Chapter 16 - She's back
Ang buong akala namin ay makakasuhan siya ng attempted rape pagkatapos naming dalhin siya sa presinto. Si Nathan ang kumuha ng kopya ng cctv sa elevator ng hotel ngunit pagdating namin doon ay...
"Sorry, miss. Wala naman siyang ginawa. Ang pinakita lang dito sa video ay sinampal at tinulak ka niya kaya physical injury lang ang maisasampa niyo sa kanya. Pero sa hitsura niya, palagay ko ay mas masasampahan ang mga kasama mo dahil grabe ang pambubugbog na ginawa dito kay Lawrence." Nalaman namin na Lawrence Perez pala ang pangalan ng lalaking medyo may edad na.
Wala siyang imik at nakayuko lang pero nakita ko na pangisi ngisi siya.
"So, ano ipinapahiwatig niyo? Hindi namin masasampahan ng kaso yang hinayupak na yan? Pano yung ginawa niya kay Haley? Ano? Wala na lang yun? Eh kung hindi 'to nagpumiglas malamang may nangyari sa kanila." ngitngit ni Jace sa mamang imbestigador.
"Pero iho, pano mo nalamang hahalayin yang kaibigan mo? Eh hanggang sa elevator lang naman ang kuha ng cctv? Bakit mind reader ka ba?" tanong ng imbestigador. "Bumabase tayo sa ebidensya iho."
"Siya hindi, ako oo." sagot ko kaya nagtataka akong tiningnan ng imbestigador.
"Anong nangyari sa kaso? Hanggang ngayon hindi pa rin umuusad. Akala ko ba nakakalap ka na ng ebidensya? Anong nangyari?" tanong sa kanya ng sa palagay ko ay boss niya. May nakalagay sa mesa niya na sa pagkakabasa ko ay tungkol sa prostitusyon, isang dekada na ata ang nakakalipas.
Napakamot siya sa ulo at saka sinabing "Sorry boss, mali yung nakuha kong impormasyon." biglang hinampas nung boss niya ang mesa na siyang ikinagulat niya.
"Pano mo nagawang magtago sa akin ng lihim? Ha, Dina Lopez." dinig kong sabi niya sa babaeng kausap niya habang nasa loob sila ng kanilang bahay.
Nagulat ang babae sa kanyang sinabi. Isa itong writer at ayon sa kanyang I.D. ay Michelle Sandoval ang kanyang pangalan. So ibig sabihin, sa ibang pagkakakilanlan namumuhay ang babae or can I say gf niya o asawa?
"Minahal kita pagkatapos naglihim ka pa sa akin. Maiintindihan ko naman eh, pero bakit inilihim mo sakin?"
"Vini!" pagmamakaawa ng babae upang siya ay patawarin sabay hawak sa kanyang braso ngunit mabilisan niya itong tinabig.
Umalis siya at iniwan ang babaeng lumuluha.
"Kagabi..." di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan agad ni Nathan ang bibig ko at hinila papalayo.
"Ate, don't try. Hindi yan maniniwala sa'yo. Sasabihan ka pang baliw. Pabayaan na natin, tutal basag naman ang mukha niya. Pati sila Argus at Lance malalaman kaya please lang wag ka na magsalita at sabihin ang nakita mo sa mamang imbestigador." payo ng kapatid ko sa akin. "Pwede ka pang mapahamak sa ginagawa mong yan at malagay sa peligro ang buhay mo."
Tumatak sa isipan ko ang sinabi ng kapatid ko at may punto nga naman ang sinabi niya.
"Wag na nating kasuhan yan. Halika na!" galit na sabi ko at tiningnan muli ang mukha ng lalaking basag na, puno ito ng pasa at bugbog. May dugo din na lumabas galing sa kanyang ilong at gilid ng labi.
Pero bago ko talikuran ang manyak ay "Manong, tutal di na kami magsasampa ng kaso. Paisa lang." sabi ko at iniangat ang ulo ng lalaki saka siya agarang sinampal.
Hinatak ko papalabas si Jace at sumunod naman ang dalawang lalaking palagay ko ay kaibigan niya at si Nathan.
"Chelsey?" takang tanong ni Jace.
"Haley. Ayaw niyang lumabas eh." Oo nga naman, kung di ko pagtatanggol ang sarili ko, kawawa ako.
"Repa, baka gusto mo kaming ipakilala sa babaeng kasama mo." wika ng lalaki sa likod namin.
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Teen FictionSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...