Chapter 22 - Abduct
"Ma, anong nangyari sa'yo?"
Itinuro niya ang gamot niya habang hinahabol ang kanyang hininga. Agaran ko itong kinuha at nakita kong inilagay niya iyon sa bibig niya. Nebulizer? May asthma si Mama?
Ilang minuto pa at bumalik na din sa dating kulay ang mukha ni Mama. "Ano po bang nangyari kasi?" tanong ko at kinuha ang aking panyo upang punasan ang kanyang pawis.
"Nag brown-out kasi, eh sobrang init tapos hindi ko na nakayanan." ani Mama.
"Bat di niyo tinawag yung katulong para humingi kayo ng tulong? Hindi yung halos maglupasay na kayo sa lapag, makuha lang yung gamot niyong nasa ibabaw ng aparador." sita ko. "Dapat kasi nasa katawan niyo yang gamot niyo dahil hindi niyo alam kung kailang kayo aatakihin ng sakit niyo." dagdag ko pa kaya napayuko ang kanyang ulo.
'Pano manghihingi ng tulong, eh kinakapos na nga sa hininga? Eng eng ka din eh noh?'
"Sorry."
"Maayos na po ba ang pakiramdam niyo?" tanong ko at tumango naman siya.
Kumuha ako ng tubig at inabutan siya. Agad naman niya itong ininom.
Hinawakan ko ang noo ni Mama at wala naman siyang lagnat. Sadyang inatake lang talaga ng asthma.
Hiniling ni Mama na huwag ko ng sabihin pa kela Tito ang nangyari sa kanya kaya pumayag ako, kung dun siya masaya. Edi go.
Ilang sandali pa at dumating na sila Jace, sumunod naman si Nathan at si Tito Gabriel.
"Haley, sa likod mamayang 9 pm." ani Jace bago pumanik ng hagdan kaya tumango ako.
Nauna ako dun sa garden at maya-maya pa ay may taong dumikit sa akin at tinutukan ako ng kung ano sa tagiliran. Kaya naman agad kong inapply ang natutunan ko sa tinuro niya kahapon.
"Gotcha!" sabi ko ng mapatumba ko siya.
Napainda siya sa sakit at halos mamaluktot nang subukang tumayo kaya "Hala, sorry. Ayos ka lang?" tanong ko at inalalayan siya na umupo sa bench.
"Sa tingin mo, ayos lang ako?" sarkastikong sabi niya.
"Sorry po." sabi ko at minasahe ang kanyang likod sabay sabing "Okay ka naman, arte mo. Bato bato ka naman eh."
Humarap siya sa akin at saka nagsalita. "Okay na ko, ang importante alam kong tanda mo pa rin yung mga tinuro ko." nakipag high five ako sa kanya kaya tinanggap niya din ang kamay ko.
"Yes. So hindi na tayo magpapraktis?" tanong ko at pinagpagan ang kanyang likod, may naiwan pa kasing mga damu-damo.
"No. Mamaya makalimutan mo. Si gabi gabi pa ring may praktis." sagot niya na siyang ikinalungkot ko.
Sa halip kasi na matutulog na ko ay may ganito pang trip itong lalaking ito, manonood pa ko ng mga korean. Hindi na ko updated simula nung mamatay si Lola. Ang dami na ding problemang dumating.
Namimiss ko na tuloy ang lola ko.
"Uy, ayos ka lang? Bakit lumungkot ata yang mukha mo?"
"Namimis ko si Lola." tinapik niya ang balikat ko.
"Okay lang yan. Kasama naman na siya ni Lord." nanatili akong tahimik kaya nagsalita siya ulit "Siya nga pala, bati na ba kayo ni Tita?" tanong niya.
"Sakto lang. Casual ganun." sagot ko kaya tumango siya.
Doon natapos ang gabi namin ni Jace, pinatulog niya na din ako sa wakas. Kinaumagahan ay nakita ko si Mama na abala sa paglalagay ng pagkain sa baunan. Para siguro kay Nathan.
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Teen FictionSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...