Chapter 5 - Attempt
"San punta?" tanong ko at umismid siya.
'Tangek, may project kayo diba? Baka ngayon niyo na gagawin.'
Oo nga pala. Pero wala akong camera.
'Phone mo o baka may dala siya. Mayaman yan diba?'"Sabi ko nga sasakay ako eh." sabi ko at umangkas na sa likod niya.
Naka backpack ako kaya di masyadong hassle. Ang kanya naman bag ay inilipat niya sa kanyang harapan, bale frontpack na.
"San tayo pupunta?" tanong ko habang abala siya sa pagmomotor.
"Intramuros." tipid na sagot niya. Ilang minuto pa at narating na din namin ang Fort Santiago. Iniabot niya ang kanyang phone sa akin. "Bakit?" tanong ko. Anong gusto niyang gawin ko sa phone niya.
"Pangkuha mo ng pic." tipid na sagot niya.
"Alam mo kung tutuusin, pwede naman tayong kumuha na lang sa google eh. Pinapahirapan pa tayo ng prof natin." aniya habang naglalakad kami papasok."Pano yung pic natin?" tanong ko.
"Photoshop?" simpleng sagot niya. Bigla akong natawa. Naalala ko lang ang mga nakita ko sa social media, na may caption, pa edit po. Patanggal po yung mga tao sa likod. At ayun, kung anu-ano ng ginawa sa litrato niya."Bakit?" nahihiwagaang tanong niya pagkatapos magbayad ng entrance.
"Wala may nakita lang ako na mga picture na phinotoshop at GRABE yung kinalabasan." sabi ko.
May sinet-up siya sa isang sulok. Napansin ko na naglagay siya ng stand at ipinatong ang camera niya doon.
Lumapit siya sa akin at tumayo sa tabi ko.
'Okay, mukha kayong tuod sa posisyon niyo.' -P.M.S."Pwede bang wag na tayong mailang sa isa't isa?" sabi ko nang hindi siya gumalaw sa tabi ko at matapos ang isang click ng camera.
"Hindi naman ako naiilang sa'yo ah." aniya.
'Basag'
Hindi daw?"Mukha ka kayang tuod. Ano nakatayo lang? Can't you just be more creative?" tanong ko kaya nagtaas siya ng kilay. "Okay na sana eh. Pogi ka na, mayaman kaso medyo engot." dagdag ko.
"Grabe ka naman. Hindi ko alam na ganyan pala ugali mo edi sana hinayaan nalang kitang mahalikan nung lalaki kagabi. Feeling ko naman gusto mo eh." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Huh?" kagabi? halikan? gusto ko? What the hell is he saying?
"Wala, wala." aniya at kinuha ang mga itinayo kanina.
"Ikaw yung kagabi?" tanong ko. Hindi siya umimik sa halip ay iniba niya ang topic. "Oh ikaw na maghawak nito. Tutal bright ka eh." kinuha ko ang camera niya at ibinalik ang phone sa kanya.
May kung anu ano akong ipinagawa sa kanya tulad ng pinahiga ko siya sa damuhan. Pinatayo sa tabi ng fountain, ipinataas ang kamay at pinapunta kung saan saan. May pangyayari ding sumasama ako sa pose niya. And bingo, ang ganda ng kinalabasan.
Naglakad lakad kami sa intramuros nang malibot na namin ang mga historical place dito. "Gutom ka na?" tanong niya at bigla na lamang gumawa ng tunog ang tiyan ko.
Tumigil kami sa isang hotel at pumasok sa loob. "Uy, wala akong pera. Libre mo 'to ah." wika ko.
'Kapal mo talaga. Sana man lang, tumanggi ka eh noh? Kakakilala mo pa lang sa kanya. Pineperahan mo na agad' -P.M.S.
Grabe ka naman, gurl. Perahan agad? Eh sa wala nga tayong dalang pera at hotel 'to oh. Pang isang linggong baon ko na 'to."Ok." aniya. May lalaking sumalubong sa amin at dinala kami sa isang table. May sinabi siya dito at ilang sandali pa ay dumating na din ang pagkain. Mukhang masarap kaso mukha ding hindi ako mabubusog. Ang konti eh.
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Teen FictionSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...