Chapter 11 - Maling akala

5 0 0
                                    

Chapter 11- Maling akala

*Lucas's POV*

Dapat ay magkikita kami ni Haley sa isang restaurant ilang metro ang layo mula sa ospital kung saan nagtatrabaho ang mama ko, pero bakit ganun halos dalawang oras na akong naghihintay dito ay wala pa ring Miya na dumadating. Asan na ba ang babaeng iyon?

First date namin baka naman natagalan sa pagpapaganda para sa'kin. Natutuwa ako sa aking mga naiisip at excited na din akong makita siya.

Napagpasyahan kong maghintay pa ng ilang minuto pero bigla akong kinabahan kaya kinuha ko na ang phone ko at tinawagan siya. Walang sumasagot, baka may sakit o baka nagka dysmenorrhea.

Mapuntahan na nga lang sa bahay nila, kaso kung pupuntahan ko baka makwestyon ako ng mga magulang niya. Balita ko'y prangka ang Nanay ni Miya kaya naman natakot ako bigla sa aking binabalak.

Hay nako! Bahala na si Batman. Agad akong nagtulak papunta sa bahay ni Miya. Pagdating ko dito ay madilim ang bahay. Wala atang tao, wala rin ang kanilang sasakyan. Nasaan sila?

Sinubukan ko uling tawagan ang numero ni Miya ngunit bigo pa din ako dahil walang sumasagot. Bukas na nga lang sa school ko siya aantabayanan.

"Kate, narinig mo ba? Naaksidente si Miya. Nakita daw ni Jelly kahapon sa ospital na sinampal si Haley nung nanay ni Miya. Nakakaloka, akala ko mabait si Haley, siya pala ang dahilan kung bakit comatose ngayon si Miya. Poor Miya." rinig kong tsismisan nung tatlo habang inaayos ko ang aking gamit sa locker.

Hinintay ko si Miya na pumasok ngunit lumiban siya ng klase, hindi ko alam kung saan siya pupuntahan sapagkat wala akong ibang alam kung hindi ang bahay lang nila.

"Ano? Bakit anong kasalanan ni Haley? Kaibigan niya iyon diba?" tanong naman nung isa.

May susunod pa akong klase ngunit dahil sa naririnig ko ngayon tiyak na hindi na ako makakapasok.

"Ang balita ko'y nilagay ni Haley sa peligro ang buhay ni Miya, tinulak daw niya para maaksidente."

"Hala, bakit naman niya gagawin iyon?"

"Baka naiinggit, haler mayaman kaya sila Miya."

Hindi na ako nakatiis sa narinig at agad na tinanong kung nasaang ospital naka confine si Miya. Mabilis naman nila akong sinagot kaya nagtungo na ako sa nasabing ospital.

Maraming tumatakbo sa aking isipan. Alam kong mabait si Haley, minsan niya ng iniligtas ang buhay ko kaya imposible.

Pero kung ang pagkakaligtas niya sa akin ang magiging kapalit ng buhay ng babaeng minamahal ko ay hinding hindi ko siya mapapatawad.

Pagkarating na pagkarating ko sa ospital ay nakita ko agad ang kanyang ina sa kanyang tabi. Kumatok ako bago pumasok. Nakasuot ako ng ako ng mask, may nakalagay din sa aking ulo at naka asul din ako na damit na galing sa nurse station.

Kitang-kita ko ang sinapit ni Miya. May galos pa siya sa iilang bahagi ng katawan, may tubong nakalagay sa kanyang bibig at marami din sa kanyang nakatusok na karayom gawa ng swero.

Hindi ko na napigilang umiyak. Kung sana ay aware ako sa mga nangyari, kung sana ay sinundo ko na lang siya sa kanila at hindi na ako namili ng place para magkita kami, kung sana ay hindi na lang kami nagkita kagabi, kung sana ay kasama niya ako kahapon para hindi siya nalagay sa ganyang kundisyon.

"Sino ka, iho? Kilala mo ba ang anak ko?" tanong ng nanay ni Miya.

"Opo. Kaibigan ko po siya at kapit-bahay niyo po ako." sagot ko.

"Malapit ka ba sa anak ko?" opo naman, ako ang boyfriend ng anak niyo.

Tumango ako bilang sagot. Siguro ako naman ang may karapatang magtanong. "Ano pong nangyari kay Miya?" tanong ko habang nakatayo pa rin. Tumayo si Tita para lumebel sa akin at iginiya niya ako papalabas. Sa labas kami nag-usap. Umupo siya sa isa sa mga nakahilerang upuan at ako naman ay umupo sa kanyang harapang upuan.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon