Epilogue

10 1 0
                                    

Epilogue

*Jace's POV*

Ang kinatatakutan ko lang talaga ay mawala ang mga taong mahalaga sa buhay ko, kaya nga ayaw ko ng magtrabaho pa ng part-time si Haley, yun ay dahil alam kong gabi na siya umuuwi at sa nangyari lang na pagkidnap sa kanya na muntik niya pang ikamatay, hindi ko na hahayaan pang maulit yun pero...

Nasaan na yung kasama ko? Inilapag ko ang hawak kong tray sa mesa namin at sinubukan ipagtanong sa mga taong naiwan dito sa loob ng fastfoord chain baka kasi nag cr lang.

"Miss, nakita niyo po ba yung babaeng nakaupo dito kanina?" tanong ko.

"Ahh, may kausap po sa telepono at mukhang nagmamadaling umalis." sagot nung babae kaya agad akong kinabahan.

Binuksan ko ang aking cellphone at tinrack ang location niya at nakita kong malapit lang yun dito kaya naman agad ko itong pinuntahan gamit ang aking motor.

Pagdating ko doon ay nakita ko ang cellphone at iba pang gamit ni Haley sa damuhan. Mas lalo akong kinabahan. Bakit? Sino ba ang may pakana nito?

Agad kong pinaandar ang aking motor pagkatapos kong damputin ang mga gamit ni Haley upang puntahan ang lugar kung saan siya dinala dati.

Ilang minuto rin ang inabot ng marating ko ang gusali, dahan dahan akong pumasok sa loob ngunit bigo akong makita si Haley. Dahil walang katao-tao dito at parang haunted place na ang dating.

Nakatanggap ako ng tawag kay Tita pagkatapos kong lumabas ng gusali, agad ko itong sinagot. "Jace, si Nathan, hindi sinasagot ang phone niya. Magkasama ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Tita.

Pati ba naman si Nathan? Malamang nasa computer shop lang yun. "Hindi tita." sagot ko.

"Pakitrack nga ang location, Jace. Hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may masamang mangyayari." ani Tita kaya agad ko siyang sinunod.

Tinrack ko ang cellphone ni Nathan pero bigo ako sapagkat naka off ang kanyang phone. Pero sa naisip ko na mukhang gadget yun ay alam kong dala dalawa ang telepono nun. Buti na lang talaga at kinokonekta ko palagi ang phone ko sa kanya.

Ilang sandali pa at may nakita na akong dot sa gps, hudyat na malalaman ko na kung nasaan ang kapatid ko. Kapag ito talaga nasa computer shop, dadagukan ko ito eh.

Tiningnan kong maigi kung nasaan ang kinalalagyan niya at laking gulat ko nang malaman na ilang kilometro lang ang layo niya sa kinatatayuan ko.

San na naman 'to naglimayon. Pano si Haley?

Agad akong nagtulak sa lugar kung nasaan si Nathan at laking gulat ko ng makita ang mga kalalakihan na dumampot kay Haley noon.

Yumuko ako at nagtago at saka ko tinawagan sila tita upang sabihin ang sitwasyon at nangyayari. "Tita, magpasunod po kayo ng pulis sa lugar na itetext ko. Tungkol po ito sa nakaraang pagkidnap kay Haley. Palagay ko po ay hawak din nila ngayon si Nathan para makuha si Haley. Tita, wala na po akong oras, baka kung ano ng nangyayari sa loob."

Saglit na natahimik si Tita ngunit agad ding nagsalita pagkatapos mahimasmasan. "Osige, sige. Mag-iingat ka iho. I-prioritize mo ang kaligtasan niyong tatlo. Yun ang mahalaga, osige itext mo sakin ha, huwag mo kalimutan." ani Tita at binaba na ang phone.

Itinext ko agad sa kanya ang lugar kung saan ako naroroon at dahan dahang pumasok sa loob.

Tahimik akong pumasok sa loob at unti-unting pinatumba ang mga nagbabantay sa labas na para bang secret agent.

Naglakad lakad ako papasok sa loob hanggang makita ko si Nathan na nakatali ang kamay at paa habang nakaupo sa bangko. Tiningnan ko kung may bantay at meron nga, dalawa sila, ang isa ay tulog kaya naman sinamantala ko na at pinatumba ang lalaking gising at saka tuluyang pinatulog ang taong tulog.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon