Chapter 22

477 13 8
                                    


"Mainit paden siya.."

"Manang!! I need hot water!"

"Manang paano to?"

"Manang should we put her in the hospital??"

Rinig ko ang mga salitang iyan habang natutulog ako kanina.
Paano ba naman ang sarap ng tulog ko pero nagising ang diwa ko ng bigla kong marinig ang mga salitang yan.

Binuksan ko yung mga mata ko at umupo ako sa kama ko ng naramdaman ko na may nahulog na basang panyo galing sa noo ko kinuha ko naman yun at inilagay sa palanggana na naka patong sa upuan ko na nasa tapat lang ng aking kama.

Inilibot ko ang mga mata ko at nagulat ako ng nakita ko si Bipolar na natutulog sa gilid ng kama ko. Nakapatong lang ang ulo niya sa kama ko at nakaupo siya sa lapag.

Mahimbing ang tulog niya.
Napangiti naman ako pero meron parin akong nararamdamang kirot sa puso ko.

Sinalat ko naman ang sarili ko at parang medyo bumaba na ang lagay ng sakit ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng nakita kong kinusot ni Bipolar ang mata niya kaya dali-dali akong humiga ulit sa kama at nag kunwaring tulog.

Naramdaman ko namang umupo siya sa kama ko at narinig kong piniga niya ang panyo at tsaka nilagay iyon ulit sa akin noo.

Rinig na rinig ko ang paghinga niya at pinikit ko pa lalo yung mga mata ko ng naramdaman kong lumapat ang labi niya sa noo ko.

B-bakit niya ginawa yun?

"Sana gumaling ka na. This is my fault" Sabi niya at tsaka narinig kong bumukas ang pintuan ko at sinarado niya ulit.

Dinilat ko naman yung mga mata ko ng umalis na si Bipolar sa kwarto ko.

Sunod-sunod na naman ang pag-tibok ng puso ko.

Umupo naman ako sa kama ko at tyaka ko ginulo ang aking buhok.

Arghhhh. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko

Binalik ko ulit yung panyo dun sa palanggana.

*Eeek* (pag bukas ng pinto)

Nagulat ako ng marinig kong bumukas ang pintuan ko kaya hindi ko na nagawang humiga ulit dahil alam kong nakita na naman ako na gising.

"Gising ka na! Kamusta na ang pakiramdam mo??" Tanong ni Bipolar at umupo siya sa kama ko.

Geez. Anlapit-lapit ng mukha niya sa akin ^////////^

"I'm okay, I think." sagot ko naman.

Tumango-tango naman si Bipolar at nag smile.

"Sige ibaba ko muna tong palanggana." sabi niya sabay buhat dun sa palanggana.
At humakbang na siya palabas ng kwarto.

"B-Bipolar" Tawag ko. At nakita ko naman siyang ngumiti bago lumingon sa akin.

"Hmm?" Sagot niya habang nakatinging diretso sa mga mata ko.

"Thank you" Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya at ngumiti ulit bago tuluyang umalis ng kwarto ko.

Bakit kailangan niyang ngumiti sa lahat ng oras?!! Ugh!

Kinuha ko naman yung isa kong phone at nag messenger ako.

Tiffany is active right now

Kaya naman chinat ko siya

You: Tifffff!!! Kamusta ka na?

Sent 2:30PM

Seen

Tiff: Hi Ate Rain! I'm good, we're good :)) You? How about kuya? And Manang?

Sent 2:32

You: Kakagaling lang sa lagnat ni Ate. Pero I'm okay na. Your kuya is okay and also Manang. How about Nico? And Lolo Andrew? Kamusta? Kailan kayo uuwi? I'm missing you Tiff.😘😘😘.

Sent 2:33

Tiff: I miss you too Ate Rain😭😍. Then don't use your phone Ate you should rest.
Take a rest Ate Rain get well soon. I love you. Sasabihan ko nalang si Lolo and also Nico😌.

Sent 2:35

You: Alrighty. Matutulog na muna ako. Ingat kayo diyan ha. Iloveyoutoo. Bbye.

Sent 2:36

Sinara ko na ang phone ko pagkatapos kong makausap si Tiff.

Buti naman at ayos naman sila dun sa ibang bansa.

"Retard...." Nagulat ako ng narinig ko ang mga salitang yan nakita ko si Bipolar na nakasandal sa aking pintuan.

"Bakit ka andi--"

"Look" sabi niya at lumapit siya sa akin para maka-upo siya sa upuan ko. "I'm sorry" Sabi niya ng diretso sa mga mata ko.

"Di naman ako galit sayo" pagsisinungaling ko "I'm just pissed off." Sabi ko din ng diretso sa mga mata niya at nakita ko naman na nalungkot ang mga ito.

Siyempre pinag-intay mo ako ng matagal.

"I'm sorry. Rain. Promise I will make it up to you. I will treat you again." Sabi niya at tsaka naman nag smile.

Di mo ko madadala sa mga kakaganiyan mo..

Nakita mo naman na nakasimangot ako kung kaya nag pout ka.

Why are you so cuteeeeee???

"Okay." Sabi ko sayo habang na pa ngiti naman siya.

"Sige sige. Mag pahinga ka na muna. Salamat. Bbye!" Sabi ni Bipolar at tsaka lumabas sa kwarto ko.

Pagkalabas niya ay saka lumabas ang ngiting kanina ko pa tinatago.

Pinisil ko yung dalawa kong pisnge para di ako mapangiti.

"Oh anak bat mo hawak hawak ang pisnge mo? masakit ba ang iyong ngipin?" nagulat ako ng nakapasok si Nanay sa kwarto di ko man lang narinig yung tunog ng pagbukas ng pintuan.

"Hah? Ah eh hindi po Nanay Rose, meron lang po akong iniisip." Sabi ko kay nanay sabay
kamot sa batok ko.

Lumapit sa akin si nanay para salatin ang noo ko.
"Medyo okay na naman ang salat mo. Oh eto ang pagkain mo anak."  Sabi niya sabay lapag ng pagkain ko sa maliit kong lamesa.

Napanguso naman ako.
"Nay nakakahiya naman po, kaya ko naman pong bumaba para kumain at tsaka baka madami pa kayong ginagawa baka makasagabal po ako."

Ngumiti naman sa akin si Nanay tsaka hinawakan ang dalawa kong kamay "Anak ayos lang yun ano ka ba naman, di ka pa nasanay" Natatawang sabi ni Nanay Rose kaya agad ko siyang niyakap.

"Salamat po" Sabi ko sa kaniya at tinapik-tapik niya naman ang likod ko.

Sana naging ganto kami ni Mommy noon.

"O siya anak ako muna ay bababa." Sabi ni nanay kaya tinanggal ko na ang pagkakayakap ko kay nanay at saka bumaba na siya.

Agad ko namang tinignan ang putaheng dala ni nanay para sa akin at napangiti ako ng makitang tinola iyon.


A/N: Hilllllo!!! Sorry at ngayon lang nakapag-update kase busy sa Test!! Anhirap nga eh hahaha kaya sensya kung medyo lame ang ud ngayon dahil nag bubuo-buo pa ang brain cells ni author.
Alrighttt. Salamat sa pagbabasa Enhooooy!!!!

*Don't forget to vote, share and comment*

Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon