Chapter 20 - Documents
*Jace's POV*
Dahil sa letseng schedule ko na yan, hindi ko na nakakasama si Haley, nabubwisit ako sobra, lalo na kapag binabalita ng nga tropa ko na nakita nila si Haley na kasama si Xian.
Gusto ko na nga minsan sumugod, lalo na kapag ako ang nakakakita sa kanila sa malayo pero mas pinili kong manahimik lalo na nung marinig ko sa cafeteria ang sinabi ni Haley sa kanya, pagkatapos niya magtapat.
"Gusto kita bilang babae, hindi bilang kaibigan. Pwede ba kong manligaw?" dinig kong tanong nung Xian na yun kay Haley. Nasa labas ako ng cafeteria, nagpaalam ako sa prof ko na mag ccr tutal ay abala naman sila sa pagrereport dun sa room. Hindi talaga cr ang sadya ko kung hindi itong canteen dahil nagugutom na ko. Nagkataon naman na makakarinig pala ako ng ganito ka-corny na pagtatapat. Tsss.
Nagtago ako sa gilid ng bintana, tutal ay malapit lang naman ang pwesto nila sa kinatatayuan ko, kaya madidinig ko pa din ang pag-uusap nila."Sorry, hindi kasi ako interesado sa pakikipag relasyon. Masyado akong maraming problema sa buhay ko ayoko namang problemahin mo pa ang problema ko at makidagdag ka pa, hindi ba? Sorry talaga." Good girl. That's my woman.
Nakampante na ako kaya mabilisan akong pumasok sa cafeteria at bumili ng pagkain. Hindi ko na pinakinggan ang iba pa nilang napag-usapan. Sapat na sa akin na hindi siya gusto ni Haley.
Habang pauwi ako ay naisip ko na, ngayong bumalik na si Miya, babalik na rin si Haley sa dati niyang ginagawa, ang tumulong sa mga taong nakikitaan niya na nasa panganib ang buhay. Ang kaso lang, paano kung maulit ang nangyari sa hotel?
Paano kung sa palagay niya ay maayos na nga pero hindi umayon sa plano niya? Ngayon pa na hindi naman niya ko palaging nakakasama.
Kaya naman, hinintay ko siya sa kwarto niya pagkatapos naming kumain at hindi naman ako nabigo.
*Haley's POV*
Nakaupo si Jace sa aking kama, at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako sinasagot. Tiningnan niya muna ako bago siya nagsalita. "I'm here to help." simpleng sagot niya.
Pumasok akong banyo at nagpalit ng pajama at blouse pagkatapos kong kumuha ng pamalit.
Umupo ako sa kanyang tabi pagkatapos. "Anong meron? Kailangan ko ba ng tulong?" nagtatakang tanong ko.
"Yeah. Nasa'yo pa ba yung binigay ko?" tanong niya kaya tumango ako. "Palagi ko namang dala. Why?" sagot ko.
"Hindi mo naman kasi nakokontrol yan diba? I'm here to train you lalo tuwing linggo. Is that okay with you?" naguguluhan ako sa pinagsasabi niya.
Problema ba nito? Nag drugs na ata 'to?
"Ano bang tinira mo?" kunot noo kong tanong sa kanya, hindi maintindihan ang pinagsasabi."Itetrain kita for self-defense, saka mag coconclude tayo ng iba't ibang sitwasyon na pwede mong ma-encounter kapag nasa labas ka o makatitigan mo yung ibang tao." aniya at huminga ng malalim bago magpatuloy. "Let's say yung nangyari sa elevator sa hotel, nakapagplano ka before that incident at nakapag-isip ka naman pero paano kung hindi umayon sa plano mo? How can you deal with it? Eh hindi naman kami palaging nasa tabi mo, right?" pagkukumbinsi niya sa akin kaya napatango ako.
"Oo nga. Pero ano namang matutulong mo sa'kin? Marunong ka bang mag..." tumayo ako at nag pose ng karate sabay tingin sa kanya.
"Syempre. Lalaki ako, ano ka ba?" aniya at umiling-iling.
Edi wow.
"Osige. Labas na. Matutulog na ko. Goodnight, bukas na lang." wika ko at hinatak ko siya papalabas ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Teen FictionSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...