Chapter 7 - Bisita

13 1 0
                                    

Chapter 7- Bisita

Unti-unting naagnas ang babae sa kanyang kinauupuan. Nilalamon kasi siya ng apoy. At kitang kita ko ang mukha niya kung saan siya ay nagsusumigaw at takot na takot sa nangyayari. Iba rin ang naging panahon at ang lakas ng ulan.

"HOLY SHIT!" bumalik ako sa aking ulirat at napagtanto na nasa loob pala kami ng lrt. Ngayon ay masama na ang tingin sa akin ng lahat ng pasahero kaya naman kada titig ko sa kanila ay pumapasok ang lahat lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari. Karamihan sa kanila ay kakainin ng apoy. Mistula bang may sasabog.

"Anong nangyayari sa'yo Haley?" nag aalalang tanong ni Jace sa akin sabay hawak sa magkabilang braso ko.

Tatlong istasyon na lang at mararating na namin ang roosevelt. Kaso bago pa iyon dumating ay bababa na kami pagdating sa balintawak.

Namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Paano? Paano ko sila tutulungan nang hindi man lang nila kukwestyunin ang gagawin ko?

"Haley!" ani Jace at pinahid ang lumandas na luha sa aking mata.

"Sasabog ang tren." tipid kong sabi sa mahinang boses.

"Huh? Pano? Anong dahilan? Bumaba na tayo gusto mo?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Basta bigla na lang nag-apoy at maraming namatay." sagot ko.

"Pano ito lang ba na bagon na 'to? O lahat?" hindi maalis sa mukha ni Jace na kinakabahan din siya sa maaaring mangyari. "Alamin mo kung anong dahilan. Ilang minuto na lang bago tayo dumating sa istasyon na bababaan natin." aniya.

Naglakad ako at pumunta sa iba ibang lugar ng tren at hinuli ang titig ng mga tao. Ang iba ay makaligtas subalit ang mga bababa sa dulo ng istasyon ay mamamatay, may isa akong nalaktawan dahil nakasumbrero siya at naka mask. Nakatitig lang din siya sa bintana at malayo ang iniisip. Sumilip din ako sa kabilang bagon dahil tanging salamin lang ang namamagitan. May napatingin sa akin at nalaman ko na ligtas naman ang ibang nakasakay. Humanap pa ako ng ibang tao na bababa sa huling istasyon para makasiguro at ligtas naman sila.

Bumalik uli ako sa pwesto namin kanina ni Jace. Ito kasi ang huling bagon ng lrt. "Jace, ito lang bagon na ito ang sasabog." sabi ko at unti-unti ng dumilim ang kalangitan.

'Patay na'

"Ano? Anong gagawin natin? Baka naman may taong may dala ng bomba dito? Nacheck mo ba isa-isa? O baka may naka-implant na bomba dito? O dahil sa panahon? Kakalas ba ang bagon na'to? Anong gagawin natin?" naghi hysterical na tanong niya.

Ako naman ay nag-isip. Hindi pwedeng mamisalign itong bagon dahil pwedeng tumumba pero hindi naman sasabog. Hindi din pwedeng kumalas dahil mahigpit yan eh. May maintenance 'tong mga to. Diba?
'Oo. Tama. Pero kanina, umuulan. Teka... baka nga meron na may dalang bomba? Hindi mo na check lahat. Yung lalaki kanina, nalaktawan mo. Baka siya ang salarin.'
Eh, imposible. Mahigpit ang seguridad nila dito.
'Balikan mo nga.'

Binalikan ko ang lalaki kanina "Haley, san ka pupunta?" sigaw ni Jace pero di ko siya pinansin at binangga ko ng malakas ang lalaking nakita ko kanina. Napatingin ako sa dibdib niya dahil parang may mali. 'May sumilip na wire. Siya nga. Huwag ka oa ha. Mag sorry ka bilisan mo at baka gawin ka pang hostage niyan.'

"Sorry po. Hindi ko sinasadya." sabi ko at tumingin sa kanyang mata. Napatingin din siya sa akin at positive. Siya nga ang may dala. Agad siyang tumalikod at parang walang nangyari.

"Jace!" tawag ko.

"Oh, ano? Tara na."
*Balintawak station. Balintawak.* dinig kong sabi ng operator ng lrt.

"Jace, kailangan nating mapababa ang lalaking iyon." sabi ko sa kanya sabay turo sa lalaking nakatalikod. Bumukas na ang pinto ng lrt kaya "Harangan mo yung pinto para hindi sumara. Ako na ang bahala dito." ani Jace kaya sinunod ko siya. Pumunta ako pinto at hinarang ang aking katawan para hindi ito sumara.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon