Chapter 12 - Breakfast

6 0 0
                                    

Chapter 12 - Breakfast

"Haley, can we talk?" salubong sa akin ni Tito Gabriel pagkauwi ko.

Nakaupo ako ngayon sa library ng kanilang bahay. Punong puno kasi ng libro ang bawat paligid. May mesa sa gitna at apat na upuan. Parang interrogation room lang sa prosecution.

Anyway, balik tayo dito sa loob ng kanilang bahay. Umupo sa harapan ko si Tito at tiningnan niya ako kaya naman... alam na dis.

Nakita ko ang lahat tungkol sa kanya, ang dati niyang asawa at ang conversation nila na may iyakan ngunit hindi ko ito masyadong napakinggan dahil mabilisan lang itong pinakita sa akin, kung paano sila nagkakilala ni Mama at nagkaibigan pagkatapos nilang mahiwalayan ng ex wife niya. Hanggang sa future pa sana dahil wala pang umiistorbo sa akin pero mas minabuti ko ng hindi na muna pangunahan. Hanggang present na lang muna ang titingnan ko sa kanya.

Alam ko bawal yun ah, ma iinlove ka sa pasyente mo. Na-inlove kasi siya kay mama nung ginagamot niya ito dahil natrauma si mama sa nangyari sa kanyang panghahalay. Whatever. Kung saan saan na napupunta ito. "Bakit tito, may problema po ba?" tanong ko at seryoso ko siyang tiningnan.

"Haley, gusto mo bang magpapsychiatrist?" diretsahang tanong niya.

'Bakit? Anong problema? Naku! Mas mapapabilis ata ang pagkawala ko.'

Hindi ka mawawala gagi, magiging isa na talaga tayo. Yun lang yun.

"Bakit tito? Baliw na po ba ko?" agaran kong tanong at napangiti siya.

Alam ko ang kalagayan ko nag research na din ako ukol dito at ito ay tinatawag na DID kung saan nagkakaroon ang isang tao ng mga alter o iba ibang personality upang makatakas sa realidad na ayaw o takot nilang harapin.

Pero hindi naman masama si Chelsey kaya hinahayaan ko na lang, minsanan lang talaga siya lumalabas 'pag pakiramdam ko talaga ay manganganib na ako.

"Hindi, Haley. Syempre gusto kong malaman kung bakit lumalabas ang alter mo. Kailangan mo ng counseling, hindi ba may mga bagay na ayaw mong gawin pero nagagawa mo dahil sa alter mo?" tumango ako bilang sagot.

"Oh ayun naman pala. Gusto lang kitang gamutin." seryosong pahayag ni Tito.

Ang kaso lang kahit gustuhin ko ay hindi ko magagawang i-open up sa kanya ang nakaraan ko. Ayokong balikan ang masakit na alaala ng kahapon.

'Gawin mo na, para sa'yo din yan.'
Ayoko, di pa ko handa.
'At kelan pa? Hindi mo ba naisip na pag naging teacher ka o tapos natakot ka, ano? Lalabas ako? Tatampalin ko lang mga bata mo. Ayoko ng maingay.'
Grabe ka.
'Magpagaling ka na.'
Ikaw lang ang nakita kong alter na concern mismo sa nagmamay-ari ng katawan.
'Diba ang bait ko? Kuno.'

"Bibigyan niyo po ba kong gamot?" tanong ko.

"Hindi. Kasi madalas, ikaw lang din ang makakagamot sa sarili mo. Nandito lang ako para gabayan at tulungan ka sa problema mo. Ang solusyon diyan, anak ay balikan mo ang nakaraan at matuto kang harapin ang mga bagay, kapag may problemang dumating nang sa gayon ay hindi na lumabas ang alter mo, kasi mismong ikaw, kaya mo ang sarili mo." napatango ako sa natutunan kay Tito Gabriel.

"Kaya Haley, wag ka mag-alala, tutulungan kita, kakausapin ko ang Mama mo. Baka isa rin siya sa dahilan kaya ka nagkakaganyan." wika ni Tito.

'Anong baka, isa talaga siya. Hanggang ngayon nanggigigil pa din ako sa nanay mo Haley.'
Tama na, wala rin naman siyang alam.
'Yun na nga wala siyang alam, na supposedly dapat alam niya lahat, nanay siya eh.'
Intindihin mo na lang.

"Okay po, salamat po sa tulong." wika ko.

"Oh siya, tapos na ang counseling. Kumain na tayo at hapunan na." yaya ni tito at tumayo na. Sumunod ako sa kanya pagkatapos.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon