Chapter 6 - Train

13 1 0
                                    

Chapter 6 - Train

*Jace POV*

"Wait lang Jace. Dito ka lang ha." sabay tapik sa'kin ni Haley bago umalis. Napalingon ako at may binulong pa ito.

"Waiter. Pakibalot na lang. Balikan namin mamaya." sabi ko nang lingunin niya ako. Mabilis din akong kumuha ng isang libo sa wallet at inilapag sa mesa. Tumayo na ako upang sundan si Haley.

Nakita kong pumanik siya sa hagdan pagkatapos pumasok sa fire exit ng hotel na ito kaya naman sinundan ko. Grabe, ang bilis niya umakyat. Kalahi ata nito si Flash eh.

Bakit ko nga ba siya sinundan? Aba malay. Para bang may tumutulak sa akin na sundan siya dahil palagi siyang mapapahamak. Nung sinundan ko yung kutob ko nung nakaraan eh baka nagahasa na 'tong babaeng 'to. Ano na naman bang gulo ang papasukin niya?

Nakarating ako sa rooftop dahil doon siya huminto. At nakita ko si Haley na kausap ang babaeng nakatayo sa railings. Magpapakamatay ata.

Nakinig lang ako sa sinasabi nila.  "Ate, oa. Hindi lang po ikaw ang may problema. Nanay ko nga di ako pinapansin, tatay ko naman ewan ko kung nasan. Sa 18 years akong nabubuhay ni minsan hindi ako nakaranas ng pagmamahal galing sa mama ko." huminga si Haley bago magpatuloy. Eh sinong kasama niya? Ang lungkit naman ng buhay nito. Sabihin ko kaya mamaya isali namin istorya ng buhay niya sa MMK.

"Mas malala yun pero nagreklamo ba ko? Nagpakamatay ba ko? Hindi diba? Life goes on ate at huwag mong ipagkait sa anak mo na mabuhay. Kakabuo pa lang, papatayin mo na agad? Kaya ate, baba na diyan. Huwag ka na mag emote. Pinaprank ka lang ng jowa mo. Okay?" bumaba ang babae sa railings sa sinabi niya.

Teka, pano niya yun nalaman? May kawirduhan 'tong si Haley ah. At wait, prank? Diba sa dulo ba yun binubunyag? Ang gulooo. How did she know?

Biglang may humawi sa kinatatayuan ko at sumigaw yung lalaki. "Jane, anong ginagawa mo?" Nagulat ako nang biglang lapitan ni Haley ang lalaki at malutong na sinampal. "MISS!" sigaw naman sa kanya ng babae.

Dat pala nagdala akong popcorn. Sine na 'to oh.

"Hoy, lalaki. Huwag mong sabihing mas matanda ka sa'kin. Deserve mo yan. Alam mo, yan hirap sa inyong mga lalaki eh. Hilig hilig niyong mag set up ng kung ano. Kesyo mamamatay kayo eh noh? Magpopropose lang dami pang ka ekekan. Pano kung hindi ako nangialam? Wala ka ng Jane na dadatnan. Duguan na yan sa baba. Please act according to your age, kuya. Huh!" nagulat ako sa sinabi ni Haley sa lalaki. Take note, mas matanda ito sa kanya. Para bang dalang dala siya sa pangyayari.

Aalis na sana siya pero lumingon uli "Ikaw naman ate, huwag ka OA. Mag isip ka muna bago mo gawin ang isang bagay ha. Po? At maniguro bago muna gumawa ng aksyon."

Naglakad siya at tila sasampalin ang isa pang babaeng kasama nung lalaking dumating. "SUMASAKIT ANG ULO KO SA INYO!" ani Haley at sinabunutan ang sarili.

"And what's the meaning of that?" bulalas ko kay Haley nang makita niya ako naka pamewang at inaantay ang pagdating niya. Nanalaki ang mata niya at "Jace!"

*Haley's POV*

"Jace!" nakapamewang siya sa akin na para bang papagalitan niya ako dahil late ako. "Ah yon? Wala yun. Hindi ka naman maniniwala kahit sabihin ko. Ang sasabihin mo ay nababaliw na ko." tahimik pa rin siya at tila ba nag iisip ng malalim.

Hinila ko ang damit niya papunta sa elevator kaya naman sumunod siya sa akin. Pinindot ko ang arrow pababa upang matuloy ang pagkain ko kanina.

"Ipaliwanag mo nga sa'kin. Hindi ko kasi talaga maintindihan." aniya nang makapasok na kami sa loob.

"Simple lang, ako si Madam Auring." sabi ko at tumawa, di kasi di bumenta kay Jace. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Naghihintay ng matinong kasagutan. "Sasabihin ko na nga, I can see the past present and future of people except you, Miya and my Lola." napataas ang kilay niya.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon