"I'm so excited Rain!" Sabi ni Kath sa akin habang nilalagyan ng make up ang mukha ko."Hoy! Light lang ha!" Sabi ko sa kaniya, ayoko naman kasing maging sobrang dark.
"Ikaw nalang kaya mag-ayos sa sarili mo." Sabay tawang sabi ni Kath "Look, ako na ang bahala. Marunong ka bang mag ayos?" Umiling naman ako sa sinabi niya kaya mas nilagyan niya ng blush on ang mukha ko. "Tignan mo, hindi naman pala marunong eh. Hahahahha trust me! Akong bahala sayo!" masaya niyang sabi bago umalis at kumuha ng ibang kulay na lipstick.
Pumunta naman si Kath sa pintuan niya ng may narinig kaming kumatok.
"Oh, Cloud!" Tumili pa siya bago yakapin at yayain sa loob si Cloud. May dala siyang mga fries.
Ang ingay talaga.
Nakita ko naman na napatingin sa akin si Cloud kaya ngumiti ako sa kaniya.
"Naks, nagpapaganda ha." Pilyo niyang sabi bago lumapit sa akin at yakapin ako.
"Well, kailangan niya yan para naman makita ni Alex kung anong kagandagan ang mayroon si Rain! Ang ganda ganda niya kaya. Kahit nga ata walang make up tong best friend ko puwede na siyang lumarga eh." Sabay subo ni Kath ng fries.
Binigay naman sa akin ni Cloud yung isa pa niyang fries. "Paano ka?" Natatawang tanong ko.
Umiling naman siya, "Sayo na yan. Alam ko naman na gutom ka na. Saka kumain na ako kanina." Sabi niya bago mangielam ng mga brush ni Kath.
"Yiiie, sweet niyo namang mag-kaibigan" asar sa amin ni Kath habang nag t type sa cellphone niya.
Napatangin naman ako kay Cloud, pero nakangiti lang siya sa akin.
Sanay na kase siya na inaasar kaming dalawa. Saka napag usapan na rin naming dalawa na hanggang mag kaibigan nalang talaga kami. Pumayag naman siya nun tapos sabi niya kapag raw ayaw ko na kay Reign, siya naman daw ang piliin ko pero siyempre sa pabirong paraan.
"I'm seeing someone." Biglaang sabi ni Cloud sa amin.
"Hoy! Kami talaga ang lolokohin mo ha!" Sigaw sa kaniya ni Kath.
Eto talagang si Kath napaka ingay, pero kapag nandiyan na yung boyfriend niya sobrang pabebe.
"Totoo nga." Ngiting sabi ni Cloud kaya pinalapit ko siya sa akin.
"Sino siya?" Nakangiting tanong ko kay Cloud, picture yun ng isang babae na medyo chinita at maputla, hanggang balikat ang buhok at naka peace sign.
"She's my friend." Sabi niya habang nakangiti.
Siniko naman siya ni Kath. "Ang friendly mo naman, lahat ata friend mo. Ako friend mo, etong si Rain friend mo. Tas pati yang babae na yan friend mo rin."
Natatawa niyang sabi.Nginitian naman siya ni Cloud bago kuhanin yung fries niya at kainin.
"Andun ka ba mamaya?" Tanong ko kay Cloud nang lumabas si Kath para makausap yung boyfriend niya.
"Yeah. Why?"
Umiling naman ako. "Wala lang." Nginitian ko siya "Salamat ha, mahirap makahanap ng taong kagaya mo. Salamat kung lagi mo nalang akong iniintindi. Masaya talaga ako at nakilala kita."
Hinila niya naman ako para yakapin. "Salamat rin Rain."
________
Eto na! Makikita ko na naman siya.
Tinignan ko naman yung sarili ko sa salamin bago pumasok.
BINABASA MO ANG
Marry Me
Teen Fiction#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.