Rain's POV
Pagkatapos naming maglaro ay nanood kami ng movies. Grabe di ko paden makalimutan ang nangyare kanina sa truth or dare namin. Yung mga batang yun nakooo ang bata bata ganto na yung mga naiisip.
Flashback
"Hmmm ano kaya?" tanong ni Nico..Ide-dare niya kase ang kuya niya pero wala siyang maisip na magandang dare para rito. Nang biglang bumulong sa kaniya si Tiff.
"Aha! great idea Tiff" sabi nito at nakipag-apir kay Tiff.
Kinakabahan naman ang mukha ni Rain kase hindi niya alam ang dare ng kambal na ito samantalang nanatiling naka poker face si Bipolar.
"Okay this is it. I dare you kuya to kiss ate Rain's cheeks at sabihin mong mahal mo siya." sabi ni Nico. Nagulat naman si Rain at nakita niyang nanigas din sa kinauupuan si Reign. Pero dahil dinare nga ang binata dahan-dahan itong lumapit kay Rain at mabilisang hinalikan ang pisnge nito at pagkatapos ay sinabihan siyang "mahal kita".*End of flashback*
Narramdaman kong uminit ulit ang mga pisnge ko. Nako buti nalang at nakapatay ang ilaw baka asarin pa ako ni Bipolar kapag nakita niya na ganto ng itsura ko. Tinakpan ko yung mukha ko tas tumingin ako sa gilid ko at nakita kong nakatingin sa akin si Bipolar.
"What?" maarteng tanong niya.
Anong what eh siya nga tong nakatingin sa akin."Hmmm.Wala" sabi ko
"Tsss baka naman iniisip mo yung nangyare kanina." huminga siya ng malalim at binasa niya ang labi niya.
"Wag mo nang isipin yun that's a dare. Only a dare." pahabol niya."That's a dare. Only a dare."
"That's a dare. Only a dare."
"That's a dare. Only a dare."
"That's a dare. Only a dare."
"That's a dare. Only a dare."
Ewan ko ba alam kong tapos na siyang magsalita pero naririnig ko paren yung nga sinabi niya.
Tch. Oo nga naman. It's just a dare! A freaking dare!!!
Oh wow Rain umasa ka nanaman ba? Bigla ko nalang naramdaman na nagtutubig ang mga mata ko.
Kaya lumabas muna ako sa kwarto.*-Third person point of view-*
Lumabas si Rain sa kaniyang kwarto at nagulat naman ang kambal dahil nakatutok sila sa telebisyon.
"Bakit siya umalis??" tanong ng kambal at sabay tumingin kay Reign. At tanging kibit balikat na lamang ang nasagot ng binata.Sa kabilang banda naman ay pumunta si Rain sa swing at umupo at doon niya binuhos ang nagbabadyang luha niya.
"Oh umiiyak ka na naman" Napalingon ang dalaga para hanapin ang boses na iyon at nakita niya si Cloud. Napatayo naman ang dalaga sa gulat kung papaano nakapunta doon ang binata.
" P- paano ka nakapunta dito?"
Tanong nito sa binata. Natawa naman ang binata sa reaksyon ni Rain.
" O easy Ulan. Nag over da'bakod ako eh. De joke lang. Napadaan lang ako sa bahay niyo tas kakausapin ko sana si Lolo pero wala e umalis na" paliwanag nang binata sa dalaga. Napatango naman ang dalaga bilang sagot."So bakit ka umiiyak?" Tanong nito
"Ewan ko. Tara akyat tayo."
Yaya nito sa binata ngunit gusto pa ng binata na makasama ang dalaga kung kaya ng patayo na ito ay sinalubong niya ito ng yakap."C-cloud????" Nagtatakang tanong ng babae.
"I missed you so much." sabi nito at napangiti naman ang dalaga.
"I miss you too Cloud." sabi ng dalaga at naramdaman niya na humigpit pa lalo ang yakap nito sa kaniya.
Napangiti naman ang binata ng marinig niya ang tinig ng dalaga.
"Akyat tayo?" Sabi nito sa Binata. Pero umiling lamang ang binata at nagpaalam na sa dalaga.
****Rain's POV****
Yayayain ko sana si Ulap pero ayaw niya sayang naman.
Kinapa ako ang mukha ko at naramdaman kong malagkit na ito dahil siguro sa luhang na tuyo kaya ganto. Pumunta muna ako sa kusina at naghilamos ng mukha. Umakyat na ako sa taas at nakita ko na patapos na abg pinapanood nila nga pala The Boy ang pinapanood namin.*spoiler alert*
The Boy. Akala ko na katatakutan yun kase yung lalaking manika (na syota ata ni Anabelle) gumagalaw pero ang totoo ay may nag kokontrol sa kaniya.
And its for you to find out.A/N: Oh my geeee ang spoiler mo! -________________ -
So yun nakahiga na si Tiff sa higaan ko tas yakap niya si Bobob tas si Bipolar at Nico naman naka-upo paden sa lapag.
"Ate saan ka galing??" Tanong ni Tiff.
"Ah uminom ako ng tubig ka--""Nakita ko si kuya Cloud. Kanina magkayakap kayo. May something ba sa inyo ate??" Hindi na ako naptapos sa pagsasalita umepal na naman kase si Nico. At andun pa siya sa part na niyakap ako ni Ulap kase miss niya na ako.
Tinignan ko si Bipolar na nakatutok lang sa Tv at parabg hindi naman niya concern ang pinag-uusapan namin.Umasa ka na naman.
Alam ko. Umasa na naman ako. Umaasa na meron siyng mararamdaman sa akin kahit katiting lang. Umaasa na baka pedeng kumunot man lang ang noo niya habang pinag-uusapan ang mga bagay na yun. Oo! Gusto ko siyang nagselos!!! Pero walang epek. Wala den siyang pake."Ah wala si Ulap kase kakauspin sana si Lolo kaya nga lang wala si Lolo. At niyakap niya ako kase namimiss niya na daw ako at walang something sa amin" Sabi ko habang nakatingin kay Nico. Bwusit na batang to sarap tapalan ng masking tape sa bunganga.
"Okay. Bawal naman kase na magka something kayo ni Kuya Cloud ate kase you know engage ka kay Kuya" Sabi pa nito.
Gusto ko sanang sabihin na " Eh ano naman? Yang kuya mo ngang yan mag Gf e si Kath. Tas ako pinagbabawalan nyo ako na magkaroon ng something kay Cloud. Aba Wow" *insert babalu's voice*Kaysa magkaroon ng maraming satsat si Nico tumango nalang ako bilang pagsasang-ayon sa sinabi niya. Nakoooo pag ako nabanas pag uuntugin ko yang ulo ng mag kapatid na yan.
Kairita.Nang matapos na ang movie ay nakatulog na si Tiff dun sa higaan ko at nakatulog naden si Nico sa lap ng kuya niyang Bipolar. So actually at this moment kami nalang ni Bipolar ang gising. Tumingin sa akin si Bipolar sinamaan ko naman siya ng tingin..
"Look about sa sinabi ko kanin--"
"No. Its okay Good night."
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at di ko narin siya pinakinggan.
Natulog na ako.
BINABASA MO ANG
Marry Me
Teen Fiction#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.