Chapter 25 - Final Chapter
Kararating ko lang sa lugar na tinext sa akin nung kausap ko kanina. Sa isang bakanteng lote niya ako pinapunta.
Ilang sandali pa at may tumigil na itim na sasakyan sa harapan ko. Dinampot ako ng mga lalaking nakaitim, pati ang kanilang mukha ay nababalot ng itim na tela, tanging iilang parte lang ng mukha ang makikita. Nang ipasok ako sa loob ay kinapkapan ako at itinapon ang aking cellphone.
"Nasan ang kapatid ko?" tanong ko.
"Magkikita din kayo mamaya. Huwag kang maingay kung hindi sasampalin kita."
'Sundin mo na lang muna, huwag mong iprovoke.' tulad ng sinabi ni Chelsey ay hindi ako gumawa ng ingay at hindi na rin nagtanong pa.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang naging byahe pero matagal tagal din akong nakaupo.
Ang mga lalaking kasama ko ay abala sa paglalaro ng games sa kani-kanilang cellphone.
Biglang tinanggal ng lalaking mataba ang maskara niya at tumambad sa akin ang kanyang mukha. "Remember me?" sasampalin ko sana pero nagpigil ako.
Siya kasi ang lalaking mataba na bumaril sa akin. Alam ko na mainitin ang ulo nito at mahilig mang-inis, kapag pinatulan mo ay ikaw ang magiging dehado.
Hindi ko siya pinansin at bigla na lang tumigil ang sasakyan, hudyat na nakarating na kami sa aming destinasyon.
Kinaladkad ako ng mga lalaki at dinala sa loob ng isang abandonadong gusali. Tinignan ko kung ito nga ang pinagdalhan sa akin noon pero iba na dahil parang guguho na itong gusaling ito dahil sa dami ng crack sa pader.
Pagpasok namin sa loob ay kitang kita ko nakatali sa bangko ang kapatid ko kaya agad ko siyang dinaluhan at yinakap. Puno ng pasa ang kanyang mukha at may dugo din sa kanyang labi.
"Nathan! Anong nangyari sa'yo?" agad akong dinampot ng lalaki at dinala sa kabilang kwarto saka itinali din sa bangko.
"Akala ko ba, ako kapalit ng kapatid ko? Bakit hindi niyo pa siya pakawalan? Hawak niyo na ko oh.""Maghintay ka, wala pa ang boss namin." wika nung mataba.
Maya-maya pa ay may narinig na akong yabag ng paa papunta sa akin, tila ba may metal sa sapatos na ito na nakakagawa ng tunog, o baka naman dahil sa sobrang tahimik ng lugar kinalalagyan namin.
"Hi Haley!" isang pamilyar na boses ang bati sa akin. Nagulat ako sa aking nakita.
Ang buong akala ko kaibigan ko siya, ang akala ko may gusto siya sa akin kaya niya ako nilapitan, yun pala mayroon siyang motibo.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ang dahilan niya, bakit niya ginagawa sa'kin 'to, sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawang masama sa kahit na sinong tao.
"Xian!" gulat na sabi ko at sumunod sa kanya ang isang lalaking may edad na at may kalakihan ang tyan. May pagkakahawig sila sa hitsura.
"Son, is she the girl you're talking about?" so tatay niya pala yun.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero hindi ako nakaramdam ng takot lalo na nung nasilayan ko ang pagmumukha ni Xian, hindi dahil alam kong ligtas na ako sa panganib kung hindi dahil alam ko na kahit paano ay may kabaitan pang natitira sa puso niya.
'Kabaitan ba yon? Pinagplanuhan ka?' -singit ni Chelsey.
"Ano po bang kasalanan ko sa inyo? Bakit niyo po ako pinaparusahan ng ganito?" seryosong tanong ko.
May kinuha ang tatay ni Xian, isang litrato at itinapat yun sa pagmumukha ko. Tiningnan ko ang hitsura nung babae pero hindi ko naman siya kilala. "Sino po siya? Anak niyo po?" magalang kong sabi kahit mukhang umuusok na ang tumbong niya sa galit dahil hindi ko maalala ang babae sa litrato.
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Teen FictionSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...