Chapter 8 - Doomed
*Miya's POV*
Miss ko na si Haley, busy kasi sa school works at pamilya kaya hindi na kami masyadong nakakapag-usap ni bestfriend."Ingat sa pagpasok." wika ni Mama at humalik na ko sa kanyang pisngi bago sumakay ng aming sasakyan.
May tagahatid ako tuwing umaga at yun ay si Daddy. Bago siya pumasok sa opisina ay idinadaan niya muna ako sa school.
"Thanks Dy." sabi ko at nag flying kiss kay Daddy bago tuluyang pumasok sa eskwelahan. Yes, makikita ko na ulit si bessy, Haley. I'm so excited.
Hindi katulad ng naka-ugalian ay medyo maaga ako ngayong dumating.
"Hi, Miya. Good morning." bati sa akin ng mga kaklase kong kakapasok lang ng room.
Medyo madami na din kaming estudyante dito pero wala pa din ang earlybird. Dumating na din ang seatmate ni Haley na si Jace.
"San si Haley?" for the first time kinausap ako nitong lalaking 'to.
"Hindi ko nga alam. Wala pa eh. Wala ka bang balita?" tanong ko pero wala siyang itinugon.
Tetext ko na nga lang 'tong hinayupak kong bestfriend, hindi naman kasi 'to nag-aabsent at nagtetext yun sa'kin kapag hindi maganda ang pakiramdam at hindi niya feel pumasok.
Mabilis dumaan ang oras. Puro sulat lang at discussion ang nangyari dahil sa mga kaklase kong nagreport. Papunta na ko sa bahay ni Haley at naglalakad dahil malapit lang naman. Ilang metro lang ang layo.
"Hala, san ka pupunta?" gulat na sabi ko pagkatapos kong makasabay sa paglalakad si Jace.
"Kela Haley." wooooh, I smell something fishy. Ba't siya pupunta? Nag-aalala? Bakit? Jowa ka boy? Napangiti ako sa iniisip.
"Ikaw?" dinig kong tanong niya.
"Dun din. Nag-aalala ako eh. Alam mo na, bestfriend ako." pagmamalaki ko. Tignan natin kung papatol siya kaso ay hindi na naman siya umimik. Isa pa ah, napapahiya ako eh, hugutin ko kaya dila nito para magsalita. Kainis, isang tanong, isang sagot lang. Minsan di pa papansinin yung tanong mo. Nanggigigil ako, pigilan niyo ko.
Ilang sandali pa at narating na namin ang bahay ni Haley, sakto namang lumabas siya kaya ""Bakit hindi ka pumasok bessy, anong nangyari? May nangyari ba sa'yo?" salubong na tanong ko at inenspeksyon ininspeksyon ang katawan niya kung may makikita ba kong sugat. Hinawakan ko rin ang noo niya ngunit wala naman siyang lagnat.
*Haley's POV*
"Wala. Okay lang ako. Grabe ka!" sagot ko kay Miya at napatingin ako sa lalaking kasama niya."Jace!" tawag ko at kaway lang ang isinagot sa akin.
Pinapasok ko sila sa loob ng bahay at pumwesto kami sa kusina at umupo. Ikinuwento ang nangyari kay Lola at habang abala sa pakikinig sa akin si Miya ay napansin kong dinampot ni Jace ang aking phone. May tinawagan siya at nag ring naman ang phone niya. May pinasa pa siyang kung ano dahil hindi ko naman masyadong naaninag kung ano ang sinend niya sa akin.
"Kamusta na ang lagay ni Lola? Okay lang daw ba siya? Wala namang sakit?" sunud sunod na tanong ni Miya.
"Wala, maayos na siya. Nastress lang daw at sobrang pagod." napatango naman si Miya sa sagot ko.
"Buti kung ganun. Eh ikaw, maayos ka naman ba?" seryosong tanong niya at binigyan ako ng makahulugang titig.
Hindi ko alam kung sasagot ba ko ng totoo o hindi. Gusto ko kasing itigil na ni Lola ang ginagawa niya pero hindi ko naman alam kung saan kami kukuha ng pera pantustos sa araw-araw. Kung magtatayo naman kami ng negosyo ay nangangailangan din ng malaking puhunan.
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Genç KurguSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...