"anak kain ka na. Nakabili na ako na ako ng pagkain sa baba kanina ka pa hindi kumakain." Sabi sa akin ni nanay. Umiling naman ako, wala akong gana. Hindi ko pa alam kung masiyado ba akong nagpapadalos-dalos ng mga desisyon ko.
"Ayos pa po ako Nay, kayo po muna ang mag pahinga. Ako naman po muna yung magbabantay." Sabi ko kay nanay. Hindi naman na siya tumangi sa paanyaya ko, dala na rin siguro ng pagod. Umusog naman ako para makahiga si nanay sa higaan.
"Kumain ka na din ha. Maiiglip lang ako."
Tumango naman ako sa sinabi ni nanay at tyaka pumunta malapit sa upuan ni Bipolar.
Mukha siyang inosente habang natutulog, alam ko naman na mahal niya pa din si Kath at sadyang naguguluhan lang siya sa feelings niya sa akin. I think it's a good choice na umalis nalang muna talaga. I mean we're still young, marami pa ang puwedeng mangyare.
Aalis na sana ako para kumain ng biglang hinawakan ni Bipolar yung kamay ko.
"Kumusta ka na?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. Nag smile naman siya kaya nainis ako. I badly need to know if he's okay or what. "Hey, don't smile answer my question."
I added."I'm good" sabi niya kaya naman napatango ako sa kaniya. "That's great, kanina dumalaw rito sila Ulap at Kath. Alalang-alala sa'yo si Kath. Tatawagan ko lang siya sasabihin ko na nagising ka na." Napatingin naman sa akin si bipolar at tyaka tumango tango siya.
Tumayo naman ako medyo malayo sa kaniya at sinimulan ko ng tawagan si Kath.
"Hello? Rain, bat napatawag ka?"
" Pasensya na kung naabala kita ha."
"Okay lang, anu ba yun?"
"Gising na si Reign, dadalaw ka mamaya?"
"Really? Nako buti naman! Thank you for updating me Rain, punta ako diyan."
"Sure"
Lumingon naman ako kay bipolar at nakatingin din siya sa akin.
"She's coming" masaya kong sabi.Hindi ko alam, masaya nga ba talaga ako?
Tumango naman si bipolar sa sinabi ko. Kaya tumalikod na ako sa kaniya para kuhanin yung pagkain ko.
"Aleeex!" narinig kong tinig ni Kath pagkadating niya sa kuwarto.
"Kumusta ka na? Are you feeling okay? May masakit ba sa'yo? Tell me agad ha." Nag-aalalang sabi sa kaniya ni Kath at nung lumingon ako sa kanila nakangiti sa kaniya si bipolar."Rain salamat sa pagtawag sa akin, maasahan ka talaga." Nakangiting sambit sa akin ni Kath kaya naman tumango ako sa kaniya. Napatingin naman ako sa gawi ni bipolar pero tulog na siya. Kaya napangiti ako kay Kath.
Responsibilidad ko yun. "Wala yun ano ka ba. Sino nga pala maghahatid sa'yo pag-uwi?" Tanong ko sa kaniya habang hinihiwa ko yung pagkain ko.
"Uhm actually, I'm planning to stay here muna. Para naman kapag may iba mangyare you don't need to call me."
Napatango naman ako sa gusto niya. Sabagay kailangan naman talaga na andito siya para kay bipolar.
"Okay. Uuwi muna ako okay lang ba? May kailangan pa din kase akong ayusin sa bahay. Kasama mo si nanay. If that's okay."
"Yeah it's okay. I really think na mas better if you will stay muna dun, para narin maka rest ka. Alam ko kung gaano ka kapagod, kaya take your time and take a rest. Ako na ang bahala kay Alex."
Sumang-ayon naman ako sa gusto ni Kath.
Siguro kailangan ko na ding ayusin yung mga gamit ko."Can I talk to him? Kahit saglit lang." Paalam ko kay Kath bago ako pumunta kay bipolar.
"Sure!"
Lumapit naman ako kay bipolar na kasalukuyang nakapikit. Pero alam ko na hindi pa siya tulog. Inusog ko naman yung single na upuan para makaupo ako sa tabi ng kama niya.
"Hey..." Mahina kong bati sa kaniya at agad namang niyang binuksan yung mga mata niya.
"Hey" nakangiti niyang sabi pero kahit papaano makikita mo pa rin yung pagod sa mukha niya.
"So aalis ako, si Kath na raw muna ang magbabantay sa'yo."
"Okay. What time ka babalik?"
"Let see. Pagaling ka okay?"
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. What time ka babalik?" Masungit niyang sabi.
Instead of answering his question, I just smiled. Gosh, I'm going to miss his kasungitan.
Kunot noo niya naman akong tinignan "Something doesn't feels right." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ano ka ba, napaka nega mo. So ano pagaling ka okay?" Ngumiti naman ako sa kaniya kaya napangiti rin siya sa akin.
"Good bye" sabi ko sa kaniya bago ako tumayo sa inuupuan ko, tumingin na rin ako kay Kath bilang pamamaalam at kay nanay na siyang nakatingin sa akin na may lungkot sa mata niya kahit nakangiti siya.
Pagkaalis ko naman ng sa hospital tyaka nalang bumagsak yung luha ko na nakanina ko pa pinipigilan. This is it. Eto na yung last time na makikita ko siya. I tried my best to smile pero ng ngumiti ako mas bumigat ang pakiramdam ko.
"Umiiyak ka na naman" sabi ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ko man siya tignan ngayon alam ko na kung sino siya.
Niyakap ko naman si Ulap at habang pinapatahan niya ako, mas lalo lang akong umiyak.
Nakakatawang isipin na kapag umiiyak ako laging andiyan si Ulap para sa akin, andiyan siya para patahanin ako at patawanin.
"You okay?" Tanong sa akin ni ulap habang nakaupo kami sa may swing, inabutan niya naman ako ng mineral water.
"Yup. Thank you" sabi ko sa kaniya habang iniinom yung tubig na binigay niya.
"Your always welcome Ulan. Tuloy ba ang alis mo mamaya?"
Tumango naman ako sa kaniya
"Nalaman niya ba?"
"Hindi ko alam, pero feeling ko alam niya na aalis ako. Bakit ganun ulap? Eto yung pinaka-magandang gawin para maging masaya silang dalawa. Eto na yung the best decision na naiisip ko. Pero bakit parang ang hirap? Parang mali, parang hindi ko kaya." Naluluha kong sabi.
Umalis naman si ulap sa inuupuan niyang swing at lumuhod siya sa harapan ko.
"Kaya mo, pero dahil na-attach ka feeling mo hindi mo kaya. Pero kaya mo yan. Cheer up." Hinawakan niya yung kamay ko sabay ngiti.
Napatawa naman ako sa reaksyon niya para kasi siyang nakangiti na at the same time naaawa sa akin.
"See, ako lang pala magpapatawa sa'yo eh" kumindat pa siya sa akin.
"Tama na nga, nako" nakangiti kong sambit sa kaniya, ng nakita niya na ngumiti na ako umalis na siya sa pagkakaluhod niya.
"Ice cream?" Tanong niya habang kinakamot yung batok niya
"Ice cream."
A/N:
Nakakamiss magsulat! Huhu! Salamat guys sa pagsuporta ng story na to. Yiii❤️ promise susubukan kong mag update ng maayos okay? Balak ko nga din palang gumawa ng story na epilostary hehe pero hindi ko muna siya i pu-publish kase wala pa akong naiisip. Pero ibabalita ko once na meron na. Thank you guys! And take care always 👊🏻💕
BINABASA MO ANG
Marry Me
Teen Fiction#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.