Chapter 23 - Fall
"Nasan ako?" tanong ko sa sarili ko nang mapansing walang tao. Nakaupo ako sa bangko at nang subukan kong tumayo ay napansin kong nakatali ang aking paa at kamay. May ilaw sa itaas ko na nagbibigay liwanag sa akin. Ang ibang bahagi ng kwarto ay nanatiling madilim.
Natatakot na ko.
*Chelsey's POV*
Aminin ko man o sa hindi, natatakot din ako sa nangyayari sa'min. Alam ko tarantada ako pero hindi ko naman ata deserve 'to na mamatay sa ganito kabahong lugar.
"HOY PAKAWALAN NIYO KO! BWISIT KAYO!" sigaw ko at maya-maya pa ay may pumasok na isang armadong lalaki.
"Ano bang pinuputak mo dyan? Natutulog kami ng mga kasama mo. Ang ingay ingay mo." seryosong saad niya at lumapit sa akin.
Shit, I need Haley. Kailangan niyang matitigan ito pero kung hindi ko ito kakausapin at gagalitin malamang hindi ako sasabunutan nito. Mas okay nang masabunutan kami ni Haley, malaman lang namin kung sinong nasa likod nito.
"Anong pinuputak? Eh gago ka din pala eh 'no? Sinong hindi puputak, dinala dala niyo ko sa ganitong lugar tapos wala man lang kayong sinasabi kung anong ginawa kong masama, kung bakit ako nandidito? Ngayon sinong matutuwa?" inipon ko ang buong tapang ko para lang sabihin iyon at nang maramdaman kong papalapit na siya lalo kung saan makikita ko na ang mukha niya ay..
*Haley's POV*
"Aray!" sambit ko nang may maramdaman akong humila ng buhok ko at bumulaga sa akin ang isang pangit na matabang lalaki. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit siya may sunglasses.
Wala akong makita, tangina. "Kuya, can I see your beautiful eyes?" tanong ko habang sinasabunutan pa rin ako.
"At ano? Para makita mo ang lahat sa akin? No way! Alam ko na yan neng. May nag tip na sa amin kaya nga pinag sunglass kami eh." aniya at binitawan ang pagkakahawak sa buhok ko.
"Sino bang boss niyo? Anong problema niya sa'kin?" naguguluhang tanong ko.
"Dahil sa'yo namatayan siya ng kapatid." what? Teka, ang baho.
Ang daming tumakbo sa utak ko at ngayon ay napuno ng takot ang kalooban ko dahil sa sinabi niya. So ibig sabihin, hindi pa dito magtatapos ang lahat.
*Chelsey's POV*
Tarantadong 'to, may pa sunglasses pa si mayor. Nakakainis. "Manong did you brush your teeth. Ang baho kasi. Hindi ako mamamatay sa bala ng baril niyo kung hindi sa baho ng hininga niyo. Try niyo din minsan." pang aasar ko at buong lakas niya kong sinampal.
"HOW DARE YOU! MAKAWALA LANG AKO DITO! BABALATAN KITA NG BUHAY AT LELETSONIN! TAGA MO SA BATO MO YAN." isang sampal pa ang pinadapo niya sa pisngi ko.
"Ano ba yan at ang ingay?" dinig kong sabi ng isa pang lalaki sa labas. Pumasok siya at naaninag kong wala siyang salamin.
Kailangan ko si Haley.
*Haley's POV*
'Huwag kang matakot gago, napapaaway ako. Tiisin mo na lang muna. The next target is that manong na papasok. Goal is to make eye contact with him. Okay, dito muna ko. Ikaw bahala dyan. Huwag mo na muna kong tatawagin, kukunin ko lahat ng pera mo sa atm.' banta niya.
Lumapit sa amin ang lalaki at tulad ng sinabi ni Chelsey ay wala nga siyang salamin.
"Brad, ba't hindi mo sinuot, eh alam mo namang may sa demonyo ata itong batang 'to. Lagot tayo kay boss kung malaman niya kung sinong kaaway niya." wika nung mataba sa payatot na nagreklamo.
"Naniwala ka naman dun? Hindi naman totoo yang mga yan." Lumapit siya sa akin at tinitigan ako mata sa mata kaya naman.
"Kailangan ko ng pera, yung anak ko naaksidente at kailangang operahan. Wala ka bang raket diyan?" tanong niya dun sa isang lalaki pa na sa palagay ko ay myembro ng gang.
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Teen FictionSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...