Nakayakap parin si bipolar sa akin ewan ko ba kung ano na naman ang nangyare sa kaniya at nagiging ganto siya."Pasok na tayo baka magkasakit ka pa niyan" sabi ko sa kaniya
Hindi muna siya umimik hanggang sa tumango siya at binitawan ako.
"Oh anong nangyare sa inyong dalawa nagpakabasa naman kayo masiyado sa ulan" sabi ni nanay ng makita niya kami ni bipolar.
Binigyan kami ni nanay ng towel at sinabing maligo na daw muna para hindi magkasakit.
Nang matapos na akong maligo at bumaba nakita ko si nanay na paakyat at may dala dalang palanggana ba may tubig at panyo.
"Para saan po?" Tanong ko kay nanay at tinulungan ko narin siyang mag-akyat nun.
"Si Alex may sakit. Nako naman kase yung bata na yun, naligo pa sa ulan ayan tuloy nagkalagnat."
Sabi ni nanay kaya naman sumabay na ako papunta sa kuwarto ni bipolar.Iniwan naman kami ni nanay para daw makapagluto muna siya ng lugaw.
"Yan tuloy, nagkalagnat ka pa." Sabi ko kay bipolar na kasalukuyang balot na balot ng kumot.
Minulat niya naman yung mga mata niya at agad na tumingin sa akin
"Nag kasakit ka ba?"Pinitik ko naman yung noo niya, eto talagang tao na to. Siya na nga ang may sakit ako pa ang inaaalala niya.
"Stop worrying about me, sarili mo muna ang isipin mo. So, kumusta? Nahihilo ka ba or what?"
"I'm just tired and my head is aching. Baka itulog ko nalang to and I'll be alright. Go to your room, baka mahawa ka pa sa akin."
Umiling naman ako sa sinabi niya, hindi niya kaya ako iniwan nung nagkasakit ako. Tas ngayon gusto niya na iwanan ko siya. "I'll stay." Kinuha ko naman yung panyo at binasa ko iyon gamit ang tubig sa palanggana at tyaka nilagay sa noo ni bipolar.
"Rain..."
Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya kase alam ko naman na pag sasabihan niya lang ako na pumunta na sa kuwarto ko
"Paano ka kaya makakatulog kung sesermunan mo ako?" Tanong ko sa kaniya at napatitig naman siya sa akin at nag buntong hininga.
"Matulog ka na" sabi ko at pinikit niya naman yung mga mata niya.
Nung sure na ako na talagang natutulog na si bipolar iniwan ko na siya.
"Kumusta nakatulog na ba?" Tanong ni nanay sa akin kaya naman napatango ako "mabuti naman, o siya mag pahinga ka na rin Rain. Baka ikaw naman ang mag kasakit pa."
Nag paalam naman ako kay nanay at tumungo narin sa kuwarto ko. Kinuha ko rin yung phone ko kase hindi pa pala ako nakapag text kay ulap.
You:
Slr, nakauwi na ako.Ulap☁☁:
Ngayon lang?You:
Hindi kanina pa. Nakalimutan ko lang mag chat hehe.Thank you nga pala ulit kanina!!
Cloud☁☁:
Wala yun. Salamat din😊😊
BINABASA MO ANG
Marry Me
Novela Juvenil#143 In Teen Fiction What if ikasal ka sa taong di mo mahal pero habang tumatagal natututuhan mo na siyang mahalin pero paano kung meron naman pala siyang naiibigang iba? Handa mo ba siyang ipaglaban? O handa mo siyang pakawalan.