Chapter 1- Ability

15 1 0
                                    

Chapter 1: My Ability

"Haley luya, Haley luya wika.." tinakpan ko na ang bibig ni Miya bago niya pa ituloy ang kinakanta niya.

'Ingay ng kaibigan mo ah. In fairness.' rinig kong sabi niya.

'Please. Wag ka munang umextra ha?' sabi ko naman sa kanya.

"Huwag mo lokohin ang kanta ng simbahan. Masama yan." seryosong sabi ko.

'Sus. Parang siya hindi masama.' tologo nomon. Sasapakin ko na 'tong boses na 'to eh.

"Tinutukso ka lang naman." aniya at hinawakan ang aking braso.

Kasalukuyan kaming nasa senior high school. Grade 12 at H.U.M.M.S ang napili ko. Gusto ko kasing maging guro dahil paborito ko ang mga bata. Gustung-gusto ko silang nakikitang naglalaro at matuto mula sa akin.

Ganun din naman si Miya. Lahat ng gusto ko, gusto niya din. Pwera lang sa boys. Syempre ibang usapan na yun.

'Sows. Minsan nga eh, crush mo din ang crush niya. Di mo lang sinasabi. Wag ako, haley. Alam ko lahat ng pinaggagagawa mo pati na din iniisip mo kaya wala kang takas sa'kin.'

Lumipas ang oras ng klase at sa kamalas malasan nga naman ako pa ang unang nabunot na magrereport sa terror naming guro. 'Lam mo pakiramdam ko malalagot ka talaga pag di ka nag-aral at puro k drama at kpop ang inatupag mo.' aniya. Papangalanan ko na lang siya PMS. (Palaging May Say)

"Bes pano yan? Ikaw ang unang nabunot. Kailangan mo talagang aralin yung topic na binigay ni Madam." ani Miya.

"Oo nga bes. Di ko alam kung pano, eh. Alam mo namang busy si ate mo sa part time niya." tama kayo. Kami lang kasi ng lola ko ang magkasama. Wala na si Papa, hindi ko alam kung nasan siya kung nangibang bahay ba o namatay na. Si Mama naman busy sa iba niyang pamilya.

Si Lola naman hindi pwedeng umasa na lang ako sa kanya sapagkat matanda na iyon at ayoko namang mapagod siya masyado. Ang ginagawa niya lang upang mapaaral ako ay manghilot at manggamot sa may sakit.

Hindi siya doktor, dahil ang gamit niya sa paggamot ay herbal medicine at langis lamang.

"Di bale kaya mo naman yan. Ang lagi ngang nakalagay sa resume mo ay can do multi-tasking. Edi pangatawanan na natin." aniya at tumawa.

'Ehem. Mapapagod yan kung hindi niya ko kasama. Ako kaya ang nagbibigay ng lakas dyan.' -PMS
Totoo yun. I don't know why pero kasi pag nandyan siya at nagsasalita, kahit paano ay nabubuhayan ako ng loob. Kung tinatanong niyo kung kelan pa 'to nagsimula. Bata pa ko. As in nung nagkaisip, may naririnig na kong boses sa utak ko.

'Well. That's me. Your so lucky to have me' -PMS
Tahimik.

"Be, una na ko. Ingat sa pag uwi." sabi ko kay Miya sabay beso.

"Ikaw din." sabi niya at kumaway saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nagpunta na ko sa mall at doon nagbantay at nag-asikaso ng mga batang iniiwan ng magulang upang maglaro. Sabi ko sa inyo, gusto ko ng mga bata eh.

Pano 'to? Kailangan ko pa mag aral two days lang ang palugit bago ako mag report. Walang oras para mag aral dahil pagkatapos nito aantukin na ko.

'Problema ba yun. Edi magpuyat ka di yung sa k drama ka napupuyat. Hay nako, Haley. Simpleng sakripisyo lang. Kung ayaw mo naman edi mag aral ka na ngayon.' sagot ni PMS sakin

As if naman, pag nahuli ako ng boss ko. Sesante na agad ako.

"La. Nandito na ko." bati ko kay Lola at nagmano.

"Apo. Wala pa bang kakaibang nangyayari sa'yo?" kunot noong tanong ni Lola na tila ba may inaantabayan mula sa akin.

"Ano naman pong kakaiba?" takang tanong ko.
'Isagot mo yung sa report.' -PMS "Ah. Ako po ang nabunot na unang magrereport sa klase." sabi ko at umupo na sa kanyang harapan pagkatapos hatakin ang upuan papunta sa kinatatayuan ko kanina.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon