Chapter 16

503 10 4
                                    

Basta mamayang gabi kailangan niya nang malaman ang nilalaman ng puso ko.

Kailangan na niyang malaman na mahal ko siya.

Hindi ko alam kung worth it ba yung gagawin, pero gusto kong subukan.

🎶And darling I will be loving you till we're seventy🎶

Napatingin ako sa phone ko.

Calling: Ulap

Sinagot ko yung tawag ni Ulap.

"Yowwww!!!! Rain????" bati nito

"Hi. Bakit?"

"Busy ka ba"

"Hindi naman. Bakit?"

"Samahan mo ko"

"Saan?"

"Kain tayooo!"

"Libre mo?"

Mga limang minuto din yung walang sagot sa telepono.

"Haist fineeeee"

"Aba ano Ulap napipilitan?"

"Hahahahahaha hindi ah. Ano tara?"

"Sige."

"Good, baba mo na"

at kagaya ng sinabi niya binaba ko na yung phone ko.

Napatingin muna ako sa salamin at ngumiti.


"Tulala ka" napatingin naman ako kay Ulap. Kasama ko siya ngayon nasa park kami.

"Wala. May iniisip lang ako" sabi ko aa kaniya at agad namam siyang ngumiti.

"Uhmmm ulan?"

"Hmmm?"

Nang bigla siyang tumingin sa akin at kumamot ng ulo.

May kuto ba to? Tsss

Tumingin siya sa akin at ngumiti
"Wala. I'm so lucky to meet you" sabi niya at tumitig ng diretso sa mga mata ko.
Ngumiti ako sa kaniya at ginulo ko ang buhok niya "Ang drama mo ngayon ah. Hahahaha. Ako din naman masaya ako at nakilala kita." Natawa nalang din siya at nagyaya ng umuwi.

"Thank you" sabay naming sabi ng nasa harap na kami ng gate namin. Binuksan ko iyon at umuwi na si Ulap.

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko si Bipolar na naka-upo at nakasimangot sa akin. Ano ginawa ko dito? -,-

"Lumabas ka na naman, kasama si Ulap mo" Sabi niya at talagang diniinan talaga niya yung "ulap mo".

"Ha? Ano ba yang iniisip mo" Ikaw nga ang mahal ko eh.

"Tch" sabi niya at biglang tumayo "Alam mo itigil na kaya natin tong kasal na to" sabi niya at di ko alam pero bigla nalang nag tubig ang mga mata ko.

"Ano? Sagot." sabi niya.

"Reign" sabi ko at nilingon niya naman ako. Tinignan ko siyang diretso sa mga mata niya.
"Ikaw yung mah--" Natigil ang pag-amin ko ng biglang may kumatok.

Tinignan muna ako ni Bipolar at naglakad siya paalis para buksan ang pinto. Pagkabukas niya..

"Hon!!!!!!!" tili ng isang babae at agad na niyakap si Bipolar.
Eto ata si Kath...

"A-anong ginagawa mo dito?" sabi ni Bipolar kay Kath, tumawa naman si Kath at hinalikan siya sa pisnge "Duh I'm here to visit you cause I miss you" Seryosong tugon ni Kath at tumingin siya sa akin.
"Sino ka?" Tanong niya habang nakangiti at nakatingin kay Bipolar.

"She's my ---" Hindi natapos ang sasabihin ni Bipolar nang biglang nagsalita si Kath.

"Oh I know her. She's your cousin. She's pretty. Hi there I'm Kath, Reign's girlfriend."
Sabi niya habang inaabot ang kamay niya sa akin.

Masarap sanang ngumisi at sabihing "Oh hi there Reign's girlfriend I'm Reign's FIANCE. Kakasal na nga kami eh eto invitation mo attend ka ah"
Pak ganun. Kaya nga lang ayoko din naman siyang saktan.

"I'm Rain its nice to meet you" sabi ko at tyka tinanggap ang kamay niya.

Ngumiti siya sa akin at muling tumingin kay Bipolar.

"So, are you staying here?" Tanong ni Bipolar sa kaniya

"Do you want me to?" Patanong din na sabi ni Kath at hindi makasagot si Bipolar.
"Kidding! Alam ko naman na gusto mo akong makasama, pero I have my hotel honey." Sabi niya at agad na hinalikan sa pisnge si Bipolar. "I'm going. Nice to meet you Rain." sabi niya at hinatid naman ni Bipolar si Kath.

Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon