Rain's Point of view
Hello! Ako nga pala si Rain Stephanie Rodriguez Tawagin nyo nalang akong Steph. Nawala ng maaga ang mga magulang ko, papauwi na sila noon. Pero nadisgrasya sila. Nung una akala ko hindi ko makakaya, wala na akong mga magulang. Pero buti nalang inampon ako ng lolo ko. Kaya buti at andito si Lolo Andres, siya na ang tumayong nanay at tatay ko. Kaya nga mahal na mahal ko si lolo. Gagawin ko ang lahat para mapasaya lang siya.
Nakaraan nalaman ko na mayroong kasunduan si Lolo sa matalik niyang kaibigan.
Sabi nila na ipapakasal nila ang mga anak nila. Eh nagkataon at parehong lalaki ang anak kaya yun pumunta yun sa akin.Hayssss! Ayoko talaga! (Pero sabi ko gagawin ko ang lahat para maging okay si lolo)
Kaya ito wala akong magagawa.
Andito ako ngayon sa bahay nila Lolo Andrew kase dito na raw ako patitirahin. Since tapos ko na ang aking pag-aaral...
Kasalukuyang nasa opisina ako ni lolo Andrew.
"O Steph ija nagkita na ba kayo ni Alexander? "
" Uhm Lolo hindi pa nga po eh. Eh nasaan po ba siya? "
"Nako nagtratrabaho pa siya nak. intayin mo nalang. '
"sge po lo"
Inaantok ako kaya pumunta muna ako sa kwarto at natulog.
BINABASA MO ANG
Marry Me
Teen Fiction#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.