Chapter 38

212 12 4
                                    


"Here" sabi ni Ulap, kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko naman yung inaalok niya sa aking ice cream. Pistachio is the best!

"Thank you!" Masaya kong sabi habang kinuha ko iyon sa kaniya. Nakita ko naman siyang ngumiti sa akin bago kuhanin ang ice cream niya sa plastic, cookies and cream ang binili niya.

"Ihahatid kita ha" pag-uulit niya sa akin.

Natatawa naman akong tumango "Paulit-ulit? Oo na" ngumiti naman siya ng sinabi ko yung sagot ko sa tanong niya.

"Papakilala mo ba ako sa lolo mo?" Tanong niya naman sa akin kaya agad ko naman siyang tinignan.

"Oo naman, ikaw kase maghahatid sa akin kaya kailangan na ipakilala kita." Tumango naman siya sa akin

"Puwede ba akong mag stay sa inyo ng isang gabi?"

"Okay naman ata, tumabi ka kay lolo hahahaha tyaka wag kang mag expect hindi malaki yung bahay namin."

Ginalaw niya naman yung swing na inuupuan ko kaya muntikang mahulog ang ice cream na kinakain ko.
"Hala naman to!" Sabi ko sa kaniya habang hinigpitan pa lalo yung hawak sa ice cream.

"Ikaw kase eh, hindi naman ako nag e expect ng magarbong bahay. Tignan pa lang kita alam ko na wala ka nun. Hey! Joke lang hahahaha" nag peace pa siya sa akin "Pero kase ulan, okay lang naman sa akin yun tapos makikita ko pa kung saang bahay ka ba lumaki at kung anong uri ba ng tao yung nagpalaki sa'yo para mapasalamatan ko sila kase napalaki ka nila ng maayos."

Napangiti naman ako sa sinabi niya
"Baliw, andami mong sinasabi"

Natawa naman siya sa akin "Ako pa ngayon ang baliw ha" tumayo ulit siya at agad na ginalaw ang swing na inuupuan ko.

Dahil sa sobrang paggalaw niya sa swing nahulog yung ice cream ko.

"Hala ayan na!" Sabi ko sa kaniya tapos agad naman siyang natawa sa akin kaya pumunta siya sa harap ko para tignan ako.

"Oh?" Natatawa niya pang sabi sa akin

Nag pout naman ako "Ikaw kase.. wala na tuloy yung akin."

"Hahahhaaha ang cute mo. Oh" inabot niya naman sa akin yung panyo niya para mapunasan ko yung natapon sa pants ko.

"Salamat" ngumiti naman siya sa sinabi ko at nang natapos na namin yung ice cream, nagyaya na akong umalis para naman hindi na kami gabihin.

"Tara?" Yaya sa akin ni ulap. Kaya kahit labag sa kalooban ko na umalis sa lugar na ito, tumango ako sa kaniya.

"Let's go, daanan ko lang ang mga gamit ko sa bahay." Sumang-ayon naman siya sa gusto ko. Naglakad lang kami para makapunta sa bahay, kaso pagkadating namin dun nakita ko na bukas yung ilaw.

"Sino kaya ang pumasok?" Tanong sa akin ni Ulap, tumingin naman ako sa kaniya para mag kibit-balikat.

"Ah. Baka si tatay Ruben, asawa ni nanay Rose." Sabi ko sa kaniya. Nakita ko rin kase yung kotse na pinang-hatid namin kay bipolar kaya baka umuwi muna si tatay para kumuha ng mga gamit nila.

"Tara" sabi ko kay ulap, sabay naman kaming pumasok sa pintuan. Kaso nagulat ako ng makita ko kung sino yung nasa upuan na siyang nakaharap sa pintuan.

Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon