Chapter 9 - The Alter

6 1 0
                                    

Chapter 9 - The Alter

(Babala: Ang mga sumusunod na mga salitang inyong mababasa ay naglalaman ng bad words.)
____

Isang malakas na busina ang narinig ko kasabay ang sigaw nang isang pamilyar na boses "HALEEEEY!"

Nakita ko si Miya na duguan kaya linapitan ko siya. "Miya!" iyak ko. Ako ang may kasalanan. Ako!

"Tumawag kayo ng ambulansya" dinig kong sabi ng mga tao na nakakita.

*Chelsey's POV*

Hi, I'm Chelsey. Ako yung boses na naririnig ni Haley simula pagkabata pa. Why did I exist? It's because she needs me. At ako muna ang mangangalaga ng katawan niya ngayon. Weak yun eh, kailangan niya muna magpalakas at maglinis ng isip para hindi makaisip ng kung ano ano.

"HALEEEEY!" dinig kong sigaw ni Miya sa kanya and guess what happened?

Tinulak niya si Haley and naging tuliro siya kaya pumasok na ko. Alam kong gagawin nito sa mga nangyayari. Malao't madali magpapakamatay na 'tong si Haley.

"Miya!" tawag ni Haley and naging tulala habang umiiyak kaya it's my time to come out.

Naiinis man ako dito sa babaeng ito dahil palaging late, mahal ko naman siya dahil siya ang nagsilbing kanlungan kay Haley nung mga panahong kailangan siya nito at isa pa, maasahan ito kaya parang kaibigan ko na din.

Agad akong tumayo sa pagkakaupo at nakita ko ang driver. Isang pamilyar na mukha. Hmmm.. isip, isip. Tama siya ang tatay nitong si Haley. Ang rapist na bwisit. Ngunit hindi dapat ito malaman ni Haley, sapagkat mas gugulo na naman ang utak nun.

Agad kong hinampas ng dalawang kamay ko ang hood ng kanyang itim na sasakyan. "Bumaba ka dyan. Panagutan mo 'tong ginawa mo." ang bilis bilis magpatakbo samantalang naka stop naman ang stoplight. Kinuha ko ang phone ni Haley sa aking bulsa at pinicturan ang sasakyan niya pati siya. Basag ang kanyang windshield dahil sa nangyari.

"PUTANG INA MO! BUMABA KA SABI!!!" sigaw ko pagkatapos kong makuhanan ng litrato pero inatras niya ang sasakyan at mabilis na umalis.

Hit and run pa ang pusang gala. Isusumbong kita sa pulis. GUNGGONG! Ako ang maghihiganti dito. Tinandaan ko ang kanyang plate number na nakita ko kanina at siya namang dating ambulansya.

Bumalik ako sa ospital na pinanggalingan ko kanina at mabilis na ginamot ng doktor si Miya. Kinuha ko ang phone ni Haley sa aking bulsa at dinial ang numero ni Tita at Tito. Agad silang dumating. "Anong nangyari sa anak ko?" tanong sa akin ng nanay ni Miya.

"Nasagasaan po siya dahil sa pagligtas niya sa akin." naramdaman ko agad ang kirot sa aking pisngi pagkatapos akong sampalin ng Nanay ni Miya.

"Wala kang kwentang kaibigan, dahil sa katangahan mo, napahamak ang anak ko." tatanggapin ko. Sige, buhos niyo sa akin ang galit niyo.

"Tama na yan, Lilian. Walang kasalanan ang bata." pag-awat ni Tito Allan sa kanyang asawa at napatingin sa akin "Nasaan ang nakabangga?" ito na, sasabihin ko ba na yung tatay ni Haley?

Syempre, di naman naging tatay yun eh. Asahan niya pang ipagtanggol ko siya at magsinungaling ako. A big NO, NO.

Ibinigay ko ang plate number na nakita ko sa tatay ni Haley at pinasalamatan niya naman ako sa aking ginawa. Ipinahiram ko din ang phone ni Haley para maipasa niya ang mga larawang nakuhanan ko kanina.

Lumabas ang doktor kaya agad na napaayos ang mga magulang ni Miya "Doc, kamusta na po ang kalagayan ng anak ko?" pambungad ni tita Lilian.

"Marami pong nawalang dugo sa pasyente. Malakas din po ang naging impact ng pagkakabangga sa kanyang ulo. Ginawa na po namin ang lahat at maayos naman po ang naging operasyon. Maghintay na lang po tayo ng paggising niya hanggang bukas dahil kung hindi po siya magigising ay malalagay po siya sa comatose." serysosong pahayag ng doktor na siyang ikinaiyak ni Tita Lilian.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon