Chapter 15 - Elevator

3 0 0
                                    

Chapter 15 - Elevator

Jace's POV

Nagselos talaga ako nung nakita ko si Haley na nakikipag kamayan sa lalaking ngayon ko lang nakita, kung hindi ko napigilan ang sarili ko ay malamang nasuntok ko na talaga yung lalaki.

May hitsura pa naman, pero mas pogi ako. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, kung noon bang binigyan kami ng project o nung gumawa kami sa bahay nila dati. Magtatapat na dapat ako, kaso nagkasunud-sunod ang problema niya. Ang tanging magagawa ko lang ay damayan siya at manatili sa tabi niya.

Ang nakakainis pa ay pakiramdam ko ay kapatid lang din ang turing niya sa akin. Hindi naman niya ako kapatid. Nakakainis talaga. Hindi ko alam kung makakaporma ba ako sa kanya, kung may pag-asa ba ako, kung matatanggap ba kami ng pamilya namin at kung pwede ba ang relasyon namin.

Siguro naman pwede dahil hindi naman kami magkaano-ano. Si Nathan lang ang nag-uugnay sa amin.

Bakit pa kasi yan pinanganak. Ay, sorry Lord. Kahit makulit si Nathan, mahal ko yan.

Pinakinggan ko ang sinabi niya kay Nathan, narinig ko kasi na inaaya siya nito magbar at hindi pa ako isasama ah. Pano kung may mangyari kay Haley?

"Ang bata, bata mo pa. Paano kung makabuntis ka?" dinig kong pangaral ni Haley habang dahan dahan akong bumababa ng hagdan

"Ay oa, ni ate. Nanay lang ang peg? Bar, iinom lang tas dance dance. Ganun lang, ikaw ate ah, sex agad? Ganon? Sige na ate, please. Hindi malalaman ni kuya." at talagang hindi mo pa talaga sasabihin sa akin?

Magsasalita na dapat ako ngunit mabilis na nagsalita si Haley "Ilang taon ka na?"

"16" simpleng sagot ni Nathan.

"Menor de edad ka, gunggong ka ba? Gusto mong magalit sa'kin sina Tito at Mama, sama mo pa si Jace." yan, pagalitan mo.

Sumandal ako sa hagdan para cool tingnan, malay ko ba kung may dagdag pogi points 'to para kay Haley. "Tama si Haley, Nathan. Bata ka pa. Saka ka na mag night life." nagwalk out si brother kaya tumingin ako kay Haley at lumapit sa pwesto niya kaya napatayo din siya

"Thank you, sa hindi pagpayag sa gusto ni Nathan." pareho kaming nakatingin sa isa't-isa.

"Wala yun. Pareho lang naman tayo ng gusto para sa kanya at yun ay maging maayos siya." ang ganda talaga niya. Sana talaga, iisa na lang talaga sila nung alter niya para gusto din niya ko. Straightforward din yung si Chelsey.

"Gusto kita." bigla ko itong nasabi at halata ko sa kanyang mukha ang pagkagulat kaya naman "bilang... kaibigan" at babae.

*Haley's POV*

"Gusto kita."

'Sabi sa'yo eh, may tama na yan sa'yo.'

Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakatingin sa kanya ng maayos. Kaya ba nagalit siya nung may nakipagkamay sa akin dahil nagseselos siya? Kaya ba parati siyang nasa tabi ko?

Gusto ko siya bilang kaibigan pero hindi bilang lalaki dahil alam ko mahihirapan kaming ipagpatuloy ang relasyon namin kung magkakaroon kami ng gusto sa isa't isa. Kumplikado at higit sa lahat maraming magagalit at baka hindi pa kami maintindihan.

Okay, so..... awkward.

"bilang kaibigan." dagdag niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Gusto din naman kita. Nagpapasalamat nga ako sa'yo dahil parati kang nandyan para sa'kin."

'Alam mo, ito sasabihin ko sa'yo ha. Hindi magsasayang ng oras ang isang lalaki kung hindi siya interesado sa'yo, may gusto o may makukuha. Yun lang naman yan. And I think, yung dalawa nag-aapply sa'yo. May makukuha? Wala. Ano naman?' ani Chelsey at narinig ko ang halakhak niya.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon