Rain's POV
"Rain!!!!" Narinig kong tawag ng isang babae sa akin, tingin ko si Kath to.
Ayaw kong lumingon.
"Cloud!!" sigaw ni Kath kaya naman napatingin sa kaniya si ulap.
Wala na akong choice kundi lumingon.Nakita ko si Bipolar na nakakunot ang noo na para bang sinasabi niya na "Anong ginagawa mo dito??"
At nakakainis ang mga titig niya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay."So guys anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Kath.
"Wal-"
"Naglibot kami ni Ulan, We're having a date actually." sabi ni Ulap kaya napatingin ako sa kaniya tas nag smile naman siya sa akin.
"Mmm, Sama kayo kakain na kami ni Reign." Sabi ni Kath at tumingin siya sa amin habang tinataas baba ang kilay niya.
Tinignan naman ako ni Ulap.
Tumango naman ako sa kaniya tas tinaasan niya ako ng isang kilay na para bang sinasabi niya na "sure ka na ba?" kaya tumango ako ulit tas tumango naman siya sa akin."Okay sasama na kami ni Ulan." Sabi ni Ulap tyka bigla niya akong inakbayan.
Nag smile naman sa amin si Kath tyaka kami niyaya papunta sa restaurant.
Ganto yung pwesto namin.
---Kath--Reign---
-----LAMESA-----
---Cloud--Me---^ Yan use your imagination!!!
Nang matapos na kaming kumain ay inilabas ni Kath ang phone niya.
"Guys picture!!" kaya napatingin naman kami ni Ulap sa kaniya.
"Bagay kayo" sabi pa ni Kath sa amin.
"Kath yung akin din." Sabi ni Ulap sabay binigay niya yung phone niya kay Kath at bigla niya akong inakbayan kaya nag peace sign ako tas nakapogi sign naman si Ulap.
"Ang cuteee!!" tili ni Kath kaya
napangiti naman kami ni Ulap.
Napatingin naman ako kay Bipolar at nakita ko siyang nakatingin sa labas habang sipsip ang straw."Kami naman ni Hon!" sabi ni Kath at biglang inabot yung cellphone niya sa akin.
Napataas naman yung isa kong kilay at binaba ko din agad.
Bat ako ang magpipicture?
Tinitigan ko ang cellphone ni Kath at huminga ng malalim.
Okay pipicturan ko na sila.Tinapat ko sa kanila yung cellphone "Oh harap dito" sabi ko at bigla naman silang humarap at nag smile.
Clinick ko yun ng maraming beses, mga limang beses ata.Inabot ko na agad kay Kath ang cellphone niya at baka mai-bato ko pa yun ng wala sa oras.
"Ang cute natin dito hon o" sabi ni Kath at pinapakita niya pa yun kay Bipolar, tango lang naman ang nasagot ni Bipolar.
Naramdaman ko nalang na nilapit ni Ulap yung bibig niya sa tenga ko at may binulong.
"Ngumiti ka naman.... Halatang selos na selos ka eh." Tinignan ko naman si Ulap at nag smile lang siya sa akin sabay kibit balikat. Ngumiti din ako sa kaniya- yung ngiting sarcastic...
Mamaya-mamaya din ay tumayo na si Kath at Bipolar, kaya tumayo nadin kami ni Ulap.
"Thank you for accepting my invitation... Next time ulit ah Rain and Cloud." sabi ni Kath.
Next time? Wala nang next time.
"Thank you din. Mauna na kami ni Rain. Bye Kath. Tol una na kami." sabi ni Ulap at nag smile nalang ako kay Kath at namaalam na din sa kanila.
Finally! Nakaalis na din ako dun.
Binilisan ko na ang lakad ko."Hey!! Wait up!!!" napalingon naman ako dun sa sumigaw.
Oo nga pala I'm with Ulap.
Tinignan ko siya at nakayuko siya na para bang hingal na hingal kakahabol sa akin.Kaya lumapit ako papunta sa kaniya.
"Sorry!" tumingala naman siya sa akin kaya nag peace sign ako (^_____^v)
Umayos naman siya ng tayo.
Tas tinignan ako ng masama.Oh what now.
"Grabe ang bilis mong tumakbo!" sabi niya at inilagay niya yung dalawang kamay niya sa bulsa niya at tuluyan ng naglakad papalayo.
Kaya ako naman ngayon ang hahabol sa kaniya.
Nang naglalakad ako ay bigla siyang tumigil kaya naman tumama ako sa likod niya."Aray!" sigaw ko at hinawakan ko yung ilong ko.
Hala baka na plat na yung ilong ko!!Tumingin naman siya sa akin
"Bakit?" Inosenteng tanong niya."Hinto ka kase ng hinto.. Tumama tuloy ako sa likod mo" Inis kong sabi sa kaniya at tumawa naman siya.
"Edi sorry" sabi niya habang nakangiti.
May nagsosorry ba na nakangiti?! Halatang hindi sincere ang paghingi niya ng sorry.
"Laro nalang tayo sa World of fun" Sabi niya habang tinataas baba ang kilay niya.
"Libre mo ba ang tokens?" Tanong ko tas tumango naman siya kaya hinila ko na yung kamay niya papunta sa world of fun.
This is going to be fun😄.
"Aish!! Di ko makuha!!"
Pag-aalburuto ko. Paano ba naman kanina ko pa kinukuha yung stuffedtoy na yun pero kapag iaangat na siya biglang dumudulas -____-" Ang cute pa naman nun.Tumingin naman sa akin si Ulap at natawa.
Anong nakakatawa?!
"Chill. Ang init kaagad ng ulo nito. Mag try ka naman ng ibang laro, kanina ka pa andiyan simula ng pumunta tayo dito. Try mo yung basketball dun oh." Sabi niya sabay turo dun sa kabilang dulo para makapaglaro ako ng basketball.
"Okay." Sabi ko kay Ulap at tinignan muna ng masama yung machine bago ako tuluyang pumunta sa shootan ng basketball.
Nilusot ko na ang token at biglang natanggal ang harang ng mga bola. Meron ditong pitong bola. Kinuha ko yung isa tas shinoot ko. Napanguso naman ako ng hindi iyon pumasok.
Kinuha ko ulit ang pangalawa at pangatlong bola at na shoot
naman ito at lahat ng natira ay hindi ko na napasok.Umikot pa ako sa loob at naghahanap ng kung ano pa ang magandang laruin.
Nang biglang sumama ang pakiramdam mo. Ayokong magkasakit -3-
"Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Rinig kong sabi ni Ulap kaya ng tumingin ako sa kaniya nakita ko na ang dalawa niyang kamay ay nakatago sa likod niya.
Anong trip nito.
"Ano yan?" Tanong ko sa kaniya at bigla niya naman pinakita yung laruan na kanina ko pa pilit na kinukuha pero hindi ko makuha.
Binigay niya naman sa akin yung laruan at ngumiti."Paano mo nakuha?" Tanong ko sa kaniya.
Nag kibit balikat naman siya at tyaka sinabing "I have my ways" Tas niyaya niya na akong lumabas sa WOF.
"Thank you Ulap!!!" Sabi ko at nag smile naman siya.
"Your welcome Ulan.. Uwi na tayo?" tanong niya at tumango naman ako.
A/N: Kyaahhh ang sweet ni Ulap noh bwhahahahaha!!
*DON'T FORGET TO COMMENT, SHARE AND VOTE*
IPAGPAPATULOY~
![](https://img.wattpad.com/cover/108803462-288-k468778.jpg)
BINABASA MO ANG
Marry Me
Teen Fiction#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.