Ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa kama pero wala parin....Hindi paden ako dinadalaw ng antok.So I decided na buksan yung account ko para tumingin ng mga latest updates.
Thirty ang friends kong online.
Kaso nakakahiyang nag chat, baka mamaya di na nila ako kakilala.Hmm, mag stalk nalang kaya ako?
Hindi ko alam pero nagulat nalang ako ng tinataype na ng kamay ko ang pangalang Kath. Lumabas naman ang mga taong
may pangalan ding Kath.Aha. Eto.
Kath Fernandez
Clinick ko naman yung pangalan niya at lumabas dun yung profile picture niya na abot sa 1,000+ ang likes. Ang ganda niya, base rin sa mga posts niya she's a good girl, maybe that is one of the reason why Bipolar loves her.
Ano bang pala ko dito? Grabe ang beauty niya pang beauty queen. Eh ako? Walang masabi.Naka public naman kase yung mga pics nila ni Bipolar kaya nakikita ko.
Mahal talaga nila ang isa't-isa.
Ang sweet nila sa mga pics nila.
Grabe.
Ganto pala ka sweet si Bipolar sa babaeng gusto niya.
Bibigyan ng letters, gagawan ng poems, Bibigyan ng malalaki at maliliit na teddy bears, chocolates, flowers at sasabihan ka ng I love you.How sweet.
Feeling ko talaga isa lang akong malaking kontrabida sa love story nila ni Bipolar.
Paano kaya kung di ako sumulpot, engage na ba kaya sila?
Baka.....
Baka nga kasal na sila...
Ewan ko ba anggulo😂
Kaya napagpasiyahan ko na bumaba, at kumuha ng gatas.
"Oh anak bat di ka pa tulog?"
Tanong ni Nanay."Di po kase ako makatulog, kukuha nga po sana ako ng gatas para sakaling antukin ako." Sabi ko naman kay Nanay at bigla naman siyang ngumiti.
"Baka naman kase may bumabagabag sa isipin mo anak, halika dito umupo ka diyan kwe-kwentuhan kita."
Sabi ni Nanay.Sumang-ayon naman ako pero bago ako umupo sa sofa kinuha ko na muna yung gatas.
Tinignan ako ni Nanay at tsaka ngumiti. "Meron ka nga bang problema?" Sabi niya sa akin.
"Meron po, kaso parang hindi naman siya malala Nay"
"Anak wala namang problema ang hindi malala, hulaan ko si Sir Reign iyan ano?"
Natawa naman ako kay Nanay.
"Galing manghula Nay ah."Tumawa din si Nanay sa sinabi ko. "Totoo ba?" Sabi niya pa sa akin, umiling nalang ako at tsaka tumawa.
Sana..... Sana ganun nalang kadaling itago ang nararamdaman, yun bang isang iling mo lang makakalimutan mo na.
Tumayo si Nanay Rose para kuhanin yung mga cookies na nasa garapon.
Tas nilagay niya yun sa harapan ko.Feeling ko wala na kaming tulugan ni Nanay dito😂 magiging hyper ako nito eh.
"Salamat Nay." Sabi ko kay Nanay.
Tumabi naman sa akin si Nanay tas sinu-suklay niya yung buhok ko gamit ang mga kamay niya.
"Alam mo anak, minsan kapag gusto mong umamin sa isang tao pakiramdam mo andali lang, pero hindi nagiging madali kung may iba siyang gusto." Sabi sa akin ni Nanay habang sinusuklayan niya paren ang buhok ko gamit ang kamay niya.
Nag smile naman ako sa kaniya.
"Tama Nay, Kaya minsan mas maganda nalang na hindi natin ipaalam sa taong yun ang nararamdaman natin, para hindi natin sila masaktan.""Bakit naman natin sila masasaktan?"
"Dahil sa napapahirapan natin silang pumili? Haha. Ewan ko ba Nay, anggulo." Sabi ko kay Nanay.
Buti nalang talaga at nandiyan siya para sabihan ko ng mga nararamdaman ko.
"O siya, Umakyat ka na sa kwarto mo at matulog ka na.
Good night anak" Sabi niya sabay yakap sa akin.Nang naka-akyat na ako ay umupo nalang muna ako sa kama ko at tsaka nag-isip isip.
Tas tinignan ko ulit yung account ni Kath.May bago siyang post.
Mga thirty minutes palang ang nakakalipas.
Picture yun ni Bipolar habang natutulog sa lamesa, May caption iyon ng "Seeing you like this makes my day complete
:)"
Madami na kaagad ang nag react puro wow at hearts ang reaction marami din ang nagco-comment ng "ahyieee" "sweet" stay strong"
At marami pang iba.They are sweet.
Ibinaba ko nalang ang cellphone ko at natulog.
**
Pagkagising ko ay inayos ko na muna yung higaan ko tsaka bumaba.
"Good morning Nay!" Bati ko kay Nanay na kasalukuyang naghahanda na ng mga pagkain namin.
Nanatili itong nakatalikod dahil busy siya sa kaniyang ginagawa at binati niya rin ako ng magandang umaga.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na muna ako dahil bumili din si Nanay ng mga kailangan sa mga lulutuin niya.
Tinignan ko naman ang phone ko at nagulat ako dahil may text dun si Cloud.From: Ulap☁☁
Ulann!! Labas tayo.
To: Ulap☁☁
Saan naman?
From: Ulap☁☁
Kahit saan, basta susunduin kita diyan mga 2:00. Kitakits😘
To: Ulap☁☁
Haha! Sgee.
Pagkatapos kong masend yung message ko kay Ulap ay agad na akong naghanap ng maisusuot para mamaya.
*Itutuloy*
A/N:
Hello guys! First of all thank you for reading my story and thank you for supporting me.
I really appreciate your efforts.
Bakasyoooon naaaaa!!!
At dun sa mga nag co-commnet ng updates, etoo na😂😂
Sana magustuhan niyo.
Love you all!!
Have a nice day guys😍Ps. Meron nga pala akong sinusulat na iba pa yung LOVE CHAT
HAHAHA kung gusto nyo basahin niyo din. Salamat.

BINABASA MO ANG
Marry Me
Ficțiune adolescenți#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.