Chapter 39

58 5 0
                                    

One year later...

"Lo! Uuna na po ako ha?" Sabi ko kay lolo habang inaayos ko yung sapatos ko. Hindi ako puwedeng ma late ngayon ko kase may makikipagkita sa akin. Ah, about nga pala sa work ko, I'm a singer in a high class restaurant.

"Ingat apo! Ingat ka lagi. Tumingin ka sa tawiran!" Sigaw naman ni lolo sa akin pabalik, kaya kahit kailangan ko ng umalis. Bumalik muna ako sa loob para yakapin si lolo. "Salamat lo, love you po!" Ngumiti naman si lolo para suklian yung yakap ko.

After nun, umalis na ako. Pumara ako ng tricycle para makapunta na ako agad sa pupuntahan ko. Grabe ang bilis ng panahon. One year na rin pala ang nakaraan. Inayos ko na yung mga bagay-bagay. Kami ni Kath, we're still friends. Kase sayang din naman yung friendship na nagawa namin, at ang last update niya sa akin ay may nakilala raw siya na gusto niya rin, which is good.
While kami naman ni Ulap, platonic paden. I mean kahit hindi ko masuklian yung pagmamahal niya sa akin, best friend pa rin kami. At sure naman ako na may tao na mas deserve siya. Habang si Reign pinagpapatuloy niya pa rin yung nasimulan niya. Pinapatakbo niya ng maayos yung company nila. At balak ring umuwi ng lolo niya this week para maka-pagbakasyon. At inimbitahan nila ako doon pero hindi ko naman magawang tumanggi kase bagong uwi ang lolo niya at mga kapatid niya kaya nakakahiya naman kung tatanggi ako.

Pumunta naman ako sa Starbucks para tignan kung andun naman yung nagyaya na makipag kita sa akin. Nung nakita ko siya agad siyang ngumiti at lumapit sa akin.

"Raaaaiiin!!!" Masaya niyang sabi kaya naman napangiti ako. Napaka energetic niya talaga.

"Kath" bati ko sa kaniya, niyakap niya pa ako bago niya ako yayaing umupo na.

"How are you? How's your work?" Tanong niya sa akin kaya kwinento ko naman kung paano ako nakapasok dun sa trinatrabahuhan ko.

"That's good!" Tumatango tangong sabi niya. "I saw your videos sa fb and it's so good! Ang ganda ng boses mo and kapag hindi ka naman kumakanta, nakita ko sa ibang shared post ikaw yung nag pa-piano." Dugtong niya.

Agad naman akong napangiti sa mga sinasabi niya. "Thank you! Ikaw? Kumusta?" Balik ko namang tanong sa kaniya since knowing Kath alam kong gusto niya talagang i-kwento yung nangyayare sa kaniya, nag pipigil lang siya.

"I'm okay, no. Actually I'm great. Alam mo ba na nung nakilala ko si Marcus, hindi ko talaga siya pinapansin. Kase gusto ko muna na ng time for myself. Ayoko munang makipag relasyon. Tapos sinabihan niya ako na that's okay because he can wait." Nakangiti siya habang sinasabi niya yun. "Ayun we became close. Naging friends kami. Kaya sinabi ko sa sarili ko, bakit ko hindi i try na mag mahal ulit? Siguro naman this time wala na akong kaagaw. Hahahaha. And then it worked. And I'm really happy."

Natawa naman ako sa sinabi niya pero mas natuwa ako para sa kaniya. Kath deserves to be happy, and I'm glad because she found her happiness.

"Rain, I want you to be happy too. And trust me, this time it will be worth it." Sabi niya sa akin tapos hinawakan niya pa yung kamay ko.

I smiled at her. Mabuti nalang talaga maging mag kaibigan kami.

"About that, this week uuwi ang lolo ni Reign kasama ang mga kapatid niya. At gusto nila akong makita."

Napangiti naman si Kath at pumalakpak, napatingin tuloy yung ibang kumakain rito.

"That's perfect! Ako na mag aayos sayo, you can also borrow my dress if you want." Excited niyang sabi.

Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon