Chapter 13 - Question

5 0 0
                                    

Chapter 13 - Question

Pumasok kami sa school ni Jace, ang buset kong mata, may dalawang floor ng eyebags. Buong period inaantok ako kaya nung magkaroon ako ng vacant period ay natulog muna ako sa ilalim ng puno. Hindi ko na talaga kaya, ngayon ko lang napagtanto na ang dami ko palang ginawa kahapon.

Wala si Jace, may inasikaso sa mga papeles niya kaya alone time ko ito, nakita ko si Lucas sa malayo na halatang problemado. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko na gugustuhing malaman sa pakikipagtitigan sa kanya. Mamaya ay kung anong gawin pa niya sa akin. Naalala ko kasi yung huli naming pagkikita at hindi ko alam kung anong ginawa ni Chelsey.

Inayos ko ang aking backpack at ginawa ko itong unan upang yakapin. Ang aking likod ay nakasandal sa puno.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, napansin kong may nakataas na kamay upang takpan ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napansin ko din na ang ulo ko ay nasa kanyang balikat kaya agaran kong inayos ang aking sarili upang makita kung sino yung taong iyon.

"Idlip ka lang. Mamaya pa naman ang klase." pagsisiguro ni Jace pero hindi ko na nagawang matulog pa ulit dahil sa ganung posisyon namin.

Para kaming magkasintahan na nagsusweet sweetan sa park. Eh hindi naman, nasa eskwelahan kami.

"Anong ginagawa mo dito? Tapos na agad yung linakad mo?" tanong ko.

"Oo. Alam ko naman na mag-isa ka dahil si Miya lang naman ang bestfriend mo. Kaya binilisan ko. At ikaw lang din ang ka close ko dito." napatango ako sa sinabi niya. Oo nga naman.

Lahat kasi ng estudyante dito ay iba ang tingin sa kanya, para bang tigre na nakawala sa kulungan na pwede kang lapain kahit anong oras. Hindi ko rin sila masisi, anak siya ni Tito eh.

Pero ayon nga sa kasabihan, Don't judge the book by its cover. Hindi nila alam ang tigreng inaakala nila ay isa palang maamong tupa.

"Pupuntahan mo pa si Miya?" tanong niya.

'Syempre, bestfriend for life niya yun.'

Tumango ako bilang sagot. "Ano pa lang kukunin mong course after natin mag senior high?" curious kong tanong dahil hindi lang naman teacher ang linya ng HUMMS, marami pang iba.

Si Miya gustong maging reporter kaya itong strand ang kinuha niya. Si Jace kaya.

'Baka writer o kaya psychologist. Idol niya siguro Daddy niya kay gusto niyang sundan yung yapak.'

"Lawyer. Gusto kong maging abogado." aniya kaya napatango ako.

'I'm gonna wait for 10 years bago kami ikasal. Ang tagal niya mag-aaral.'

"Jace, maiba ako. Wag mo sana mamasamain pero bakit ka nag transfer dito? Anyare sa dating mong university na pinapasukan?"

"Malayo kasi, lumipat sila Dad, ayaw naman nila akong maging independent kaya tinransfer ako dito sa Manila." seryosong saad niya.

"Akala ko naman na kick out ka or na expel ka sa school dahil may ginawa kang masama." napailing siya sa sinabi ko at napangiti.

"Ayan pala first impression mo sakin." -Jace

"Uy, yung iba narinig ko lang, usapan nang mga classmate natin noong unang araw na pumasok ka." kwento ko.

"Pabayaan mo na. Wala namang tayong magagawa sa iniisip nila saka di naman tayo sasaya dun." tiningnan ko ang orasan at oras na nga ng klase kaya tumayo na kami at pumasok na.

Habang naglalakad kami papunta sa building ay may nakasalubong kami na ibang klase maglakad, nakakatawa, parang lasing kaya naman napag tripan naming gayahin ni Jace nang malampasan na kami.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon