Chapter 28

400 14 4
                                    


"Paghihiwa nalang ng maayos di mo pa magawa." Sabi niya habang hatak hatak padin ako.

Andrama naman ng lalaking to. Tyaka maliit lang naman ang sugat ah.

"Sana di ka nalang nag volunteer" sabi niya pa.

"Maliit lang naman ang sugat ah" sabi ko.

Agad naman siyang napahinto aa paglalakad kaya maging ako ay napahinto din kase hawak hawak niya ako.

"Maliit? Maliit ba yan? Rain ayoko nang masusugatan ka, Ayoko ng masasaktan ka kaya please wag mong ipilit ang mga bagay na di talaga puwede." Sabi niya, dahilan para kumunot ang noo ko.

"Huwag mong ipilit ang mga bagay na di talaga puwede"

Hindi na ito about sa nasugatan ako, Iba na ang pinupunto niya.
About na to sa amin, sa kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya. Gusto niya na akong patigilin. Simula palang naman kase e talo na.

Agad naman akong napangisi.

"Ayaw mo kong masaktan? Ha? Ayaw mo? Eh Reign ikaw nga lang ang tanging dahilan kung bakit ako nasasaktan! Walang iba kundi ikaw, ikaw mismo!"
Agad naman siyang nagulat sa sinabi ko.

"You don't want me to get hurt? Wag mo na ako lapitan. Wag ka nang magpadanas ng pagmamalasakit. Kase umaasa ako! Kaya please. Wag." Sabi ko sa kaniya sabay bawi ng kamay ko. "Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko sabay lumakad ng patalikod.

Hindi ko na alam..
Ano bang nangyayare sa akin? Dati naman wala to e.

"Found you!" Napatingin ako aa lalaking nagsalita at agad naman ako nagulat ng makitang si Ulap to.

Kanina ay nakangiti pa siya pero ng tuluyan niya ng makita ang mga luha sa mga mukha ko ay biglang sumeryoso ang pagmumukha niya.

"Rain what happen--"
Di ko na pinatapos yung sinasabi niya agad ko na siyang niyakap.

I need this.

Naramdaman ko naman na niyakap niya din ako pabalik.

Hikbi lang ako ng hikbi.

"Sige lang iiyak mo lang yan"
Sabi niya sa akin. "Kaya ko namang maging punasan ng mga luha mo e. Kahit yun lang Rain. Kahit yun lang" Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Agad naman akong napahagulgol.

Bakit kaya ganun? Kapag umiiyak tayo tas merong nag comfort sa atin imbes na tumahan mas lalo pa tayong naiiyak.

Cause maybe we're thankful?
Dahil meron parin palang tao na makakintindi sa atin at may tao na andito para damayan tayo.

And now I'm thankful kase andito si Ulap.

Maya-maya ay bumalik na kami kayla Tita. Agad ko namang nakita si Bipolar na nakikipagtawanan sa mga kamag-anak ni Ulap.

Ano pagkatapos niya akong paiyakin tatawa tawa pa siya?
Grabbe din naman pala tong lalaking to. -________-

"Ayun na pala sila Ate Rain at Kuya Cloud oh" sabi ni Ian na katabi lang din ni Bipolar.

Nag hi naman si Ian sa akin kaya ngumiti nalang ako sa kaniya bilang sagot hindi ko na tinapunan ng tingin si Bipolar.
Gigil pa ako sa kaniya.

"Oh Ija?? Kumusta na yung sugat mo?" Tanong sa akin ng mama ni Ulap.

Ngumiti naman ako "Okay na naman po Tita. Tyaka maliit lang naman po ito." Sabi ko kay Tita tyaka dumiretso muna sa kuwarto ko.

Haysss. Kailangan kong mapag-isa.

Umiling ako ng mararamdaman ko na naman na tutulo ang mga luha ko.

I'm so weak.

*Tok*tok*

"Pasok" nagulat naman ako ng si Ulap ang pumasok sa kuwarto ko.

"Hey.." sabi niya sabay hila ng upuan para makaupo siya tas humarap siya sa akin.

"You okay?" Sabi niya kahit alam niya naman na di ako okay.

"I'm going to be okay" sabi ko sa kaniya sabay ngiti. Nag smile din naman siya sa akin.

"Thank you." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Agad naman kumunot ang noo niya. "For?" Tanong niya

"For everything. Alam mo kung wala ka kanina nako hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi ko sa kaniya. Totoo naman e. Dahil sa kaniya medyo gumaan na ang pakiramdam ko.

Agad naman siyang nag smile "No, thank you." Sabi niya kaya agad naman akong naguluhan.

Natawa naman siya sa reaction ko. "Thank you Rain for letting me become part of your life." Sabi niya sabay tayo tas gulo sa buhok ko. "Don't cry again okay? Alis muna ako." Sabi niya sabay labas na.

Kaya naiwan naman akong naguguluhan sa sinasabi ni Ulap.

Agad naman akong nagising maya-maya di ko pala napansin na habang iniisip ko yung sinasabi ni Ulap nakatulog na pala ako. Dala siguro ng sobrang pagod.

Nang magising naman ako ay agad kong hinanap sila Ulap.

Nang nakita ko silang nag-uusap ni Bipolar. Kaya agad akong nagtago.

"You're hurting her."
Sabi ni Ulap.

Pero parang estatwa lamang si Bipolar at hindi siya nakikinig sa sinasabi ni Ulap.

"Marami na siyang napagdaanan." Sabi pa ni Ulap.

Wala namang sinabi si Bipolar at nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

"HOY ATE!!" sigaw ng kung sino sa likod ko.

"AYY ATE!!" kaya agad naman akong napalingon.

"Iaaaaaaaaaaaaan!!!! ( -____- ) "
Inis na sabi ko agad naman akong napayuko kase baka makita ako nila Bipolar.

Lumapit naman ako kay Ian na kasalukuyang naka harap sa akin habang naka peace. (^_____^)v
Ganiyang mukha.

Agad ko naman siyang kinurot sa pisngi.

"A-arayyy!! Mommmmy oh!!"
Sabi niya habang nagbibiro na tinatawag si Tita.

Tumawa naman ako habang mas dinidiinan yung kurot ko sa pisngi ni Ian.

"Ouchhh!! Tama na :'<" sabi niya tas tawa parin ako ng tawa.

"Ehem." Agad naman akong napabitiw kay Ian ng makita ko si Bipolar na nakatingin sa amin ng masama.

Now what? Magpapapansin siya? Tsss.

"Ian, kuya cloud mo?" Sabi ko kay Ian.

Kumunot naman yung noo ni Ian
"Ewan ko, ikaw yung sumusunod sa kanila diba."

Sa panahong ito gusto kong ilubog sa lupa si Ian. Hindi siya marunong makisabay sa trip ko at talagang hinulog niya pa ako na nakikinig sa usapan ng dalawa kanina at ang mas malala andito si BIPOLAR!!!

Agad naman akong napangiti.
"Nahulog kase yung pakaw ng hikaw ko kaya nakayuko ako nun" sabi ko kay Ian.

Geez. Sana naman makaramdam na siya.

Lumapit naman si Ian sa akin
"Wala ka namang hikaw e! HAHAHAHAHAHA" sabi niya pagkatapos ay pinakita niya pa yung tenga ko na walang hikaw.

I hate this kid. -,-

Dahil malapit siya ay agad ko siyang kinurot sa tagiliran.

Agad naman siyang namilipit sa sakit.

"Tara hanapin natin yung kuya mo" sabi ko habang kurot-kurot ko parin siya.

"Aye aye captain!!" Sabi niya habang nakasaludo pa.

*ITUTULOY~

- DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE THIS STORY TO YOUR FRIEND. -

PS. BUSY PO KASE SA SCHOOL.(´;ω;`) KAYA AYAN NGAYON NALANG ULIT NAKAPAG UPDATE.



Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon