Chapter 2 Save him
"Bessy, andito ka na." bati ni Miya pagkatapos kong umupo.
Agad ko siyang tiningnan, mata sa mata. Ngunit nakakapagtaka, wala akong makita. Tumingin ako sa ibang mga kaklase ko at nakita ko ang lahat lahat pero bakit kay Miya, wala?
'Baka sadyang hindi tumatalab ang kapangyarihan mo sa mga madaldal na tao.'- P.M.S.
Lupit mo naman. Madaldal ganun na agad.
"Anong problema, Haley?"
"Wala." tipid na sagot ko.
"Ready ka na ba? Reporter ka diba?"
"Bukas pa bes. Huwag OA" sabi ko.
Linapit ko ang mukha ko sa kanya at seryoso ko siyang tiningnan sa mata. Pero wala talaga akong makita. 'Huwag mo kasi pilitin.'-PMS
Agad akong lumayo kay Miya at inayos ang sarili. "Dinadasalan ka na ng kaibigan mo. Mamaya papahiran ka na ng langis niyan." wika ni Bryan.
"Che. Tumahimik ka nga dyan. Kung hindi naman din dahil sa Lola ni Miya baka hindi ka gumaling." sabi ni Miya kay Bryan.
"Joke lang naman. Anyway pasabi sa lola mo, salamat sa mga halamang gamot ha. O pinabibigay ng Mama ko." ani ni Bryan sabay abot ng isang basket ng prutas.
"Nag-abala ka pa." sabi ko
"Wala yan." aniya at bumalik na sa kinauupuan.
Nakaupo kami ngayon sa cafeteria, break na kasi namin at abala ako sa panghuhuli ng mata kung sino mang makakatitigan ko.
'Invasion of privacy. Tsk. Tsk. Tsk.'- PMS
Sa lahat ng nakatinginan ko, isang junior high ang tumawag ng aking pansin.
"Ano bang problema mo ha? Hindi ka naman namin pinapakialaman pagkatapos isusumbong mo pa kami." ani ng isang lalaki sabay tulak sa kanya na sa palagay ko ay kaklase niya.
Tinignan ko ang place at nasa rooftop kami ng A.F. Building. "Mali kasi ang ginagawa niyo. Hindi yun makatarungan. Kami itong aral nang aral pagkatapos kayo mangongodigo lang." buong tapang na sagot ng binubully.
"Aba't sumasagot ka pa ha." sarkastikong sabi ng isa pang lalaki.
Tatlo kasi sila laban sa isa. "Pare gusto atang makatikim." bigla na lamang itong sinapak ng isa sa tatlo hanggang mapahilig ito semento.
"Dahil sa'yo nasuspend kami. Pagbabayaran mo 'to." ani nung pangatlong lalaki at tinulak siya ng malakas. Bumaligtad ang lalaking binubully at nahulog sa gusali. Nagsitakbuhan naman dahil sa takot ang tatlong nambubully.
'Oh My God.'
"HALEY!!!" tawag ni Miya habang niyuyugyog ako.
"Oh. Oh. Bakit?" napadapo ulit ang tingin ko sa lalaking ngayon ay nakaupo sa kabilang table. Pinalilibutan na siya ng tatlong lalaki.
Hala yun yung mga nambully. 'Mambubully pa lang.' -P.M.S
Oo nga pala. Hindi pa nangyayari.
"Tulala ka eh. Hindi ka sumasagot kanina pa ko nagkukwento dito." sagot ni Miya.
"Tungkol san?" agad niya kong binatukan.
"Aray" inda ko sabay hawak sa ulo na binatukan niya. "Hindi ka talaga nakikinig." aniya at sumubo ng pagkain.Sorry naman, pre occupied lang. Natapos ang klase pati na din ang part time ko. Mag gagabi na kaya naisipan kong bumalik ng school para pigilan ang mangyayari.
'Pano kung ikaw ang mapahamak?' -P.M.S.
Hindi naman siguro. 'Huwag ka na lang kayang mangialam' dugtong niya.Hindi ko na kayang walang gawin kung alam kong may masamang mangyayari. 'Nilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan eh. Mag-ingat ka.' -P.M.S.
Concern din naman pala. Naabutan ko ang lalaki sa aking panaginip na papanik ng hagdan. Nakita ko din na kanina pa siya sinusundan ng tatlong lalaki, yung mga bully kaya naman agad ko siyang hinatak at sumensyas na wag siya maingay.
Ilang sandali pa at narinig namin ang yabag ng mga paa ng mga sumusunod na lalaki. Nagtago kami sa haligi, naghihintay na tuluyan silang makaakyat. Nasa ikatlong palapag nang hatakin ko itong lalaking ito.
Sumenyas ulit ako na huwag siya mag-ingay at dahan dahan kaming bumaba. Hawak ko pa rin ang braso niya kung saan ko siya hinatak kanina pero bigla niyang nasipa ang isang bangko kaya nalaglag ito sa hagdan.
"Patay." sabi ko.
"Ano yun?" "Pare nasa baba ata. Nakatunog ang sumbungero." dinig kong sabi ng mga lalaki sa itaas na palapag.
"TAKBO!" sabi ko at mabilis na bumaba. Nakarinig din kami ng sunud-sunod na hakbang pababa kaya mas binilisan pa namin.
Nakalayu layo na din kami sa eskwelahan nang mapansin kong hindi na braso niya ang hawak ko kundi mismong kamay na niya.
Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. "Sorry" sabay naming sabi.'Chancing porket pogi' -PMS
Hindi ah. Bata pa yan.Nakarinig kami ng sunud sunod na yabag tila ba may tumatakbo sa direksyon namin kaya agad kaming pumasok sa isang convinience store at kunwari'y nagtitingin ng kung anong inumin.
"Nakita mo ba sila?" dinig kong sigaw nung isa.
"Wala pare. Nakatakas na. Abatan na lang natin bukas." sagot naman nung isa pa. "Tara na. May araw din yun." wika naman nung isa pa.
Bumili siya ng tubig, dalawa at iniabot niya sa'kin ang isa. "Thanks." sabi ko at ininom na namin ang tubig dahil pareho na kaming hingal na hingal.
"Sino ka? Pano mo nalaman na sinusundan ako nila Jack?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa kung saan.
Nakita ko kasi ang future mo.
'Sige nga sabihin mo' -PMS
Syempre joke lang."Napansin ko lang. May naiwan kasi akong libro dito. Eh napansin ko na may sumusunod sa'yo tapos kakaiba pa yung hilatsa ng mukha kaya hinatak kita baka kasi may mangyaring masama." pagsisinungaling ko.
"Aah, salamat ah. Hindi ko talaga kasi kasundo yung mga yun."
"Basta mag-iingat ka sa susunod." kasi baka nga napigilan ko ngayon pero baka hindi ko na mapigilan sa susunod na pagkakataon. "Kung pwede lang huwag ka umalis mag-isa." dugtong ko.
Nagtagpo ang aming mga mata at nakita ko na talagang hindi siya tatantanan ng tatlong lalaking iyon. "Okay. Salamat sa pag-aalala." aniya.
"O sige. Mauna na ko." wika ko at aalis na sana pero "Anong pangalan mo? Hindi mo man lang ako sinagot kanina." habol niya pagkatapos humarang sa harapan ko.
"Haley. Haley Hamil. Sige, uwi na ko." sabi ko pero sinabayan niya ko sa paglakad.
Hahatid ba ko nito?
'Huwag ka asyumera mamaya mapahiya ka.' - P.M.S "Dito din ba way mo?" tanong ko."Oo eh, kaya sabay na tayo." napatango na lang ako at ngumiti sa kanya. Buti na lang hindi ko sinabi. Mapapahiya talaga ako.
Tahimik kaming naglakad hanggang sa "Libre kitang lunch bukas. Pasalamat lang sa ginawa mo sakin." aniya.
'Sus, pumoporma lang yan. Tumanggi ka.' -P.M.S.
"Wag na. Okay lang yun. It's what you call love for humanity." sabi ko.
'Suspicious Partner pa. Nood pa more. Love for humanity daw? Sabihin mo, di kita type sorry. Talagang di ko lang maatim na hindi ko iligtas yung taong alam kong nanganganib ang buhay.' -P.M.S
Sungit mo, hard mo pa.
"Okay. Dito na ko." wika ko nang mapansin na ibang daan na ang tinutumbok ko.
"Sige, ingat." aniya at kumaway. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Oo nga pala ako ang reporter bukas. Patay anong oras na. Puyatan mode is real.
Shet. Ako nakalimutan ko itanong. Anong name niya. Sows.
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Teen FictionSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...