Chapter 24 - Nathan

4 1 0
                                    

Chapter 24 - Nathan

'Cause you're falling in love with him.'

Ano? Hala!

'Aminin mo man o sa hindi, nagugustuhan mo na si Jace. Syempre, isipin mo sa oras na dinakip ka, wala kang ibang inisip kung hindi si Jace na sana, mailigtas ka niya, na dumating siya upang saklolohan ka. Isa pa, nakita mo yung direksyon ng pagputok nung baril at sinagip mo siya. Ano yon? Huh? Ipaliwanag mo nga. Kaya kung tatanungin ako, ipapaubaya ko na siya sa'yo. Kahit masakit dahil alam ko sa sarili ko na maski ako hindi ko gagawin yun. Haler, sira ang katawan ko dahil sa tahi ng operasyon. Ayoko nun.' litanya ni Chelsey.

Wala namang masama kung iligtas mo ang taong mahalaga sa'yo.

Nang humiwalay ako sa pagkakahalik sa kanya ay at saka ko napagtanto na mali ang ginawa ko. Hindi dahil ayaw ko kung hindi dahil babae ako. Dapat sila yung gumawa, hala, baka naturn off na yan sa'kin.

Nanatili akong nakaupo at dahil sa hiya ay tinakpan ko ang aking mukha. Mabilis naman niya itong tinanggal at biglaan niya kong hinalikan, kumpara sa kanina na para siyang posteng hinahalikan ko ay siyang bawi naman niya ngayon.

Mababaw ang kanyang halik pero dama ko ang pagmamahal sa ginagawa niya kaya tumugon na din ako.

Bigla naming narinig ang pagbukas ng pinto kaya agaran ko siyang tinulak.

"Nandito na ang pagkain, anak." suskupo, si tito pa. Nakakahiya kung nakita niya kami.

Aligagang aligaga si Jace pagkatapos tumayo ng mabilisan. Ako naman ay kunwari nagsulay ng buhok gamit ang kamay.

"Oh Haley, gising ka na." ani Tito.

"Opo, kanina lang." sagot ko.

"O siya, maayos na ba ang pakiramdam mo? Pasensya na kung hindi kita mabibigyan ng dala ko dahil may pagkain daw na dapat mong kainin, sabi ng doktor." wika ni Tito.

"Okay lang po. Sorry din po dahil sa'kin, napuyat po kayo." sagot ko. Si Jace ay kinuha ang supot ng pagkain na dala ni Tito. Tinignan ko siya pero hindi niya ko makuhang tignan pabalik.

Sunod naman si Mama na dumating. "Anak, may dadating pa lang pulis para kunin ang testimonya mo para mahuli yung taong may gawa sa'yo niyan. Okay lang ba? Pwede namang sabihin na sa susunod na araw na lang, kung gusto mo." pahayag ni Mama habang inaayos ang mga prutas na dala.

"Okay lang po na pumunta sila ngayon." wika ko kay mama at tipid na ngumiti.

Ilang minuto pa at may dumating na babae na may dalang cart at saka inilatag ang pagkain sa mesa na nakakabit sa kama.

Sabay-sabay kaming kumain, wala pa ring imik si Jace kaya hindi ko alam kung galit ba siya, pinagsisisihan niya ba o nagtatampo dahil tinulak ko siya.

"Ano po bang nangyari? Pwede po bang pakikwento simula nung madakip kayo." ani ng pulis sa akin, ilang sandali pagkatapos naming kumain. May kasama siyang isa pang lalaki na may hawak na bond paper at lapis. Siya naman ay hawak ang notebook at ballpen.

Kinuwento ko ang buong pangyayari pwera lang ang nakita ko at sinabi sa lalaking tumulong sa akin upang kalagan ako.

Kung kanina ay hindi ako makuhang tingnan ni Jace, ngayon ay matyaga siyang nakikinig sa kwento ko habang nakatingin sa aking mata.

"Namukhaan niyo po ba?" agarang tanong ng pulis kaya tumango ako.

"Kaso dalawa lang po ang nakita ko, yung isang matabang lalaki na bumaril sa akin at yung isa po na nasapak ko pagkatapos akong kalagan." wika ko.

"Ikaw ba iho, di ba nandun ka din? May namukhaan ka bang mga lalaki?" tanong ng mamang pulis kay Jace.

"Wala po eh, madilim po kasi. Ang alam ko lang po ay pito silang kalalakihan na nagbabantay sa gilid ng pinto." ani Jace.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon