Chapter 3
"Yan, very good. You explain it well. Ms. Hamil." ani Madam pagkatapos kong ireport ang topic ko.
"Bessy yung totoo, di ka natulog no? Ilang floor na yang eyebags mo oh. Parenta nga condo unit na yan oh. Matanggal man lang yung for sale na isang palapag." agad ko siyang binatukan.
Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko sakto naman tumingin din siya sa'kin.
Nadulas siya sa basang sahig dulot ng natapon na juice ng estudyante at katakut takot na kahihiyan ang nangyari sa kanya sa harap ng crush niya. Patay na.
Sakto ngang natapon na ang juice na nagmamadali na siyang naglakad. Madudulas na sana siya nang hawakan ko ang likod ng damit niya kaya napigil.
"Sheems. Muntikan na si ate." wika ni Miya nang lapitan niya ko.
"Okay ka lang, Miss?" tanging tango lang ang isinagot niya sa akin. "Salamat" mabilis na sabi niya at umalis na.
Napahiya pa din siya kahit di naman nadulas?
'Syempre muntikan na nga eh.'
Pero di naman natuloy eh.
'Kahit na.'
SaucePumasok na kami sa cafeteria at bumili ng pagkain. Pero bago pa man iyon ay "Haley!" ani ng isang pamilyar na boses.
"Lucas!" tawag ni Miya sa lalaking tumawag sa akin. "Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong niya.
"Ah oo, kagabi lang." sagot niya. Kilala daw? Di ko nga siya kilala eh. Niligtas ko siya pero hindi ko alam ang pangalan niya.
"Kayo?" tanong ko naman.
"Ah, kapitbahay ko." napatango naman ako sa nalaman.
"May hindi ka kinukwento sa'kin ah." bulong ni Miya habang papunta kami sa isang table para ilapag ang mga biniling pagkain.
"Sasabay ako ah, wala kasi yung mga kasama ko, abala sa mga girlfriend nila." ani Lucas.
"Okay." sagot ni Miya.
Napatingin ako sa babaeng palagay ko ay kanina pa nakatitig sa akin.
Tumingin ako sa oras, 10 pm. October 3, 2017. Kalye sa likod ng eskwelahan kung saan maraming nakaparadang sirang sasakyan.
"Fred, crush mo oh. Mag-isa lang. Ano? Galawin mo na ba? Tutal sabi mo masyadong pa chix eh, mataray at masama ang pakikitungo sa'yo. Ano Fred?"
"Sige kornerin mo na. Nakaka inip na eh. Gusto ko ng tikman ang masarap na katawan ng babaeng yan." at yun dinala na siya sa madilim na bahagi.
Pagkatapos ay iniwan na siyang tulala at gula- gulanit ang damit. Umiiyak siya at walang nagawa.
"Bessy, Haley!" bumalik ang aking tuliro sa pagtawag ni Miya. "Yow, kanina ka pa tulala? What's wrong?"
'Tell Miya, kung anong nakita mo. Mahirap kapag wala kang kasama mamaya mapahamak ka pa. Mas magandang magkaroon kayo ng plano.'
Oo nga, maganda nga sana kung sasabihin ko kay Miya pero baka hindi niya ko paniwalaan at baka sabihin niyang baliw ako.
'Sus, edi patunayan mo. PRa namang gawa gawa mo lang yang nKikita mo. Tandaan mo rapist ang kakalabanin mo dito. Malamang nakatakas ka dun sa mga bullies dahil hindi ka nila nakita pero eto, pano mo pipigilan sige nga? Malamng maiwas mo siya ngayon kapag sinamahan mo pero pano sa ibang araw. Kapag sinabi mo naman, kukwestyunin ka niyan at baka katakutan ka pa. Sige pano?'
Napaisip ako sa sinabi niya. "Hoy, napipi ka na ba?" sigaw ni Miya sa akin.
"Baka kasi may iniisip si Haley, Miya." ani Lucas.
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Novela JuvenilSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...