Chapter 21 -
*Jace's POV*
"Where are the documents, son? Pinirmahan mo na ba?" patay na.
Alam kong hinihintay na ni Daddy ang mga dokumento para maging legal na ang pag-ampon niya sa akin kaso talagang nagdadalawang-isip ako kung pipirmahan ko ba o hindi.
Kapag pinirmahan ko, magiging tunay ko ng ama si Daddy at alam kong matutuwa siya kapag nangyari yun. Matutuwa din naman ako kaso... si Haley, gusto ko si Haley, kung magiging anak nga ako ni dad, magiging step brother niya na talaga ako dahil kay nathan. Ayoko, ayoko siyang maging kapatid kasi gusto ko siya, mahal ko siya.
Hindi pwede, alam ko rin naman na naguguluhan lang itong si Haley at nagpipigil dahil akala niya'y anak talaga ako ni Dad. Pero sa totoo lang ay hindi talaga. Anak ako ni mama sa ibang lalaki. Buntis na siya nang magpakasal sila ni Dad at huli na nang malaman yun ni Daddy.
Pasalamat na lang ako at hindi niya ako itinuring na iba at kinuha pa din dahil wala namang maipagmamalaki ang mama ko noon. Ayaw din mga magulang ni mama sa akin, na siyang kumupkop sa kanya noon, dahil bastardo daw ako at lalong hindi nila tanggap ang biological father ko kaya ako napunta kay Dad.
Oo, magulo pero ayan ang istorya ng buhay ko. Hirap akong i-open up yan sa iba lalo na kung yan lang talaga ang pag-uusapan namin.
Nagmano muna ako sa kanya at hindi muna siya sinagot. Umakyat ako at nagbihis bago muling bumaba.
Naabutan ko silang nakaupo na sa dining table at nag-uumpisa ng kumain. Tumabi ako kay Haley, tulad ng dati kong pwesto.
"Hindi mo pa ko sinasagot anak. Kailangan ko ng maprocess yun dahil hinihintay na din ng lawyer natin." panimula niya.
Hindi talaga nagpatinag si Daddy. Akala ko ay titigil na siya sa pangungulit pero mukhang wala ata akong magagawa. "Sorry dad, hindi pa po." sagot ko na siyang ikinakunot ng kanyang noo.
"Why? Is there any problem? Ayaw mo na ba kong maging tatay mo?" ayan na nga ba yung sinasabi ko, ayokong magkaroon kami ng misunderstanding pero mukhang doon patungo ito.
"I like Haley, Dad." napanganga si Dad sa sinabi ko.
"What?" hindi makapaniwala niyang sabi.
Napatingin ako kay Haley na ngayon ay nagtakip ng bibig. Nagulat din ata.
Bumalik ang tingin ko kay Daddy at nakita kong kinakalma niya ang kanyang sarili. Si Tita naman ay nagulat din dahil nabitawan niya ang hawak niyang kutsara habang si Nathan ay naka thumbs up sa akin.
"Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo, Jace?" mahinahaong tanong ni Daddy.
Tumango ako bilang sagot. "Ever since I've met her, I don't look at any other woman. I like Haley, Dad. And I think I'm falling in love with her." seryoso kong sagot at tumingin kay Haley na ngayon ay nakahawak na sa kanyang ulo.
"Hindi ka na nahiya sa Tita mo." galit na giit ni Daddy at napahampas sa mesa pagkatapos tumayo.
"Si Haley lang ang makakasagot niyan, Gabriel. Kung gusto siya ni Haley, wala na tayong magagawa sa mga bata, pero kung hindi, ikaw na ang magdesisyon Jace, kung papayag ka ba na parehong mawala sa'yo ang taong mahal mo o ang pumili ng isa at yun ay daddy mo para sa future mo." pahayag ni Tita.
"Tama. Answer it, Haley. Do you like my son?" matigas na sabi ni Daddy habang nakatitig kay Haley. Bigla na lamang inilugay ni Haley ang kanyang buhok na kanina'y naka pony tail at sinuklay niya ito gamit ang kanyang kamay.
Para bang nasa commercial ng shampoo sabay sabing "Of course tito, I love my baby Jace." ani Haley sabay smirk.
Teka...
BINABASA MO ANG
Knowing Everything
Teen FictionSasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko m...