Chapter 17 - Unexpected Visit

4 0 0
                                    

Chapter 17 - Unexpected visit

"Siguro naman makakahinga ka na ng maluwag." wika ni Jace habang nakapila kami dito sa school upang mag enroll para sa ngayong sem.

Katatawag ko lang kay Miya at nalaman kong magpapalate enrollee siya dahil kailangan niya pang manatili sa ospital sapagkat may test pang gagawin ang mga doctor sa kanya upang malaman kung gumaling na ba siya ng tuluyan.

"Siguro." wika ko pero deep inside masaya talaga ako kahit puro bugbog ang inabot ko sa ospital ay alam kong ligtas na sa kapahamakan ang kaibigan ko.

Ang tanging dasal ko lang ngayon ay sana tuluy-tuloy na ang paggaling ni Miya.

"Hala. Ang pangit ng schedule ko." ani Jace habang hawak-hawak ang registration form niya.

Kinuha niya ang akin at pinagkumpara ang mga subjects namin pati ang oras nito. "Hindi tayo magkaklase?" paghihysterical na sabi niya.

"Oh?" gulat na sabi ko at kinuha ang form niya pati form ko. "Hala!"

"Teka, papapalit akong oras." aniya at akamang tatalikod upang bumalik sa office.

"Okay na yan. Magkasama naman tayo sa bahay. Masyado kang possessive."

"Kahit na. Pano kung may mangyari na naman sa'yo?" di ko na siya napigilan at naglakad na pabalik sa office.

Hinintay ko siya at umupo muna sa shed. Malungkot siyang bumalik pagkatapos ng ilang minuto. "Nakakainis. Hindi na daw pwede dahil puno na ang klaseng kinabibilangan mo."

"Sabi ko sa'yo. Okay na yan. Hindi naman pwedeng palagi tayong magkasama dahil baka maging dependent tayo sa isa't isa." saad ko at tumayo na.

"yun nga yung maganda eh." bulong niya pero narinig ko. Hinampas ko ang likod niya kaya napaaray siya.

"Sorry." naalala ko may mga pasa pa pala dyan dahil sa ginawa ni Tita Lilian.

"Ang sakit." aniya kaya hinagod ko ng dahan dahan ang likod niya. Pag-uwi namin ay nilagyan ko kumuha agad ako ng yelo.

Hindi ko siya naasikaso kagabi dahil dumiretso siya sa kwarto sapagkat inaantok na daw siya. Kanina ko lang maaga nakita na may mga pasa pala siya. Kung hindi pa ako pumasok sa kanyang kwarto ay ililihim niya pa sa akin iyon.

"Tanggalin mo yung t-shirt mo." utos ko kaya hinubad niya ito.

"Gusto mo lang makitang topless ako eh." nakangisi niyang sabi kaya hinampas ko ang braso niya.

Nasa kwarto niya ako at dala ko ang medicine kit pati na ang cold compress.

Nakita ko ang mga pasa ngunit ngayon ko lang napansin na may iilan din pala siyang sugat at gasgas sa likod at sariwa pa ito.

"San galing 'to?" tanong ko.

"Sa singsing yan nung nanay ni Miya. Ewan ko ba bakit tadtad ng singsing ang daliri nun. Isa lang naman dapat para sa wedding ring nila ng asawa niya. Mga babae talaga hindi ko maintindihan." aniya habang nakatalikod sa akin.

Nilagyan ko muna ng betadine ang mga sugat at gasgas bago ko ipinatong ang cold compress sa kanyang likod. "Hapdi!" inda niya.

"Tiisin mo. Bida bida ka kasi. Masasaktan ka naman din pala." utas ko.

"Okay na kong masaktan, kaysa naman ikaw. Hindi ko kaya kung yun ang mangyayari." natameme ako sa sinabi niya.

Mabuti na lamang at hindi ako nakaharap sa kanya dahil pakiramdam ko ay nag iinit ang pisngi ko. "Tapos na ba?" tanong niya at umambang haharap na.

"Hindi pa. Stay put ka lang dyan." napatingin ako sa katawan niya.

'Yummy ni Baby Jace. Sexy back.'

Knowing EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon