Rain's POV
Nagising ako kase nasapak ako ni Tiff hahahaha de joke hindi kase ako makatulog kaya ayun naiglip lang ako. Umupo muna ako sa kama at nakita ko si Bipolar na mahimbing ang tulog.
"Alam mo ang pogi mo sana e ang pangit lang ng ugali mo." Sabi ko ng pabulong since ako lang naman ang makaririnig nun eh.
Pero nagulat ako ng biglang ngumisi si Bipolar. Hala baka naman na nanaginip."Thanks retard" Sabi nito.
Hala. Napapaginipan ba ako nito? At halos gusto kong magpalamon sa lupa ng nakita ko siyang dumilat at tumama ang mga mata niya sa akin. Umupo siya at ngumisi.
"Di ka makatulog ano?" sabi nito at napatango lang ako."Tara baba tayo?" sabi nito.
Ang sarap sanang basagin to at sabihing walang tayo pre.
Pero baka itulak ako pababa sa hagdanan kaya wag nalang."Sige" sabi ko sa kaniya.
Tumingin ako sa orasan at alas dos na ng madaling araw.
Lumabas ako at naglatag ako ng kumot sa damuhan at nahiga ako para makita ang mga bituin.This scene. The stars. It makes my heart melt. How I wish Lolo was here too.
"Coffee??" Tanong ni Bipolar. Wow ah coffee talaga so wala talaga siyang balak matulog kami.
"Thanks" Sabi ko at kinuha ko na yung kape. Umupo den si Bipolar sa linatag kong kumot.
Sinulyapan ko siya.LUB*DUB*LUB*DUB*LUB*DUB*LUB*DUB*LUB*DUB*LUB*DUB*
Eto na naman. Aasa na naman ba ako? Bakit ba kailangang pumintig ang puso ko sa kaniya.
Nagulat ako ng lumingon din siya sa akin at ngumisi. Baka isipin na naman nito na sobra na akong na gwagwapuhan sa kaniya. Kaya umiwas nalang ako ng tingin.
"Hey. I'm sorry" sabi niya.
kumunot ang noo ko. sorry saan?
Humigop muna siya ng kape bago magsalita.
"Sorry sa kanina. Hindi ko alam kung bakit ka umiyak.. Pero sa tingin ko isa ako sa mga dahilan nun" Sabi niya at seryosong nakatingin sa akin.
Nginitian ko naman siya."Ah yun? W-wala yun tyka alam ko namang di mo talaga gagawin sa akin yun kung di ka lang dinare ni Nico. Alam ko naman na may girl friend ka na." Sabi ko sa kaniya.
"Pero kung gusto mo puwede naman tayong maging magkaibigan." alok ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "S-sure" Nauutal niya pang sagot haha ang cute neto.
Mga Ala singko na den kami na ka akyat sa mahaba naming kwentuhan ni Bipolar. Mabait naman pala siya at makulit.
Nagising ako mga alas dose na. Syempre pinuyat ako ni Bipolar at talagang nag kape pa kami ha.
Wala na sa higaan ko si Tiff at wala naden si Nico sa lapag.
Bumaba naden ako para kumain na gugutom na ako e.Mga dalawang hakbang palang ang nagagawa ko pababa ay meron na agad bumati sa akin.
"Goooood Morning Te Rain" Masiglang bati ni Tiff at Nico.
Aba ang saya ng kambal na to ah."Good morming kambal" Bati ko den sa kanila.
"Morning Retard!!!" Isa pa to.
Taas ng energy hahaha. Galing siya sa kusina."Morning Bipo" sabi ko sa kaniya.
Umupo na ako para makakain.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna ako para magpahangin sa garden. Wala den si Nanay dahil umuwi muna sila.
Umupo muna ako sa swing at nang may biglang nagtakip ng mata ko. Sino to? Si Cloud?
"Hoy. Ulap tanggalin mo nga yan." At medyo mga limang segundo pa bago nya eto tanggalin. Humarap ako at nakita ang mukha ni BIPOLAR?!
"Ulap ka diyan" Sabi nito habang naka nguso. At naka cross arm.
"Hala. Malay ko ba na gaganyan ka bigla." Sabi ko
Umirap lang si Bipolar sa akin at ngumuso ulit. Mukha siyang bibe. Pfft. Natatawa naman ako sa pinapakitang pagkaisip bata ng lalaking toh. Bipolar talaga.Kinuha ko ang pisnge niya at kinurot.
"Wag ka na pout mukha kang bibe. Hahahahahaha!!" sabi ko na lalong ikina nguso niya.
Naka hawak paden ako sa mag kabilang pisnge niya ng dumating si Cloud.
"Rain!!!" sabi niya kaya napabitaw ako sa pisnge ni Bipo.
Ngumiti naman ako at narinig kong na pa tss si Bipo.
"Oh anong ginagawa mo dito?" Aabi ko at nag smile naman si Ulap.
"Wala napadaan lang ako. Pero mukhang busy kayo e. Baka mamaya malang ako bumalik. Byee" Sabi niya at mabilisang hinalikan ako sa noo.
BINABASA MO ANG
Marry Me
Подростковая литература#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.