Chapter 10 - Condition

8 1 0
                                    

Chapter 10- Condition

*Haley's POV*

"Miya!" sigaw ko. Teka nasaan ako? Bakit ang bango? Bakit sobrang lambot ng kutson. Nasaan ako?

'Sorry. Ako muna ang umeksena kagabi.'
ANO? Kaninong bahay 'to?
Anong nangyari kay Miya?
'Nasa ospital na siya naka confine. Kay tito Gabriel itong bahay.'
At sino naman iyon?

"Bakit anong nangyari kay Miya?" nagulat ako sa lalaking bigla na lamang pumasok kaya natigil ang pag-uusap namin ng boses na naririnig ko.

Kinuwento ko sa kanya ang mga natandaan ko kagabi pero bago siya sumagot ay "Teka, sino ka ba? Haley o Chelsey?" naguluhan ako sa tanong niya? Bakit may choices?

"Sino si Chelsey?" tanong ko kay Jace. "At anong ginagawa mo dito? Pati na rin ako? Bakit ako nandito?"

'Chelsey is my name not P.M.S.'
Eh bat ngayon mo lang sinabi?
'Haley nga kasi ng Haley, eh magkaiba naman tayo ng pangalan.'

"Anong nangyari kagabi?" seryosong tanong ko kay Jace.

Alas singko pa lang ng madaling araw at masyado akong naguguluhan sa mga nangyayari. Ang dami kong tanong na nangangailangan ng matinong kasagutan at sa tingin ko ay si Jace lang ang makakasagot nito.

"You're in our house, my father's house. Kinuha ka namin kagabi kasi nabalitaan namin na sumakabilang buhay na ang lola mo. Ang mama mo ay nandidito din at nakakalungkot mang sabihin ay nagkasagutan at nagkasakitan kayo kagabi."

'Sorry my bad.'
Anong ginawa mo?
'Ipinagtanggol ka, sinisisi ka kasi sa nangyari sa lola mo, eh mali naman ata yun. Makatikim nga.'
Pero sana ay hindi mo ginawa. Nanay ko pa rin siya.
'Bakit? Nanay ko ba yun?'
Kaya nga, sana nirespeto mo na lang bilang matanda kung hindi mo marespeto bilang nanay ko.
'Sakit naman. Sorry.'

"Kamusta na si Mama? Okay na ba siya? Galit pa ba?" nag-aalala kong tanong.

"Hindi ko lang alam, Haley pero nag-usap na sila ni Daddy kagabi." paliwanag niya kaya kahit paano ay kumalma na ako.

"Si Miya, anong nangyari?" nagtataka niya akong tinignan, tila ba hindi alam na may nangyari sa kaibigan ko.
'Hindi niya alam yun. Tinawagan ko siya after.'

"Ano bang nangyari?"

"Sa pagkakatanda ko ay nasagasaan siya ng sasakyan dahil sinagip niya ako.

"Malamang ay nasa ospital pa rin yun kung saan mo dinala ang lola mo. Puntahan na lang natin mamaya." wika niya kaya sumang-ayon ako.

"Magprepara ka na at papasok na tayo sa eskwela." ngayon bumalik ang alaala ko sa nangyari kay Lola. Wala na talaga siya, siya ang palaging gumigising sa akin at nagpeprepara ng aking kakainin tuwing papasok sa eskwela. Wala na talaga siya....

'Haley, hindi maibabalik ng luha mo ang buhay ng lola mo. Kung ako sa'yo mag-aaral akong mabuti para naman masuklian ko ang lahat ng kabutihang ipinakita ng lola mo. Alalahanin mo rin ang suporta niya dahil gusto niya talagang maging isa kang guro. Kaya sana, huwag ka panghinaan ng loob.'

"Okay lang yan. Nandito ka na sa'min." wika ni Jace at naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likod.

'Bakit ang sweet niya sa'yo samantalang sa'kin parang di naman tinablan. Parehong katawan naman ang gamit natin.'

Nagtaka ako sa sinabi ni Chelsey Anong ibig mong sabihin?

'Sikretong malupit.'

"Anong ginawa sa'yo ni Chelsey?" biglaan kong tanong kay Jace.

Napahawak siya sa likod ng kanyang batok at napangiti sa akin. Hala! Anong klaseng reaksyon 'to?

"Madami." tipid na sagot niya at biglang tumayo.

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon