Chapter 4- Rapists

10 1 0
                                    

Chapter 4 - Rapist

Pumasok muna ako sa part time at umuwi na din pagkatapos upang dalhin ang mga gamit na pinapadala ni Miya.

9:45 na ng gabi ng magpasya kaming maghiwalay ni Miya. Pupunta na siyang police station para magreport at ako naman ay inaantabayanan ang paglabas ng salarin at biktima. Nandito ako sa loob ng sirang sasakyan. Oo malamok pero wala eh, ginusto ko 'to.

'Tandaan mo yung sinabi sa'yo ni Miya. Huwag padalos dalos at maghintay muna na may gawin para makasuhan ang mga impakto na yan.'
Opo.

Ilang minuto pa ang hinintay ko. Naset up ko na ang aking phone sa video mode at sakto namang nakita kong itinulak ang babae sa pader kaya naman in-on ko na ang video mode ng aking phone. "Ano, tanya, papakipot ka pa?" wika ng lalaki at pinagitnaan niya ng braso ang babae.

"Bitawan mo nga ako." wika ng babae at nagpumilit na pumiglas. Binayagan niya ito nang hindi siya pakawalan kaya nakatakbo siya pero agad ding nahuli. Binalibag siya sa pader at doon  pwersahang pinunit ang kanyang blouse. Nakita ko ding ilalabas na nung Fred ang kanyang ari at ito ang hinihintay kong pagkakataon.

"Haaaaay!" malakas na sabi ko at kunwaring nag-inat.

"Patay, Fred. May tao." sigaw nung isang lalaki palagay ko ay ito ang kasama niya sa nakita ko.

"Ikaw ng bahala dyan." sabi ni Fred sa kanya.

'Oh my Gulay. I didn't see it coming. Bahala ka na dyan Haley.'- P.M.S.

Binuksan niya ang pinto ng sirang kotse para hulihin ako ngunit agad din akong lumabas sa kabilang pinto.

"Belat." sabi ko at tumakbo papunta kay Tanya.

'Takbo, sapakin mo nasa likod.'

Agaran kong sinapak si Fred at hinagis kay Tanya ang hawak kong jacket.

Nakuha naman niya ito at mabilis ding sinuot. Hinila ko si Tanya papaalis pero humarang si Fred sa aming harapan. "Takbo na girl!" sigaw ko nang mahuli ako. "Pakelamera kang babae ka." ani Fred sa akin sabay hawak ng braso ko. "Pre, ako ng bahala dito. Tuloy mo na yung balak mo." wika nung isa pang lalaki at siya naman ang  humawak sa aking braso at tumango si Fred bilang tugon. Agad uli niyang sinandal si Tanya pagkatapos niya itong mahuli sa pagtakbo. Doon niya ito inumpisahang halikan.

"PUTANG INA NIYO!!" sabi ko at pinilipit ang kamay nung lalaking nakahawak sa akin kaya napaaray siya.

Sinampal ko siya at sinabunutan ng bonggang bongga ngunit naging mabilis ang mga pangyayari dahil isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Nahilo ako at nawindang sa naramdaman.

Ako naman ngayon ang isinandal ng lalaki sa pader. "Don't you dare." banta ko pero hindi niya ako pinansin.

"Hindi ka naman pangit pero siguro masarap ka ding tikman." aniya at dinilaan ang labi. Eeew.

'Subukan mo! Oh My Gulay. Just close your eyes Haley. Nandidito na ang savior mo.' -P.M.S.

Kaya naman napapapikit ako, ayokong makita kadiri.

Bigla na lang tumumba ang lalaki. Pati ang isa na si Fred ay nakita kong nakabulagta na din sa sahig.

"Wala yan. Wag na kayong mag thank you. I'm just being a good citizen." aniya. kumaway pa siya na para bang may fans kahit nakatalikod at naglalakad.

Maya-maya pa ay rinig na rinig ko na ang boses ng kaibigan ko. "Ayan, ayan mamang pulis ang mga rapist." ani Miya. Naghi-hysterical sa pagturo ng mga salarin.

Dinampot na ng mga pulis ang mga lalaki at isinakay sa kanilang sasakyan.

"Bakit ang tagal mo?" sabi ko sabay hawak sa pisngi ko at inexercise ang mukha dahil pakiramdam ko ay namamanhid ito.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon