"Rain asan siya?"
Nagulat naman ako ng makita ko si Kath na hinahanap si bipolar. Alam ko naman na tama ng ginawa kong desisyon. Tama yung tinawag ko siya, kase alam ko naman mag-aalala siya."Asa kuwarto na siya"
Tinapik naman ni Kath yung balikat ko tyaka nag pasalamat.
"Nak bakit ka pa andiyan? Tara na sabay na tayong pumasok sa loob."
Tumango naman ako sa sinabi ni nanay.
Pagkabukas pa lang namin ng pintuan nakita ko na agad na nag-uusap sila kath at bipolar. Napatingin naman sa akin si bipolar kaya napatigil sa pagsasalit si Kath at napatingin din siya sa akin. Yumuko naman ako.
"Rain, salamat ha. Buti at nadala niyo siya agad sa hospital. Bakit ka ba kase nag paulan?" Sabi niya sa akin sabay tingin kay bipolar at nag hihintay ng sagot.
"May hinabol lang ako."
Napatingin naman ako kay bipolar."Hinabol? Bakit?" Nag tatakang tanong sa kaniya ni Kath. Nakatingin padin ako kay bipolar.
"May nakita kase ako na tao, nabasa siya sa ulan. Sinamahan ko siya."
Tumango naman si Kath sa sinabi niya.Napatingin naman ako kay nanay na siyang nakatingin din sa akin ngayon.
"Okay na naman ba yung tinulungan mo?"
"Yeah. Safe naman na siya."
Napatingin naman ako kay Kath habang naka ngiti siya kay bipolar. Nilapitan naman ako ni nanay. "Labas lang muna kami ni Rain."
Tumango naman ako kay nanay at tyaka nag paalam kayla kath.
"Anak..."
"Alam ko po nay, iniiwasan ko naman po."
"Paano mo iniiwasan, kung lagi kayong nagkikita? Alam mo anak naramdaman ko na yan. Mahirap yan. Siguro ngayon kailangan mo munang dumistansya. Alam ko naman na naging close nadin kayo ni Kath at ayaw mo din naman siyang masaktan once na malaman niya yun."
Tumango naman ako sa sinabi ni nanay, siguro kailangan ko na munang umuwi kay lolo. At sana maging maayos na yung lahat.
"Pero desisyon mo yan."
"Opo nay. Salamat ha." Niyakap naman ako ni nanay.
Baka ngayon nga kailangan ko na munang nag desisyon. Ayoko naman masira lang yung friendship namin ni Kath, she doesn't deserve it. Baka ako nalang muna ang kailangan umalis. Simula palang naman nung una, parang ako na yung sagabal sa relasyon nila. Kaya baka mas maayos pa kung lalayo na muna ako.
Ulap☁️☁️:
Nag text sa akin si Kath, kumusta na si Reign?You:
Pasensya na ha, hindi ko agad nasabi sayo. Masiyado na kasing preoccupied yung iniisip ko. Pero ayos na naman si Reign actually magkasama na nga sila ni Kath sa loob.
Ulap☁️☁️:
Okay lang. Punta ako diyan. Saang hospital ba yan?Sinabi ko naman kay ulap kung saang hospital naka confine si bipolar.
"Oh ulan bat asa labas ka?"
Nagulat naman ako ng makita ko si ulap, halatang tumakbo siya kase kitang kita yung pawis niya.
"Asa loob naman si Kath..." Sabi ko
Tumabi naman sa akin si ulap. "Is it okay?"
Napatingin naman ako sa kaniya "what do you mean?"
"Is it okay? Uhm hindi, mali ang tanong ko. The right question is are you okay?"
Hindi. "Oo naman, bakit naman ako magiging hindi okay?"
Tumitig naman si ulap sa mga mata ko tyaka tumango "okay, sabi mo yan."
"Uhm ulap? Iniisip ko na umalis muna."
Napatingin naman sa akin si ulap, "oh okay sure. May bibilhin ka ba? Can I come with you? Baka bumili na din ako sa labas."
"Hindi.. I'm planning na umalis muna. Mag pakalayo layo. Ayoko na munang maging kontrabida sa love story nila Kath."
Kahit nakayuko ako feel ko na tumango naman si ulap sa sinasabi ko. "San ka naman manunuluyan? How about Reign? Alam niya ba?"
Umiling naman ako. Hindi niya naman kailangang malaman. "Sa lolo ko muna ako pupunta, miss ko narin naman na siya. And about Reign hindi niya naman na kailangang malaman pa."
"Kailan ka aalis?"
"Gusto ko na bago makauwi si Reign sa bahay nila wala na ako."
Tumango naman si Ulap sa mga sinasabi ko.
"Paano kita makikita?"Napangiti naman ako sa tanong niya "You can always chat me. I'm only one chat away."
Ginulo naman ni ulap yung buhok ko.
"I'm going to miss you so bad.""Hahaha ano ka ba, mamimiss din kita. At tyaka wag na nga muna tayo mag drama haha. Tara pasok muna tayo?"
Sumang-ayon naman si ulap sa sinabi ko.
"Cloud kayo pala" sabi ni Kath nung nakita niya kami. Napatingin naman ako kay bipolar na kasalukuyang natutulog ngayon.
"Kumusta siya?"
"Doing fine. Sabi ng doktor na kaya siya nag kaganiyan din ay sa over fatigue. Baka napagod na siya plus naambunan pa siya. Wait, Rain kilala mo ba yung tinulungan ni Reign?"
Umiling naman ako. Kahit na alam ko na ako yung tinutukoy ni Kath.
"May tinulungan si Reign?" Takang tanong ni Ulap sa amin.
Kinuwento naman sa kaniya ni Kath lahat ng sinabi ni bipolar sa kaniya at pagkatapos na mag kwento ni Kath, napatingin sa akin si ulap. Alam ko naman na alam niya na ako nga yung tinutukoy ni Kath.
Mamaya maya pa ay pumasok na si nanay sa kuwarto. "Baka gusto niyo na munang umuwi, Kath at Cloud alam ko naman na medyo pagod pa kayo. Umuwi na muna kayo kami na bahala kaya Reign at kung sakali na okay na kayo puwede naman kayong bumalik."
Tumango naman si ulap sa sagot ni nanay pero si Kath gusto niya pang mag stay. Pero bandang huli napilit na rin siya ni ulap na umuwi muna at baka bukas na sila bumalik.
Sinamahan ko naman sila sa pag baba at bago sila tuluyang maka alis hinarap ako ni Kath at niyakap "keep me updated okay? Salamat."
Tumango naman ako sa sinabi ni Kath. I will.
Napatingin naman sa akin si ulap at ngumiti naman ako sa kaniya. Assurance na okay lang naman ako."Ingat kayo" at tuluyan na silang umalis.
A/N:
Hala. Ano na kaya ang mangyayare kayla bipolar at retard? Alamin natin sa susunod na kabanata.
I just want to say na thank you guys for supporting my works, malapit lapit na tayo sa ending. Pero kung maisipan ko pa na magdagdag baka malay natin hahahhaa. Anyways dont forget to vote, comment and share this story with your friends. Labyu all bye!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/108803462-288-k468778.jpg)
BINABASA MO ANG
Marry Me
Teen Fiction#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.