Chapter 14 - Like

5 1 0
                                    

Chapter 14 - Like

Imposibleng hindi ko nanay si Mama kasi mismong panaginip ko na ang nagpakita sa akin na sa kanya ako galing, pero paano nangyari?

Kumuha ako ng notebook at isinulat ang lahat ng mga nangyari sa akin.

Nag-umpisa 'to lahat nung managinip ako ng aking past, present hanggang future kaso naputol dahil nga nasagasaan ako.

Then nakakita ko ang lahat lahat sa ibang tao pwera lang kay Lola, Miya at Jace na supposedly dapat makita ko ang kay Miya at Jace sapagkat hindi ko naman sila kamag-anak.

Tito Gabriel, nung una may nakita ako pero bigla na lang din naging blangko, kay mama naman meron na dapat ay wala akong makita. Kay nathan wala din.

So ibig sabihin ang hindi ko makitaan ng past, present at future ay si Miya, Jace, Nathan and now Tito Gabriel. Isa lang ang kamag-anak ko, half brother pa, the rest ay.....

'Malalapit sa'yo'

Si Mama bakit ko nakikitaan?

'Cause she's still angry on you. Malayo ang loob niya. And I don't know if that will be your advantage because you can save her if something bad happens or disadvantage 'cause you don't have a mother to take care of you.'

That makes sense. Ngayon, hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpatuloy ang pagpapa good shot kay Mama o itigil ko na para kahit papaano ay mailigtas ko siya kung sakaling may makita akong mangyayari sa kanyang masama.

'Pero wala pa tayong patunay kung totoo nga ang hinala natin.'

Isinarado ko ang notebook pagkatapos kong mag sketch ng kung anu-ano.

Ngayon ang umalis sila Mama at Tito Gabriel. Matapos ma-idischarge kanina ni Nathan sa ospital. Hanggang dulo talaga tinapos nilang dalawang magkapatid ang pagdadrama.

Usapan namin ang nangyari kagabi at ang drama nilang pang Grammy's award daw, pero nang medyo naging seryoso na ang usapan ay "Okay ng magastusan ng pera kaysa naman buhay ng dalawang taong mahalaga sa atin ang maging kapalit, right brother?" wika ni Jace kay Nathan na ngayon ay abala sa paglalaro ng play station.

Nanghihinayang kasi si Nathan sa ginastos sa ospital na one week na daw sana niyang baon.

Saglit niyang itinigil ang paglalaro niya at nagtataka akong tiningnan. "The only question I have in mind ate, is how did you know what's gonna happen?"

"May espesyal siyang kakayahan na mahirap ipaliwanag." sagot ni Jace.

"Pano?" naguguluhang tanong niya.

"Eye to eye contact." sagot ko.

"Wow! Ate ako? Anong nakikita mo sakin? Sino ang the one ko ate?" ganadong tanong niya para bang nabuhayan ng loob sa nalaman.

"Sorry bro, pero hindi ka counted." biglang nalukot ang kanyang mukha at biglang nagtampo.

"Ang daya!" aniya.

"Wala tayong magagawa." sagot ko at uminom ng shake na nasa mesa.

"Alis muna ko." paalam ko sa kanilang dalawa at tumayo na upang mag-ayos ng sarili.

"San ka pupunta ate?" tanong ni Nathan.

"Pupuntahan ko si Miya sa ospital tapos papasok na ko sa part time." saad ko kaya napatango si Nathan.

"Araw-araw ka ng dumadalaw sa kaibigan mo, bawal lumiban kahit isang araw lang?" Jace.

"Ayoko. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko talaga. Ito lang ang magagawa ko na pwedeng ikapanatag ng loob ko. Gusto ko sana kapag nagising siya ay nandun ako sa tabi niya." sumang-ayon din sila sa aking pasya kaya nagtungo na ako ng hospital kung saan naka-confine ang aking kaibigan.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon