Chapter 31

269 9 4
                                    

"Reign, this song is for you..."
Nakatingin naman silang lahat kay Kath.

"So I won't hesitate
No more, no more.
It cannot wait
I'm yours.."

Nagtilian naman ang mga kapamilya ni ulap lalo na ng sinalubong niya ng yakap ni Bipolar, habang ako nagnanais na lumubog sa lupa.

This scene is too much.

Gusto ko nalang na umalis but it will be obvious.

"Napaka-gandang kanta naman yan Kath." Sabi ni tita na kinikilig tas todo ngiti naman si Kath.

"Okay, let's play again."
Agad naman na pina-ikot ni tita ang bote at saktong sakto tumigil ito sa akin.

Kung kailan talaga wala ako sa mood.

Ngumiti naman sa akin si Tita sabay tanong kung ano ang pipiliin ko.

"Truth nalang tita" sabi ko habang nakangiti sa kaniya.

Nag smile naman sa akin si Tita "Aba, matapang to ah." Tas nagtawanan din yung pamilya niya.

"Okay, hmmm, Ija are you in love with my son, Cloud?"

Nagulat naman ako kay tita.
Napatulala ako ng saglit at dama ko na lahat ay nakatingin sa akin para hintayin ang sagot ko.

"Mom we--"
Pinatigil ko naman sa pagsasalita si Cloud.

"Tita we're good friends po. But I'm thankful to have Cloud po." Honest kong sabi kay tita kaya naman napangiti siya.

"Dun naman talaga nagsisimula yun sa pagiging magkaibigan hanggang sa ayun tuluyan na kayong nahulog sa isa't-isa. We're still waiting okay?" Sabi naman ni tita kaya agad na nagtawanan ulet ang mga kamag-anak nila.

Napatingin naman ako kay Ulap at sa tingin ko pulang-pula na rin ang mukha niya, paano ba naman si tita kase e.

"Sorry" sabi niya sabay ngiti sa akin kaya naman tumango nalang ako bilang sagot.

Tumingin naman ako sa gilid ko at nakita ko na nakatingin sa akin si bipolar pero kausap siya ni Kath pero sa akin siya nakatingin. Weird. Nag kibit balikat nalang ako at tyaka nag pokus na ulit kay tita.

Natapos ang palaro ni tita mga 11:30 na ng gabi. Sa bagay sino ba naman ang hindi mag eenjoy kapag kasama sila.

Nilapitan naman ako ni tita
"Rain ija, puwede ba na tabi muna kayo ni Kath sa higaan mo? Wala na kaseng space sa kabila." Sabi ni tita sa akin.

Kaya agad naman akong tumango kahit na medyo wala sa kalooban ko na makatabi siya ngayon.

"Thank you Raiiiin!!!!!" Masayang sabi ni Kath sa akin sabay hawak pa sa braso ko.

Agad naman na nag smile sa akin si tita "Mauna na ako ha, ingat kayo." Sabi ni tita tas pumunta na siya sa isang kuwarto.

"Thank you talaga Rain a."
Sabi ni Kath habang inaayos niya yung higaan niya sa sofa.

"Ikaw nalang kaya sa kama, sa sofa nalang ako." Sabi ko sa kaniya.

Agad naman siyang lumingon sa akin. "What? No, wag na nakakahiya naman."
Sabi niya sa akin.

"Okay lang, tyaka maraming beses na naman ako nakahiga niyan, eh last day na natin bukas kaya you should take the bed." Sabi ko kay Kath, kahit naman na medyo ayaw ko siyang makatabi ngayon kailangan ko paden magpakita ng kabutihang loob.

"That's why he likes you. Ambait mo kase." Sabi niya na kinagulat ko at nakita niya naman na nagulat ako sa sinabi niya kaya naman nag salita ulit siya "I mean si Cloud, kaya ka niya nagustuhan." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

What. Cloud likes me?

"You didn't know?" Naguguluhan niyang tanong sa akin. Pero nanatiling walang reaksyon ang mukha ko.

"Hala, hindi mo nga alam." Natataranta niyang sabi.

"Ahh hehe.. Kunwari nalang wala kang nalaman okay? Papatayin niya ako sa oras na malaman niya na nasabi ko sayo. Akala ko naman kase sinabi niya. Andaldal ko kase eh." Sabi niya tas pinalo niya pa ng ilang ulit yung bibig niya.

"Wala ba talaga siyang nasabi?" Tanong niya ulit sa akin.

Umiling naman ako.

"Papatayin na talaga ako nun. Just act nalang na wala kang narinig. Good night Rain!" Sabi niya tas mabilis niyang tinakpan ng kumot yung sarili niya.

Halaaa. Bat ang cute niya umarte :< kung ako kaya gagawa niyan ano kaya itsura ko? Haha.

"Don't worry, hindi ko naman sasabihin na nasabi mo." Sabi ko sa kaniya kaya agad naman niyang tinanggal ang kumot na pinangbalot niya sa katawan niya.

"Oh my gulay! Thank you so much Rain!!!" Sabi niya tas tinanggal niya na yung kumot,  siguro init na init siya dun.

Napangiti naman ako kay Kath.

Mabait naman talaga siya.

As the matter of fact, kung hindi lang talaga sila ni bipolar baka sakaling maging bff ko pa siya.

Kaso anggulo kase e. But maybe someday.

Pagkagising ko ay agad akong napatingin sa kama para tignan kung andun pa si Kath kaso mukhang maaga siyang nagigising.

Nag-inat naman ako at nag-ayos pa ng mga unan at kumot bago tuluyang pumunta sa labas.

Nagulat naman ako ng bigla akong akbayan ni Ian.

"Good morning Ate."

Nag smile naman ako sa kaniya at tumango, mahirap mag magsalita baka bad breath ako.

"Asan si Kath?" Tanong ko kay Ian habang nakatakip parin yung bibig ko.

"Uhmm, kasama ata ni mommy." Sabi ni Ian habang naglilibot ang mga mata niya.

For sure hinahanap niya si Kath kaso hindi niya makita kaya ayan nag conclude siya.

"Saan sila pumunta?" Tanong ko kaya naman nag kibit balikat siya.

Pumunta naman kami sa kusina ni Ian ng makita ko na nagkakape si Ulap, pero nung nakita niya ako bigla siyang lumapit sa akin.

"Good morning!" Maligaya niyang sabi sa akin kaya naman napatango nalang ako sa kaniya.

Ang hirap kaya pag bad breath ka sa umaga, haha.

"Are you okay?" Lapit niya pa sa akin para salatin yung noo ko.

Agad naman akong umiwas sabay tango tapos pumunta ako sa lababo para mag-mumog.

"Huh?" Sabi ni Ulap.

Napaka clueless niya sa mga nangyayari haha.

"Wala, baka kase br ako kaya nag mumog muna ako."
Sabi habang kumuha ng mga gamit para sa kape ko.

#coffeelover

Napangiti naman si Ulap sa sinabi ko. "It's okay, I'll still talk to you kahit na br ka sa umaga." Sabi niya sa akin at tinulungan niya narin ako sa pagtimpla ng kape ko.

A/N:
Wassup! Sorry sa super duper late update haha. Napaka busy person ko kase. Paano ba naman nung April 4 namin completion tas siyempre napaka hectic ng schedule. Andami kong hinahabol na oras HHAHAHAHAHA.
But I'll try my best to update every weekends (bakasyon na naman)
Sooo yun namiss ko magsulat haha at nag backread pa ako para maalala lahat ng nangyare.

Anyways
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE MY STORY.

THANKS!

Marry Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon