aking tiyahin.
"Alam ko nagkamali ako anak, pero please bigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataon. Gusto kong maging ina sa'yo. Patawarin mo ko anak." aniya at umambang yayakapin ako pero umiwas ako at pumanik na sa aking kwarto.
'Sorry to interrupt your kadramahan. But why? Di ba yun naman yung gusto mo ang matanggap ka ng mama mo? Or is it because gusto mong lumayo ulit ang loob niya sa'yo to dee her future and save her?'
Gusto ko, tama pero hindi dahil sa nakita niya sa t.v. Gusto kong matanggap niya ko, bilang ako, na anak niya. Hindi dahil sa ginawa kong pabor sa kanya, kung hindi dahil mahal niya ako bilang si Haley, na anak niya.
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Teen FictionSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...